Matapos mag-park ni Charles ay lumabas na silang dalawa sa kotse. Paglabas na paglabas ni Camille ay agad na nawala ang ngiti niya sa labi ng nakita niya kung gaano karami ang mga tao sa park at may mga bata pa na muntik na siyang binangga. Napatingin siya sa may karatula na nakasabit at nakita na may event pala. May banda na pupunta kaya maraming tao ngayon. Hindi kilala ni Camille ang banda kaya hindi siya nakaramdam ng excitement hindi katulad ng iba. Kahit kilala niya man ito ay wala rin naman siyang pakialam dahil si Charles lang naman ang dahilan niya kung bakit na siya sa park na ito. Dahil hindi naman siya mahilig nito at narinig niya nga lang ito mula sa isang babae na nasa likod niya noong nag-picnic sila ng kaibigan niya. After Charles locked the car, he looked at Camille an

