“Nabusog ka ba?” nakangiting tanong ni Yvo sa kanya.
“Nabundat nga ako sa kabusugan e.” natatawang sagot niya. “Ikaw?” baling niya rito.
“Look at these.” inililis nito ang suot na polo at ipinakita sa kanya ang tiyan nitong…natigilan siya sa nakita. Ang six-pack abs niya! Sa maumbok at matigas na tiyan na iyon naglakbay ang mga kamay niya. She swallowed, right after she hauled back her eyes away from his hairy tummy. “Ang laki na diba? Andami ko kasing nakain.” pagbibida nito.
Hindi niya alam kung maiinis ba siya o mayayabangan dito. She glanced at him sideways. Tinapiktapik pa nito ang tiyan. “Yabang mo! Pinapakita mo lang iyang abs mo e.” kantiyaw niya.
“Hindi mo ba nakikita na halos mabundat na itong tiyan ko?”
“Whatever.” she rolled her eyes. “Sana nadala ko iyong camera ko. I bet you would look good on pictures.”
“I always looked good on pictures.”
“Yabang!” muli silang nagkatawanan. Hanggang sa pareho silang napagod sa kakatawa at halos sabay na natigilan. Silence caught them again. As much as she didn’t want to feel euphoric, hindi niya mapigilan ang makaramdam ng ganoon. They were both in a romantic place at a romantic moment.
They were on the beach. Nag-aya si Yvo kanina na mag-star gazing muna sila bago umuwi. Tutal naman ay hindi pa gaanong late kaya pumayag siya. They were sitting on the seashore, facing the calm sea. Kung titingala lang sila ay madaming mga naggagandahang mga bituin ang tatambad sa kanila. It was a perfect scene for lovers…funny though, hindi sila tunay na lovers. Trying hard lovers, pwede pa.
She smiled bitterly. Rico never did something sweet like that. Napalingon siya kay Yvo na matamang nakatitig sa dagat. Kung ganon pala, pareho lang silang hindi nakaranas ng isang normal date. Napailing siya. Unti-unting nagiging beneficial sa parte niya ang kalokohang napagkasunduan nila ni Yvo.
“What’s wrong?”
“Ah…uh, nothing.” iling niya.
“Come on, you can tell me.”
“Wala nga.”
“Meron e.”
“Wala.”
“Meron.”
“Bakit ba ang kulit mo?”
“Makulit ka rin e.”
“Ewan ko sa’yo.” napapangiting iling niya. “Sino’ng mag-aakalang ang isang kagalang-galang na katulad mo ay may pagka-isip bata pala?”
“Cute ko ‘noh?” he grinned.
“Sus.”
“Walang nasabi oh, ang cute ko kasi talaga.”
“May sasabihin ako sa’yo.” tumigil ito sa pagtawa at matamang napatitig sa kanya. His face went blank, gone was his smile. Bigla siyang kinabahan sa biglaang pagseseryoso nito. “H-hey, this is nothing serious, really. Huwag ka ngang ganyan.” saway niya.
“Tell me about it.”
“Ayoko ng sabihin.” maktol niya.
“Why not?”
“Niloloko mo ako e.”
“Okay okay, titigil na.” muling bumalik ang nakakalokong ngisi nito. “Di ka na mabiro. Akala ko kasi magpro-propose ka na e. Hindi ako handa.”
“Ano ka, chicks?”
“Siguro nga, chicks ako. Madalas akong makatanggap ng proposal e. Indecent proposals nga lang.”
“Loko!” muli silang nagkatawanan. “Alam mo ba’ng akala ko noong una, suplado ka?”
“Magdamag tayong tumawa nang gabing iyon, diba? Ngayon mo pa lang nare-realize iyan?”
“Akala ko kasi, epekto lang ng alak iyon e.”
Sa halip na sumagot ay tumitig lang ito sa kanya. Kasunod niyon ay ang marahan nitong pagbubuga ng hangin. “Ano nga ulit iyong sasabihin mo?” pag-iiba nito ng paksa.
“Wala naman, naisip ko lang na pareho pala tayong hindi pa nakakaranas ng isang normal date. Nakakatawa ‘noh?”
“Edi gawin natin ang normal date.”
