"Hindi pa po ba kayo uuwi, Sir Charles?" Napatingin si Charles sa secretary niya na si Erica bago ito tumingin sa orasan na nasa dingding at umiling habang nakangiti. "I've been away from work for so long." Pwede niya naman ito gawin sa bahay niya pero ayaw niyang makita si Camille. Tumango si Erica sabay sabi, "Pero ako, Sir, pwede na po, 'di po ba?" tanong ni Erica ng pabiro at sabay na ngumiti. Tumawa si Charles at tumango. "I already told you that you can go home early." Alam niya kung anong oras na at ayaw niyang ipa-overtime nanaman ulit si Erica dahil sa kanya. Masyado niya ng na overwork ito. "Thank you po, Sir Charles," masaya na sabi Erica at bumalik sa kanyang table para kunin ang kanyang bag. "Sige po, Sir. Alis na po ako." Charles smiled and nodded, "Okay. Get ho

