Amethyst’s eyes remained unblinking at the autumn brown-colored ceilings. She remained not moving as the familiar woody scent of the cabin filled her nostrils. She remained staring at the empty space, hoping she’s just dreaming or thinking that what she was seeing right now was just a figment of her imagination.
However, she knew she wasn’t dreaming. She’s not having a nightmare. She’s not home yet.
‘I’m still here. But, I thought…’
She lifted her right hand and brought it to her face. She could feel her warm hand pressing on her safe cheek. She pinched her cheekbone and felt the light pain on it.
‘Nandito pa rin talaga ako… Nakakulong pa rin ako.’
Naibaba niya sa gilid ang kamay at mariing ipinikit ang mga mata. All along, she’s thinking that she’s already home. Nagkasakit siya at ang tanging alam lang niyang mag-aalaga sa kaniya ang pamilya niya. Pero nagkamali siya…
Maling-mali.
Hindi pa halos napoproseso ni Amethyst ang nangyayari nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Hindi rin nagtagal ay nasamyo niya ang mabangong amoy ng luya sa hangin. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at sumalubong sa kaniya ang blangkong mukha ni Asher dala ang isang umuusok na mug. Walang anumang reaksyong nagpatuloy ito sa paglalakad palapit sa papag na kinahihigaan niya. Ipinatong nito ang mug sa mesa na nasa tabi ng papag bago nakahalukipkip na tiningnan siya.
“Gising ka na,” simpleng anito.
Napalunok siya dahil sa kawalan ng sasabihin. It’s pretty obvious that it was Asher who took care of her while she’s sick. Hindi pa malinaw sa kaniya ang lahat ng nangyari pero sa putol-putol na alaala at pag-aakalang nakauwi na siya, tiyak niyang ang binata ang nag-intindi sa kaniya. She didn't know the exact reason why he took care of her when he could just leave her alone while she’s sick.
‘Of course, it is because of the money!’ her mind shouted.
She dismissed the bitter thought. She’s still alive, and it’s because of him. Sapat ng rason iyon para magpasalamat siya kesa ang mag-isip ng kung ano.
“May God bless you for taking care of me,” she breathed out.
Awtomatikong nagsalubong ang kilay ni Asher dahil sa sinabi niya. “Wag mo ak—“
“Buong akala ko ay nakauwi na ako,” mahinahong putol niya sa mga sasabihin sana ng lalaki. Ang malamlam niyang mga mata nakatingin sa binata ay lumipat sa kisame. Hindi niya naaaninaw ang kisame kapag gabi pero sa tuwing sumasapit ang umaga at iyon ang namumulatan niya, magkahalong lungkot at saya ang nadarama niya.
It made her sad knowing she’s still in her kidnapper’s hands while on the other hand, she’s thankful that she’s still alive. And the moment she saw the ceiling this morning, she felt nothing but disappointment.
“Nananaginip ka kung iyan ang iniisip mo. Hindi ka pa makakaalis rito.”
Ipinaling niya ang ulo kay Asher na hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa mukha. Nagpakawala siya nang malalim na buntong hininga bago magdesisyon bumangon. Nakakaramdam pa rin siya ng panghihina pero nakakaya na naman niyang kumilos. Ang problema na lang niya ay ang kaliwang braso na hanggang ngayon ay naka-splint pa.
It’s one of the things she’s thankful for. Nang magising siya kanina ay may nakalagay ng splint sa braso niya. There’s a clean board and thick stick that was wrapped with clean cloth around her sprained arm with duct tape. It still hurt but unlike before, it seemed a little better.
“Mukhang magaling ka na nga,” puna ni Asher na nakamata sa kaniya, blangko ang mga mata at hindi niya tiyak kung natutuwa ba itong magaling na siya o ano. “Nagagawa mo nang sumagot at bumangon ngayon.”
“You helped me,” she said in a small voice.
Nagpakawala nang pagak na tawa si Asher. “Kung iniisip mong ginusto kitang iligtas at tulungan, nagkakamali ka. Ginawa ko lang ito dahil s—“
“Dahil sa dalawampung milyong piso,” maagap niyang agaw sa mga sasabihin nito habang matamang nakatingin rito. “You meant it for a bad reason, but I believe that God meant it for good.”
Hindi nakalingat kay Amethyst ang pagtatagis ng baga at pagkuyom ng kamao ni Asher. Sa kabila nang pagliligtas at pag-aalaga nito sa kaniya, hindi siya nakakatiyak na hindi na siya sasaktan nito. Ngunit pagkatapos ng lahat, naging mahirap man ang mga dumaang araw, naniniwala siyang kumikilos pa rin ang Diyos. Hindi lang sa buhay niya kundi pati na rin…
‘Kumikilos siya pati sa buhay mo…’
Tinitigan niya ang nagngangalit na mukha ni Asher. Madalas niyang makita ang blangko, malamig, nangungutya, at ang galit na mukha nito na sumasalamin sa mga mata nito. Subalit may pagkakataon rin na hindi nagkakatugma ang mukha at mga mata nito. His eyes were shouting something she couldn’t comprehend.
“Narito ka pa rin, muntik ka nang mamatay sa pagkakadulas mo, at ilang araw kang nagdedeliryo sa sakit tapos iniisip mong mabuti pa rin ang gusto ng Diyos mo para sa’yo?”
Napakurap siya dahil sa sinabi nito. “Anong ibig mong sabihin mo?”
Nagusot ang mukha nito sa tanong niya. “Nabingi ka na ba?”
“Sinabi mong ilang araw akong nagdedeliryo sa sakit?” manghang tanong niya.
Hindi inaalis ang mga mata sa kanyang tumuwid ito ng tayo. “Hindi na ako nagtataka, para kang maamong manika ng may sakit ka,” sarkastikong anito bago nagsimulang maglakad patungo sa may pinto.
Hindi pa siya nakakabawi sa nalaman ng muling lumingon ito sa kaniya. “Inumin mo iyan at magpagaling ka,” simula nito sabay sulyap sa mug na ipinatong sa mesa. “Hindi libre ang pag-aalaga ko sa’yo kaya habang hindi ko pa nakukuha ang pera, babayaran mo ako sa ibang paraan,” diretsang deklara nito at hinila na pasara ang pinto.
Maang pa ring nakatitig siya sa pintong nakasara.
“Hindi na ako nagtataka, para kang manika ng may sakit ka.”
Anong nangyari nang may sakit siya?
“Hindi libre ang pag-aalaga ko sa’yo kaya habang hindi ko pa nakukuha ang pera, babayaran mo ako sa ibang paraan.”
At anong ibig niyang sabihin?
*****
[GSA’s HQ]
“Asher Arabello, 26 years old, high school undergraduate. May patong-patong na record ng pagnanakaw at panloloob. Nagsimula siyang magka-record sa mga pulis five years ago nang pambubugbog sa sariling ama.” Tumigil nang pagsasalita si Ace sa pagsasalita at sumulyap sa tatlong magkakapatid na lalaking nasa harap niya.
They were in one of the conference rooms of GSA’s Headquarters. The Montenegro brothers were comfortably sitting at their leather conference chairs, listening to him as they ran back at the information they got about Amethyst's kidnapper.
Alam na ng amo niyang si August Montenegro ang mga impormasyong iyon ngunit dahil sa pagbabalik ng dalawang nakakatandang kapatid nito na sina Ayden at Alexander Montenegro ay binubuklat muli nila ang mga impormasyon ng kidnapper ni Amethyst Montenegro, ang nag-iisa at bunsong kapatid na babae ng mga ito.
“He had beaten his father?” Alexander scrunched his nose as he asked, lifting his boots at the center table.
“Unfortunately, yes” si August ang sumagot sa tanong ng kapatid.
“Bast@rd,” Alexander breathed out. Ayden remained quiet and August nodded to Ace to continue.
