KESIA
Kinatok ko ang pinto na nasa harap ko.
"Teka lang!" Patuloy pa rin ako sa pagkatok at hindi pinansin ang pagsigaw niya.
"Teka nga lang sabi!" Narinig ko ang pagdabog at pagmumura nito bago binuksan ang pinto.
"PUT—Kesia?" Isang lalaking naka-topless at naka-underwear ang lumabas sa pinto. Sumama ang mukha nito nang makita ako at pinigilan ang sarili magmura.
Tinignan niya ako ng masama. Hindi ko naman siya masisisi. Minsan na na lang ako umuwi at uuwi pa ako sa bahay niya. Palagi rin naman akong naka hotel dahil sa hotel kami magkikita ng mga lalake ko.
Isang malaking ngiti ang tugon ko dito na agad ding nawala. Napatakip ako sa ilong ko nang naamoy ko ang baho niya.
"Pinatulan ka na naman ba ng tubig?" tanong ko habang makatakip pa rin ng ilong. Maslalo sumama ang mukha nito.
"At nahuli ka nanaman ba ng mga asawa kaya ka nandito?" iritang tanong nito.
Hindi ko siya sinagot at tinulak siya para may ma daanan ako. Pagpasok na pagpasok ko bumugad sa akin ang maduming kwarto niya. May brief at damit na nakakalat kung saan-saan. May plato at chichiryang nakakalat sa computer niya na nilalanggam na.
Hindi na ako nagulat sa nakita. Ito 'yung dahilan kung bakit ayaw kong matulog dito. Bukod sa hindi ako komportable, narurumihan pa ako sa lugar na 'to. But for someone who has nowhere to go to, wala na akong magagawa. Hinarap ko ang siya at tinignan ng masama.
"Bahay ko naman to ah! