Chapter Eleven “Solitude and Confinement”

2652 Words
Meditating, contemplating God's words, and breakthrough prayers were always the beginning of Amethyst day even before she was inside the convent and even after Asher brought her inside the cabin. Submitting herself in God's presence, she tried her best to ignore the loud thumping and hammering against the wooden wall. It's the same thumping that woke up her that morning. She tried to wait for the loud hammering to stop, but it appeared that whatever Asher was doing, he had no intention of stopping. Because she couldn't wait to stop the loud sounds, she kneeled at the side of the pallet and began praying, ignoring the loud thumping and letting herself soak in God's peaceful presence. Eksaktong natapos siyang manalangin ay mataas na ang sikat ng araw. Tuluyan na ring tumigil ang maingay na pagpupokpok at bumalik sa katahimikan ang paligid. Naupo siya sa gilid ng papag at sa pamamagitan ng kabilang kamay ay inayos ang splint ng kabilang kamay. Iginalaw-galaw niya ang braso at bagama't wala ng sakit ay alam niyang hindi pa iyon tuluyang maayos. Nagpakawala siya nang malalim na buntong hininga habang nakatitig sa braso. Simula kahapon ng umaga ay hindi pa niya muli nakakausap si Asher. Wala na itong binanggit kung anong nangyari sa kanya sa buong panahong may sakit siya o kung ilang araw ba siyang maysakit. Tuwing pumapasok ito sa silid para magdala ng pagkain ay mabilis ring umaalis ito. Inalis niya ang tingin sa braso at naglakad patungo sa bintana. Sumilip siya sa siwang noon at napangiti siya nang makita ang maberdeng mga halaman at puno na tila kumikislap dahil sa liwanag ng sikat ng araw. Inilapit niya ang mukha sa siwang at kahit sa munting simoy ay langhap niya ang sariwang amoy ng mga dahon. Hindi niya mapigilang mapapikit habang pilit pinakikiramdaman ang mahalumigmig na dulot ng hangin mula sa labas. Maybe it felt good to walk under the heat of the sun with this kind of misty air. Having the sudden thought of wanting to go out, she let out a small sigh. For the past five years, Amethyst grew accustomed to the solitude and quietness of the convent. Staying for the past few days inside that cabin wasn't different except that inside the convent, she had the freewill to go out if she needed to. 'I had the freewill?' her mind asked. 'Do I want that freewill to be back?' Iminulat niya ang mga mata pero nawala na sa balintataw niya ang maberdeng paligid. Sa halip ang nakikita na lang niya ang tila lumalaking harang sa bintana. Kumukurap-kurap na napaurong siya palayo mula sa bintana. Batid niyang dinadaya lang siya ng paningin na lumalaki ang mga harang. Ngunit sa mga mata niya ay tila patuloy iyon sa paglaki na halos matakpan siya. Nakaramdam siya nang paninikip ng dibdib at pangangapos ng hangin dahilan para mapahawak siya sa may tapat ng dibdib. Nagpatuloy siya sa pag-urong hanggang maramdaman ang pagtama ng likod ng mga tuhod sa gilid ng papag. Nagulat siya at wala sa loob na napaupo roon habang hindi inaalis ang mga mata sa bintana na bumalik na sa normal na laki nito. 'You are creating your own fear, Amethyst. Stop thinking and rely on God. He's with you. He will not forsake you... Not now. Never.' Tumataas-baba ang dibdib niya habang pinupuno ng hangin ang dibdib. Hindi pa rin niya magawang alisin ang pagkakatitig sa bintana. Hindi siya makapaniwalang sa isang maling daloy ng isipan ay maaaring madaya ang sarili niya. Umiling-iling siya at sinikap pakalmahin ang sarili. Hindi pa siya nakakabawi nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok roon si Asher na may dalang pagkain niya. Dagling nilingon niya ito at sa sandaling magtama ang mga mata nila ay kita niya ang pagkislap ng mata na sinabayan ng paglalim ng kunot ng dalawang kilay nito. "Anong ginagawa mo at ganiyan ang hitsura mo?" tanong nito habang palapit sa kaniya. Umiling siya bilang tugon pero tila hindi ito naniwala dahil gumala ang tingin nito sa buong silid. Nang maibaba nito ang pinggan sa tabi niya ay hinarap siya nito muli. "Kung magbabalak kang tumakas muli, pag-isipan mong mabuti. Baka sa sunod, hindi ka na makaligtas," malamig at diretsang anito. Pakiramdam niya ay may bikig na bigla na lang bumara sa lalamunan niya. Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero walang tinig ang lumabas mula roon kaya muli niyang iniikom iyon at nag-iwas ng tingin mula rito. Sa oras na magpakita siya ng takot dito ay baka kung ano na namang marinig niya. "Huwag mong sabihing may masakit na naman sa'yo?" may bahid na inis na tanong ni Asher at bago pa niya namalayan ay nailagay na nito ang likod ng palad sa noo niya. Bumalik ang mga mata niya rito at dagling nasalubong ang matiim na mga mata nito. "Hindi ka na mainit kaya kung nag-iinarte ka ay hindi iyan tatalab sa'kin," parunggit nito at inalis ang kamay sa noo niya pagkatapos siyang iwan ng malakas na pitik sa noo. "Aray!" mahinang ingit niya habang hawak ang noong pinitik nito. "Ang arte mo, para pitik lang," nakaismid na saad nito. Hindi siya nagsalita pero patuloy na hinaplos ang nasaktang noo. "Kumain ka na," utos nito at naglakad na muli palabas ng pinto. Kukurap-kurap na lang siyang napatitig sa nilabasang pinto nito. Sa huling pagkakataon ay hinaplos niya ang noo, hindi dahil masakit pa iyon kundi dahil tila nagmarka ang mainit na pagdampi ng balat ni Asher sa noo niya. Wala na siyang lagnat pero nag-iinit ang buong mukha niya, bagay na hindi niya maunawaan at nagpapadagdag sa magulo na niyang isipan. ***** ASIDE from prayers, soaking yourself to God's words was the best way to understand and feel God's presence in one's life. But because Amethyst didn't have a Bible with her, she leaned on the wall, closed her eyes, and let her mind go through every word she read from the Bible, contemplating every verse, stories, and psalms that came up inside her mind. "Your word is a lamp to my feet and a light to my path," she whispered, "let me hear your still voice, let me know the way I should go..." she kept on whispering, her fingers tapping at the pallet, making a small sound of tip tap. Amethyst paused for a while, sagged against the wooden wall before she went on. "Oh Lord, even when I walk through the darkest valley, I will not be afraid, for you are close beside me. Your rod and your staff protect and comfort me." She muttered, hoping that the fear inside her will be gone. Letting out a sigh, she opened her eyes and focused her gaze at the covered window. "My insides were aching, but I'll never stop waiting and hoping for you. I'll wait for you as I trust in your words." She paused again and bit her lower lip, pushing a little smile. "Remember what you said? 'For I am the Lord your God who takes hold of your right hand and says to you, do not fear; I will help you.' I'll wait for your help, Oh Lord. I'll wait 'til you co—" Napatigil siya sa pagsasalita nang bumukas ang pinto. Nilingon niya ang pumasok na si Asher na may matiim kaagad na tingin sa kaniya. "Hindi ko alam kung hindi ka pa rin napapagod sa pagtawag sa Kaniya o nagsisimula ka ng masiraan ng bait dahil nagsasalita ka naman ngayon ng mag-isa," nakaismid na salubong nito sa kaniya. Sandali siyang natigilan. Hindi niya akalaing naririnig pala siya nito. "Hindi ako nasisiraan ng bait," mabilis na depensa niya kahit batid niyang walang silbi ang makipag-argumento sa lalaki. “Sabihin mo iyan sa sarili mo,” malamig nitong wika habang patuloy na lumalapit sa kaniya. Palihim niyang pinasadahan ang bagong paligo at bihis na bihis na lalaki. Bumaba ang tingin niya sa hawak nito at napaayos siya nang upo nang magsimulang lumapit ito sa kaniya, nakataas ang isang sulok ng labi at halatang nasisiyahan sa nakikitang gulat at kaba sa kaniya. "A-anong gagawin mo?" nahihindik na tanong niya. "Sa