“Five years ago, napawalang-sala siya sa pambubugbog sa kaniyang ama pagkatapos piyansahan ng isang kaibigang nagngangalang Julio Ocampo. Pero ayon din sa record, bago mangyari ang pambubugbog, Arabello was the one who provided to his two younger siblings.”
“Nasaan ang mga kapatid ni Arabello?” seryosong tanong ni Ayden.
Nagkatinginan sina Ace at August bago sumagot si Ace. “Ilang buwan pagkatapos ng pambubugbog ni Arabello sa ama niya ay natagpuan ang isa sa mga kapatid niya na nag-aagaw buhay sa bahay nila. Walang nakuha ang mga pulis na impormasyon kung sino ang may kagagawan ng nangyari. Pero pagkaraang makalabas ng bata ng hospital ay sinasabing pinaampon niya ang mga kapatid.”
Naramdaman ni August ang pag-tension at paninigas ng katawan ng dalawang kapatid.
“He is really a bast@rd,” Alexander cursed.
“Nasaan ang mga magulang nila?” tahimik namang tanong ni Ayden na tila nagpipigil lang sa galit.
“Doon pa rin sila nakatira sa bahay nila. At hanggang ngayon, sugapa pa rin sa pagsusugal ang ina nila samantalang ang ama naman ay lulong sa alak at babae,” kalmadong tugon ni Ace na tila hindi man lang kinakabahan sa harap ng magkakapatid.
Wala nang nagsalita sa magkakapatid kaya nagpatuloy si Ace. Isinalaysay niya ang lahat ng nakuhang impormasyon tungkol kay kidnapper, sa pamilya nito, sa mga kaibigan at sa mga hinihinalang kasabwat nito. Sa pagkakaalam niya ay nagsagawa ang dalawang kapatid ng amo niya ng sariling pag-iimbestiga ngunit dahil pare-parehas silang bumabagsak sa dead end ay binabalikan nila ang mga nakalap na impormasyon noon.
“Sa ngayon, sa tulong ng mga pulis, binabantayan namin itong nagngangalang Brock, ang kaibigan niyang si Ocampo at ilan pang hinihinalang kasamahan nila,” pagtatapos ni Ace sabay turo sa mga larawang nakakabit na glass board sa unahan.
Naniningkit ang mga mata ni August sa larawan ni Asher. Blangko ang ekspresyon ng mukha at mga mata nito sa larawan. Kung ngingiti ang lalaki ay walang mag-iisip na kriminal ito dahil sa maamong mukha nito.
Subalit ilang araw na nitong hawak ang kapatid nila ay wala pa rin silang nakukuhang tawag mula rito. Hindi rin nila alam kung nasaan ang mga ito o kung kumusta na ang kapatid nila… O kung buhay pa ba ito?
Mariin niyang naikuyom ang mga kamay na nakahawak sa armrest dahil sa huling naisip. Kailangan na nilang makita ang kapatid sa lalong madaling panahon…
“Walang maiitulong kung magkakaganiyan ka.”
Napalingon si August kay Ayden nang tapikin siya nito sa may balikat. “I know,” he said in a low tone.
“Mahahanap natin si Amethyst kahit ano pang mangyari,” dagdag pa ni Ayden.
“Tama siya. Hindi tayo titigil hangga’t hindi siya nakikita,” pagsang-ayon pa ni Alexander.
Ngumiti siya at tumango. Malaking bagay talaga na nakabalik kaagad ang mga kapatid niya. Lalo siyang naniniwalang hindi sila nag-iisa sa labang iyon.
“Ahmm… Excuse me, Sir,” putol ni Ace sa pag-uusap nilang magkakapatid.
“Ano iyon?” tanong niya.
“May nakuha silang bagong mga impormasyon,” deklara nito habang tumitipa sa laptop.
Natuon muli ang atensiyon nilang magkakapatid rito.
“Ano iyon?” naiinip na tanong ni Alexander.
