“Hala! Puta! Gago! Binasa mo? Bakit mo naman binasa?" nagulat na sigaw ni Kesia. Sa lakas ng sigaw ay napatingin ang lahat ng tao sa kanila. Nanlaki ang mga mata ni Charles at mabilis na nag-sorry sa mga tao sa paligid nila. “Can you lower your voice? Can't you see that we are in public?” “Just give me my phone! Quickly! Bakit mo kasi binasa? Bakit mo na basa?” sabi ni Kesia. Hindi pinansin ang tingin ng mga tao sa kanya. Hindi niya naisip na burahin ang search history niya dahil siya lang naman ang hahawak ng cellphone niya at nakalimutan niya ang tungkol dito. Titigil na sana siya nang may nakita pa siyang iba. ‘Can a mistress be happy? Signs that a married man is in love with his…mistress?’ “Hey! Akin na nga!” naiinis na sigaw ni Kesia at muling tumingin sa kanya ang mga tao. Charl

