“What?” iritableng sikmat ni Lira kay Lyka. Kanina pa niya napapansing tinititigan siya ng pinsan. Mukhang nais din nitong makisali sa pang-gigisa sa kanya. Kanina lang ay tinakasan niya ang mala-Mike Enriquez na pagtatanong ng kanyang mommy.
“Is it true?” anas nito.
Natigilan siya ng marinig ang tanong nitong paulit-ulit niyang sinagot sa parents niya kanina. Like them, it seemed her cousin couldn’t believe it too. Or maybe, everybody who knew her couldn’t. She heaved a deep sigh and gently nodded. “Yvo’s my boyfriend.”
“P-pero, paano nangyari iyon?”
“I met Yvo four years ago. Bago ko pa makilala si Rico. We’ve had a short relationship before. But due to his kind of work, we weren’t able to work it out. So we’ve decided to stay as friends. Pero noong lokohin ako ni Rico, Yvo came to me. Y-you have to know that Rico and I have been struggling with our relationship for quite a long time now. And Yvo has always been by my side. When Rico and I broke up, Yvo never left me. Doon ko narealize na mahal ko pa rin pala siya.” she lied.
“Y-you never mentioned this to me.” her cousin accused.
“I’m sorry, couz. Hindi ko inakalang hahantong kami sa pagbabalikan.” she lied.
Tinitigan siya ni Lyka. Isang nagdududang tingin ang nagpayuko sa kanya. Nagkunwari siyang inaayos ang kanyang camera para iiwas ang tingin rito. Her cousin knew her too well. Madali lang nitong mababasa ang pagsisinungaling niya. Nang hindi makatiis sa biglaang pananahimik ng pinsan ay mabilisan niyang isinalansan ang mga gamit. Tumayo siya.
“Where are you going?” takang tanong nito.
“I have a date.” she calmly answered.
“Date?” she screeched.
“With my boyfriend, of course.” kinuha niya ang bag. “Lex! You’ve gotta take care of the phone call I am supposed to get later. Maaga akong aalis ngayon. I have a date. Call Mr. Naval and confirm my approval for his project proposal.” bilin niya kay Lex. Kagaya niya ay isa rin itong professional photographer. They own that little photo studio, dalawa lang sila. Bagamat maliit lang iyon ay puro mga bigatin naman ang mga kliyente nila.
“Yes honey bunch.” magiliw na sagot ni Lexus.
She rolled her eyes. Dati niyang manliligaw ang binata na binasted niya. It’s funny how they became friends and even business partners. Tanggap na ni Lexus na hanggang kapatid lang ang turing niya rito. Iyon nga lang, hindi na ito tumigil sa kakatukso sa kanya. He’s become a certified playboy, pero ni minsan ay hindi na ito nagtangkang ligawan ulit siya.
Napatingin siya kay Lyka na mataman pa ring nakamata sa kanya. Nakaramdam siya ng guilt. Nagawa nitong i-cancel ang honeymoon dahil lang sa pakiusap ng mommy niya. Alam niyang nag-aalala ito sa rebelasyong pinasabog ni Yvo kahapon. “Lyka, you can go home. I’ll just wait for Yvo to come.”
“Why don’t you call him?”
Nasamid siya sa suhestiyon nito. She silently cursed under her breath. Hindi niya alam ang cellphone number ni Yvo. Mukhang mahihirapan siyang itago ang sikreto sa pinsan. Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang bag at nag-aktong kinukuha ang cellphone. “Y-yeah, nice idea.” kinakabahang sang-ayon niya.
Mukhang sinusubukan siya nito. Nagkunwari siyang nagbubuting-ting sa cellphone niya. Mayamaya’y nakita niya ang pagngisi ng pinsan. “You can’t hide it from me, Lira. I know you too well.” kumpiyansang anito.
“What are you—”
“Hi angel! Am I late?” gulat na napalingon siya sa lalaking bigla na lang sumulpot mula sa likod niya at hinalikan siya sa pisngi. “Shall we go?” nakangiting tanong nito.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kasiyahan nang makita si Yvo. Pakiramdam niya ay may naalis na mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib. Mabilis niyang ikinawit ang braso sa braso nito at hinapit ito palapit. “Hindi naman, halos kalalabas ko lang din. I was about to call you though.” malawak ang ngiting aniya.
Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay kitang-kita niya ang pagkatigalgal ni Lyka sa nasaksihang sweetness sa pagitan nila ng binata. Natutuwang pinisil niya ang magkabilang pisngi ni Yvo. Saglit lang na dumaan ang pagtataka sa mga mata nito. Mukhang nakuha agad nito ang sitwasyong tinatakasan niya. Dumapo ang tingin nito kay Lyka.
“Hello, I guess, we’ve met before?” anito kay Lyka.
“Y-yeah. It’s nice seeing you again.” aligagang bati ni Lyka.
“Lira and I are having dinner tonight, do you want to join us?” alok ni Yvo.
“T-thanks but no thanks. I am about to leave anyway. L-lira, I’m off. Give me a call as soon as you get home.” she’s sensed threat in Lyka’s voice. Alanganing ngiti ang isinukli niya.
“Take care ‘couz!” humalik siya sa pisngi nito. Nang makaalis ito sa harap nila ay bigla siyang napayakap kay Yvo. “Grabe! You’re a life saver. Akala ko mabubuking na ako kanina. Thank God, you really came.”
“Easy, angel. Of course, I’ll come.” anito habang natatawang gumanti ng yakap sa kanya.