Hindi sumagot si Ace at sa halip ay tumingin ito sa glass board kung saan may mga larawang nag-flash. Nagugulumihanang napakurap si August sa mga nakita nilang larawan na sinundan ng ilang video clips. “Anong?”
“Hindi pa sigurado ang buong team pero nakuha nila ang mga ito ng i-review nila ang bawat cctv sa paligid kung saan madalas makikita si Miss Amethyst. Sa tingin ko’y hindi nila pansin na may mga camera sa paligid.”
“It’s pretty obvious na magkakasabwat sila,” deklara ni Alexander.
Halos magsalubong ang mga kilay ni August habang nakatingin sa mga larawan at videos kung saan makikita ang ilang lalaking pasimpleng umaaligid sa paligid ng kumbento at ng pamilihan kung saan minsan ay nakukwento sa kaniya ni Amethyst na kapag may pagkakataong lumalabas ito kasama ng mga kapwa madre upang mamili ay pinupuntahan ng mga ito.
August’s eyes flew from the video board to the glass board. Specifically, to a bearded man with a rough look.
“Hindi lang iyan. May nakita pa kaming ilang kahina-hinalang footage,” pagkaraa’y saad pa ni Ace bago inilipat ang video. Napaltan ang video ng grupo ng mga larawan na lalong dumagdag sa magulo na nilang isip.
“Isn’t that Arabello?” Alexander muttered.
“And that girl is Alvira,” Ayden uttered roughly, squinting his eyes to the young teenager in the picture.
“Alam ba ito ni Alvys?” baling niya kay Ace.
“Nagpadala na ang GSA kina Sir Alvys ng mga bodyguard para ialerto sila,” pormal na tugon nito.
Alvira Violet Montenegro was one of their cousins. Bunsong kapatid ito ni Alvys na kababata at halos kasabay lumaki ni Amethyst.
“Why was Arabello around Alvira?” Though he had a hint of the reason why, he still wanted to confirm the answer.
“Walang bodyguard na kasama si Miss Alvira dahil sa mahigpit nitong pag-ayaw at pati na rin sa madalas nitong pagtakas na ginagawa. Isa pa, mahigpit na i***********l ang bodyguard kung saan siya nag-aaral kaya driver lang ang madalas ipinapadala sa kaniya,” mahabang paliwanag ni Ace. “Even so, it seems that the group of this Brock and Asher has really a plan of k********g either Miss Amethyst or Miss Alvira.”
“At nagkataong open bait ang kapatid natin,” wala sa loob na bulong ni Alexander.
“At kung hindi nila nakuha si Amethyst…”
“They will surely find a way to get Alvira,” Ayden continued what he couldn’t say.
Pakiramdam ni August ay dumoble ang laki ng ulo niya. Sa simula pa lang ay planado na ang lahat. He’s been hearing rumors and threats even while Amethyst was inside the convent. That’s the reason why he got Ace. August is a fighter like his brothers, but having a man like Ace was a win-win game. Naging kampante siyang maayos lang si Amethyst, na okay lang ito, at hindi gaya niyang nasa panganib. But it turned out that he lost track of what’s really happening. Simula pa lang ay nasa panganib na ang kapatid niya.
At hindi niya iyon nalalaman.
He pinched the bridge of his nose. Everything was upsetting and too much.
“That man named Brock. Are you still watching him?” Ayden questioned Ace sternly.
“Yes, Sir. Hindi namin siya inaalis sa suspect kahit pa malinis at walang ebidensiya na nagtuturo sa kaniya.”
“Those videos, have you given it to the police?” Alexander turned to ask.
“The team made a copy and turned it into the police, but it wasn’t enough para hulihin sina Brock at ilang kasama niya.”
“Yeah, they could even create a story out of it,” Alexander said in sarcasm.
“At hindi natin siya pwedeng basta gitgitin ngayon,” bulong niya.
“Or else they will use the situation to get more upper hands.”
Parang iisang tao sabay-sabay na napakuyom ang kamao ng magkakapatid.
In the end, it’s still a dead end.