Malayo pa ang sasakyan ni August mula sa mansion ngunit tanaw na niya ang taxi na tumigil sa harap ng malaking gate ng mansion nila. Pasimpleng sumulyap sa kaniya ang naalertong si Ace na kasalukuyang nasa driver’s seat at siyang nagmamaneho. Sa likuran ng sasakyan niya ay nakasunod ang sasakyan ni Ayden na hindi niya namalayang mabilis na nag-overtake sa kotseng sinasakyan niya at tinunton ang daan patungo sa gate ng mansion. Narating na ng kotse ni Ayden ang harap ng gate ng mansion pero wala pa ring bumababa mula sa taxi. Nang makalapit sila sa likuran ng kotse ni Ayden ay kita niyang bumaba na ang nakakatandangg kapatid na sinabayan naman ng pagbukas ng pinto ng taxi. “Sir, ka—“ “Sumunod tayo,” maagap na utos ni August kay Ace at walang sabi-sabing bumaba ng kotse. Malalaki ang