“Sige na nga, payag na ako. Kunwari, friends na tayo.” biro niya. He gave her a touched smile. Mayamaya’y bigla siya nitong kinabig at mahigpit na niyakap.
“Bukas, manood naman tayo ng sine. Sulitin natin ang araw na meron tayo.”
Kahit na na-excite siya sa unang sinabi nito, tila bumawi naman ang huling katagang binitiwan nito at pinasakit ang dibdib niya. Did he really intend to leave her afterwards? Iyon ang gusto niya diba? Kaya bakit siya nakadarama ng sakit at panghihinayang ngayon? Seriously, what’s gotten into her?
***
“Naniniwala ka ba sa destiny?”
Tulalang napatitig sa kanya si Lexus. Marahil ay hindi nito inaasahan ang tanong niyang out-of-the blue ay biglang nanulas sa mga labi niya. He gave her a weird look. Tila ba hindi ito makapaniwalang naitanong niya ang bagay na iyon. Well, she couldn’t blame him. Hindi naman kasi talaga siya iyong tipo ng taong nagtatanong ng tungkol sa love. Kahit noong Rico days pa, she’s never been like that.
Wait, destiny ang tinanong niya. Paano napunta iyong topic sa love? Great Lira, nasisiraan ka na talaga. Inis na ipinagpatuloy na lamang niya ang pag-aayos ng mga litratong ipapadala niya sa kanilang kliyente. “Nevermind. Pretend I didn’t ask about that.”
“In love ka ba?”
She was taken aback, kaya nahulog ang album na hawak niya. Nang makabawi ay mabilis niyang pinulot iyon. “Inaasar mo ba ako?” asik niya.
“Why? What’s wrong with my question? Diba dapat, oo ang sagot mo?”
Kabog. Kabooom! Splash! Wasak! Parang may fireworks sa ibabaw ng ulo niya ng mga sandaling iyon. Ang kaibahan lang ay hindi pang fireworks display ang mga iyon, kundi nasa hanay ng superlolo at sinturon ni hudas. Oo nga naman, diba nga may boyfriend na siya? Ketek, bakit ba nakalimutan niya ang tungkol sa kanila ni Yvo?
“Y-yeah. Oo nga. Bakit kasi tinatanong mo pa iyan eh obvious naman na in love ako?” palusot niya. Inabala niya ang sarili sa pag-aayos ng album.
“Sabi mo e.” sang-ayon nito. Kitang-kita niya ang naghihinalang tingin nito pero pinili niyang huwag na lamang pansinin pa iyon. Ayaw niyang lumaki ang issue. Had Lyka been there, siguro ay gagaan ang pakiramdam niya dahil may mapagsasabihan siya ng kanyang problema. Iyon e, kung magagawa niyang magconfide kay Lyka. What a pathetic situation she has!
“Bakit, ano ba’ng meron sa destiny?” untag nito.
“W-wala. Wala rin naman akong mahihita sa isang playboy na tulad mo e.”
“Ouch. Sakit mo naman magsalita.”
“Tigilan mo ako ha. Heto, ayos na iyan. Pwede mo ng i-schedule iyong susunod nating project. Aalis muna ako.” kinuha niya ang bag at mabilisang nag-ayos.
“Napapadalas ang alis mo ng maaga ah? Undertime iyan, di ka na naaawa sa’kin. Laging naaantala ang mga dates ko.”
“Edi magresign ka na!”
“Iyan lagi ang panakot mo sakin. Porke alam mong love na love kita’t di kita maiwan dito, ganyan ka na.” nanunudyong anito.
“Siraulo!”
Pumuno sa maliit nilang opisina ang mataginting na tawanan nila ng bigla iyong matigil dahil na mabibigat na pagkatok na narinig nila mula sa nakabukas na pinto. Nanlaki ang mata niya nang mabungaran ang madilim na mukha ni Yvo. Napansin niya ang matalim na sulyap nito kay Lexus at ang pagsusukatan ng tingin ng dalawa. Napalunok siya.
“Y-yvo. You’re quite early for tonight.” dinaluhan niya ang “kasintahan” at hinalikan ito sa pisngi. Last night, he made it a point that kissing him on the cheeks whenever she sees him should be on the rules. She didn’t refuse, bagay na ipinagtaka niya sa sarili.