palagay mo?" nakakalokong balik na tanong nito. "Please, maawa ka. Hindi mo kailangang gawin ito," pakikiusap niya habang pilit naglalagay ng mas malaking distansiya mula sa lalaki. Ngumisi ito. "Kailangan kong makasigurado na hindi ka gagawa ng kahit anong kalokohan." "H-Hindi ak—ahh! Wag! Please!' sigaw niya nang hablutin nito ang paa niya sabay hila sa kaniya. Napahiga siya at pilit kumawala sa pagkakahawak nito ngunit mas malakas ito sa kaniya. Binitiwan nito ang hawak na kadena at dinig niya ang malakas na pagbagsak noon sa sahig. "Tumigil ka kung ayaw mong masaktan!" angil nito sa kaniya dahilan para matigilan siya. Hindi niya tiyak kung paanong nangyaring halos nasa ibabaw na niya ito habang mariing hawak ang maayos niyang braso. "Please! Wag, Asher... Pangako, hindi ako magtatangkang tumakas. Huwag mo lang akong ikadena," naiiyak na wika niya. "Minsan mo nang ginawa! Paano pa ako maniniwala sa iyo?" may talim na saad nito. Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Nakakatiyak nga ba siyang hindi na niya pagtatangkaang tumakas pa kung sakaling magkaroon siya nang pagkakataon? But she already lost her freedom... She didn't want to lose the only freedom that she had. "You already locked me up here. Chaining me is another thing." Amethyst looked at his eyes. Hesitant at first, she gathered her wits and spoke solidly, "You'll kill me after getting the money, right? Don't chain me and I'll promise that as long as I have to be here, I'll stay here. Hindi na ako magtatangkang tumakas pa. Hindi ko na uulitin ang ginawa ko." Amethyst knew that it sounded like she's bargaining with the devil, but maybe it's time to let fate decide the path it would take. Ilang segundong tinitigan siya ni Asher hanggang sa naramdaman niya ang pagluwag ng hawak nito sa braso niya. Lumayo ito sa kaniya para tumuwid ng pagkakatayo. Buong akala niya ay pagbibigyan siya nito pero nakaismid na pinulot nito ang kadena. "Kung iniisip mong maloloko mo ako. 'Wag ka nang umasa pa dahil hindi mangyayari ang gusto mo," saad nito at akmang hahawakan ang paa niya pero mabilis siyang nagsalita. "Sinabi mong kapag lumabas ako ng cabin ay wala ring katiyakan kung makakalabas ako ng gubat." Unti-unti siyang bumangon habang hindi inaalis ang mga mata rito. "Sa ganitong kondisyon ko, sa palagay mo ay magagawa ko bang tumakas?" Naningkit ang mga mata nito sa kaniya pero hindi ito nagsalita. "You have the upper hand because you had me locked up here. You're stronger than me, may b***l ka at anumang oras..." Napalunok siya bago nagpatuloy. "You can kill me." "Hindi mo ako madadaan sa mga salita mo," may katiyakang wika nito. “Minsan mo nang ginamit sa akin ang mga salitang iyan.” "Nangako na akong hindi ako tatakas." “Hindi ko alam kung kaya ko pang magtiwala sa mga pangako.” Lihil na napaigtad si Amethyst dahil sa sinabi nito. Sinabi nito noon na naniniwala ito sa pangako niya o ng kagaya niya ngunit ngayon, dahil sa ginawa niya—nawala na rin ang tiwala ni Asher sa kaniya. "Nakakulong ka na rito. Ano pang ipinagkaiba kung ikadena kita?" parang mauubusan na ng pasensiyang angil sa kaniya ni Asher. Sumulyap si Amethyst sa may bintana bago sa kadenang hawak ng lalaki. "Ilang taon akong nasa loob ng kumbento at gusto kong manatiling malaya sa paraang alam ko hanggang sa huling hibla ng buhay ko." Tiningala niya ito para tingnan ang mukha nito. Sa ilang araw na nakasama niya ito at palaging nakakadebate, isang bagay ang naunawaan niya mula sa lalaki, hindi pa huli ang lahat. "Hindi mo ako malalaro ng mga salita mo," malamig na wika nito at muling hinuli ang paa niya. "Hindi ako nakikipaglaro sa'yo," mahina niyang saad ngunit hindi siya pinakinggan nito. Nagpatuloy ito sa ginagawang pagkakadena sa paa niya. Sa pagkakataong ito, hindi pumiglas si Amethyst pero hindi rin nangangahulugang tapos na siya. "Nakakalungkot na sinubukan kong makipagkasundo