CHARLES Bumukas ang pinto at pumasok si Mika na may dala-dalang tray. May laman itong juice at buong strawberry cake. Kumonut ang noo ko dahil sa taka. Strawberry cake? Did I buy that? I don't remember buying that. Camille? But as far as I remember, Camille hates sweets. Nilagay ni Mika ang tray sa maliit na mesa na nasa harap namin. Aalis na sana ito nang bigla na lang nagsalita si Dad. "Slice it," he demanded to Mika while glancing a look at her butt. Napataas ang kilay ko at agad na tinignan si Mika. Nanginginig na hinihiwa nito ang cake habang nag-iwas ng tingin kay Dad. "Is this your new maid Charles?" Dad asked. Ibinaling ko ang tingin sa kanya. "Yes, dad," I answered. F*ck! Is this why? Did I just really forget what kind of terrible being my father was? Seriously? "Y

