Every step that Charles took, and as he got closer to the door, his heartbeat became faster and faster while his steps got slower, and his sweat got colder. Malakas na napa-buntong ng hininga si Charles bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na kumatok sa puting pinto na nasa harap niya na. Looking at the space in the hallway, hindi mapigilan ni Charles ang sarili na maalala ang nangyari noong bata pa siya. Noong pilit na hinihila siya ng kanyang Ama at pilit na pinasok sa loob ng opisina nito habang siya ay umiiyak habang humihingi ng tawad at tulong sa akala niyang hero sa buhay niya. Nanginginig din siya noon dahil sa takot sa kung ano man ang mangyayari sa kanya sa loob. Samatala, sa di kalayuan, ang kanyang Ina ay nakatingin lang sa kanya bago ito ibinaling ang tingin sa maid na katabi