“I am glad that I came early.” matalinhagang anito.
“S-shall we go?”
“Right away.” anitong hindi pa rin inaalis ang matalim na tingin kay Lexus.
“L-lex, ikaw na ang bahala rito. Babawi na lang ako next time.” paalam niya sa kaibigan. Lexus answered her with a simple nod. Yvo gave Lexus an intimidating stare, which Lexus fairly fought back. She cringed. Ano ba’ng drama ni Yvo? “Halika na!” hablot niya kay Yvo nang hindi pa rin ito tuminag sa kinatatayuan.
Padabog na pumiksi ito sa pagkakahawak niya sa braso nito nang makarating sila sa sasakyan nito. Nagtatakang napataas ang kilay niya sa inakto nito. “Ano ba’ng problema mo?”
“Diba’t sabi ko, strictly no boys on the side? Ano iyong nabungaran ko kanina, you were flirting with your business partner!” sigaw nito.
Daig pa niya ang sinampal sa narinig. Ngunit magkagayon pa man, kahit pa sobra siyang nasaktan sa pagbibintang nito, na ewan naman niya kung bakit, ay mas pinili niyang huwag na lamang iyong pansinin. “What’s with the accusation?” she hissed while gritting her teeth.
“Ikaw, ano’ng problema mo?”
“Wala ako’ng problema! Wala kaming ginagawang masama ni Lexus. For Pete’s sake, why are you acting like an overprotective and jealous boyfriend? Our’s isn’t even for real!”
That line cut the tension between them. It made Yvo stop from answering back. His dark face became expressionless. He didn’t answer, opened the car’s door and left without waiting for her to hop in. She exhaled inwardly. Wala pang dalawang araw ang “relasyon” nila pero heto sila, para nang mga aso’t pusa na nagbabangayan. Mukhang hindi magtatagal ang kasunduan nila.
Nanatili silang tahimik habang binabaybay nila ang daan patungo sa moviehouse. Great, firt time niyang makakapunta ng sinehan, pero…napalingon siya kay Yvo na hanggang ng mga sandaling iyon ay tahimik parin habang nakakunot ang noo. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang sikat na mall. Akmang baba ito nang pigilan niya ito sa braso.
“Why?” he asked as he turned to her.
“H-huwag na tayong tumuloy.”
“Again, why?”
“B-basta.”
Bumuntong hininga ito at marahang humarap sa kanya. “Look, I’m sorry, okay? I k-know, I got too overboard when I said those things. H-hindi ko lang napigilan.”
“A-ako din naman. I s-shouldn’t have said that.”
“Bati na tayo?”
Her eyes automatically searched for his. She suddenly felt better when she saw his coal black eyes half smiling at her. Wala na ang mabigat na mga titig nito sa kanya. Her trembling lips carved a sweet smile. “Ikaw kasi.” nakalabing aniya.
“Ikaw kaya.”
“Ikaw.”
“Ikaw.”
“Sabing ikaw eh!”
“Fine. Ako na nga.” nakangising ani Yvo. Nagkatawanan sila. “Lika nga dito.” kinabig siya nito at mahigpit na niyakap. “I’m sorry.”
Sa ilang beses na pag-aaway nila ni Rico noon, siya lagi ang nagso-sorry sa dating kasintahan. Sa pagkakatanda niya, it was her first time to hear a guy say sorry to her just like Yvo did. She felt something warm touch her heart. Gumanti siya ng yakap sa binata. “Thank you.”
“What’s with the thank you for?” anito matapos kumalas sa pagkakayap niya upang titigan siya. Even with his knitted brows, he still looked undeniably gorgeous. Funny, akala niya ay nawala na ang attraction niya sa binata. Nawawala nga ba ang attraction?
“Thank you for making all my first times memorable.”
“Wala ng libre sa mundo ngayon.” he stated, his smile turned into a wide grin.
“Mas mayaman ka sa akin.”
“A kiss would be fine.” he winked. She blushed. Umalingawngaw sa loob ng kotse nito ang malutong nitong halakhak. “Just kidding. So, ano, tara na? Nag-aantay na sa atin ang pelikula.”
“Loko ka! Lika na nga.”