Kusot ang ilong na kumalas siya mula sa pagkakayap rito. Pilit niyang ikinubli ang pamumula ng pisngi niya ng mapagtanto ang kanyang inakto. Did she really have to hug him? Nakakahiya! Tumikhim siya at napatuwid ng tayo. “L-let’s just go.”
“My pleasure.” isang nakakalokong ngisi ang isinagot nito.
“Quit it! Wala ako sa mood makipag-asaran ngayon.” asik niya.
“Relax. We have all the night to put you back in mood.” Mabilis niyang tinalikuran ang ngingisi-ngising binata. “Wait up! Hindi ka na mabiro.” natatawang habol nito. He ushered her towards his black Toyota Fortuner. Pansumandali siyang nag-alangang sumakay roon. Napansin iyon ni Yvo kaya pati ito ay natigilan rin.
Silence leaped between them. Muling napadako ang tingin niya sa sasakyan nito. She closed her eyes. Ayaw man niya ay hindi niya napigilang alalahanin ang gabing iyon, kung saan una siyang sumakay sa kotse nito. It was inside that car, where they shared their first smiles with each other—smiles that lead to their magical night.
Narinig niya ang mahinang pagtikhim ni Yvo. Napalingon siya rito. He’s got the same smile like before. She instantly blushed at the sight. Ngayon niya naisip na hindi lang dahil sa epekto ng alak ang mabilis na pagtahip ng dibdib niya sa tuwing nakikita niya ang ngiti nitong iyon. Ibig bang sabihin niyon, lahat ng mga naramdaman niya para rito noong gabing iyon ay totoo?
“Shall we go?” nanantiyang untag ni Yvo. Wala sa sariling napatango na lang siya. “Let’s enjoy this night, angel.” he smiled.
Napalunok siya. He used that same line! Bigla siyang kinabahan. Mauulit kaya ang nangyari sa kanila ng gabing iyon? Hindi! Hindi maaari! Hindi siya papayag! Hindi! Hindi raw? Eh bakit nae-excite ka diyan? Bakit iniisip mo agad ang mangyayari sa inyo?
***
“Ano’ng ginagawa natin dito?” kunot-noong tanong ni Lira kay Yvo.
Tumingin ito sa suot na rolex. “Maaga pa naman. We can talk a walk.”
“Akala ko ba dinner ang pupuntahan natin?”
“Dinner may come later. Ang ganda ng stars diba?” tumingala ito sa langit at ngumiti.
“Yeah.” she agreed. She looked at him and smiled. Nawawala ang pagiging suplado ng mukha nito sa tuwing ngumingiti ito ng ganon. “May problema ka ‘no?”
“What made you think so?” baling nito sa kanya.
“I don’t know, feeling ko lang naman.”
Hindi ito sumagot. He reached for her hand and held it tight. Napasinghap siya sa ginawa nito. Tila balewala namang nagpatuloy lang ito sa paglalakad. “Alam mo ba’ng first time kong maglakad sa gilid ng kalsada na may ka-holding hands?”
She gave him a doubtful look. Nakita niya ang pagngisi nito. “Lokohin mo ang lelong mo.” nanunulis ang ngusong aniya.
“True. First time ko talaga.”
“Tigilan mo nga ako.”
“I’ve never had a normal date before.”
“So, what’s an abnormal date then?” she teased.
“You sure, you wanna know?” ganting-tukso nito. For such an unknown reason, natawa siya sa hitsura nito. Tumigil ito sa paglalakad, kaya napatigil din siya. He bent over and leaned against her. “My dates, if you can call them a date, were never like this. It would always be on a grand restaurant, a yatch, more over so, in bed.”
Literal na nanuyo ang lalamunan niya nang tumigil ang mukha nito, gahibla ang layo mula sa kanya. The way his eyes stared back at her, it seemed like she has lost in a trance. Napaigtad siya at mabilis na lumayo kay Yvo. “Right, that’s an abnormal date.” she commented.
“Kaya pagbigyan mo na ako. I wanted to know how a normal date feels like.” hinuli nito ang kamay niya at muli iyong hinawakan. Hindi na siya tumutol nang hilain siya nito palapit sa tabi nito at iginaya sa paglalakad.
“Sabagay, pareho namang beneficial sa atin itong nakakalokang sitwasyon natin. We might as well enjoy it, don’t you think so?”
“I always thought we’d get along.”
“Yeah right. Pareho tayong sira-ulo.”
“Ano’ng gusto mong kainin?”
“Ikaw.”
“My place, or your place?” he grinned. Bigla itong humarap sa kanya kaya kitang-kita niya kung gaanong nangislap ang mga mata nito. Edi siya na ang excited kumain!
“Diba sa restaurant tayo kakain?” she asked, unaware of what the guy was actually thinking. Nakuha lang niya ang iniisip nito nang mapansin niya ang pagtitig nito sa mga labi niya. Mabilis niya itong tinampal sa braso. “You pervert! Ibig kong sabihin, ikaw na ang bahala kung ano’ng kakainin natin.” namumula ang mukhang paliwanag niya.
He smirked, sexily. She averted her eyes away from his sexy smirk. “Oh well, you can always change your mind, you know.” tukso nito.
“Shut up!”
“How about a drink then?”
“If you’re planning something, you’d better stop it now. Don’t push it.” banta niya.
“Alright. Akala ko lang naman makakalusot.” natatawang iling nito. “Let’s go for a stake! I know a good place where we can have some.”
“Iyan, umayos ka. Tara.” sabay pa silang nagkatawanan.