Tahimik ang hallway at ganoon din ang mga kwarto na nadadaanan nila. Hindi na bago pa ang katahimikan sa mansion at hindi na rin kay Charles. Ang opisina ng kanyang Ama ay hindi lang kalayuan sa guest room na kanilang pupuntahan kaya hindi mapigilan ni Charles ang pagtibok ng puso niya dahil sa kaba. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi kabahan dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin nito at natatakot din siya sa kung anong kayang gawin ng kanyang Ama. Noong huli nila na pag-uusap ng kanyang Ama ay sinabihan siya nito sa kung ano ang kayang gawin nito sa kanyang kapatid at alam din niya na may kaya rin ito saktan si Kesia. Tahimik na bumuntong ng hininga si Charles at napatanong sa sarili kung kailan ba matatapos ang lahat ng ito at kailan ba siya makahinga ng maluwag. Hindi na