sa'yo kapalit ng kalayaang nais ko," may pait na usal niya. Hindi natinag si Asher at ikinabit ang clasp na nasa dulo ng kadena sa kanang paa niya. "Aalis ka ba kaya kinakadena mo ako?" tanong pa niya habang wala magawa kundi ang panooring ikinakabit ang kabilang dulo sa may papag. Doon na tumigil si Asher sa ginagawa at hinarap siya. "Hindi na ba talaga titigil iyang bibig mo sa kakadada? Gusto mo, busalan naman kita?" Hinuli nang ngipin niya ang pang-ibabang labi bago pinawalan muli iyon upang magsalita. "Hindi ka pa ba masaya sa ginagawa mo ngayon?" "Bwiset talaga! Naiirita na ako sa'yong babae ka!" Tinitigan niya ang lalaking bagama't nag-aalab ang mga mata sa inis sa kaniya ay hindi pa naman siya muli sinasaktan. Hindi man niya nais na sagarin ang pasensiya nito ay kailangan pa rin niyang subukan. "Kung aalis ka? Paano kung kailangan kong pumunta ng cr?" Naniningkit ang mga matang tumayo ito. "Problema mo na iyon." "Babalik ka at ang sinasabi mong problema ko ay magiging problema mo na rin," pangangatwiran pa niya. Magsasalita pa sana siya nang hawakan nito ang panga niya at mariing iharap sa sarili. "Hindi na talaga ako natutuwa sa mga sinasabi mo. Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo." Sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak nito sa panga niya pero dahil sa higpit ng hawak nito ay hindi niya magawa. Sa halip, napapangiwi siya dahil sa sakit. Bukod sa mahigpit na hawak nito ay may ilan pa siyang galos roon na hindi pa tuluyang naghihilom. "Sige, babae. Gawin natin itong laro mo pero ito ang gusto kong tiyakin mo, ayaw na ayaw ko nang dinaraya ako." Mapanganib nitong banta sa kaniya bago pabalya siyang binitiwan. Hindi pa niya nauunawaan ang sinasabi nito pero nang makitang yumuko ito at simulang kalagin ang kadena ay para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Naghahanap pa siya ng sasabihin nang nakangising tumayo ito hawak ang kadena. "Kung gusto mo ng laro, pagbibigyan kita," anito bago lumabas ng silid. Hindi nito isinara ang pinto kaya tiyak niyang babalik pa ito at hindi niya maiwasang hindi kabahan. Nag-iisip pa siya nang sasabihin dito nang pumasok muli ito. Wala na ang kadena pero napalitan iyon ng panyo. Kaagad nanlaki ang mga mata niya nang maunawaan ang gagawin nito. Kikilos pa lang siya palayo pero maagap nitong nahuli nito ang maayos niyang kamay. Hinila siya ni Asher palapit sa katawan nito. Bahagya siyang nawalan ng balanse ngunit bago pa siya nakapanlaban ay nailagay na nito ang panyo sa may ilong at bibig niya habang hawak lumipat sa likod ng ulo niya ang isang kamay nito. Sandaling nagpipilwag siya ngunit sadyang mahina pa ang katawan niya dahil ilang sandali pa lang ay bumigay na siya. Unti-unti ay nagdilim ang paligid niya. PINANOOD ni Asher ang unti-unting pagsasara ng talukap ng mga mata ni Amethyst at ang pagbigat ng katawan nito. Dahan-dahan rin ay tumigil ito sa pagwawala at nang tuluyan na itong mawalan ng malay ay binuhat niya ito pahiga sa kama. Alam niyang hindi magtatagal ay magigising rin ang babae pero nagdesisyon siyang huwag pa rin itong ikadena. Kung bakit? Hindi niya rin alam. At naghahalo na ang inis niya sa babae at sa sarili. Nang maiayos ni Asher sa pagkakahiga si Amethyst ay tinitigan niya ang maamong mukha nito sa huling pagkakataon bago tuluyang lumabas ng silid. Kinabig niya pasara ang pinto bago kinuha ang padlock na nakasabit doon. Inabot niya ang bag na nasa upuan at lumabas ng cabin. Nang madoble ang lock ng main door ng cabin ay naglakad na siya palayo, tinunton ang masukal na daan palabas ng gubat kung nasaan nakatago ang truck niya na sasakyan patungo sa kabayanan. Habang naglalakad, hindi niya mapigilang isiping, sana ay huling punta na niya ito sa kabayanan nang patago. Hindi man naging tama ang buhay niya noon, gusto pa rin niyang ibalik ang normal na pamumuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD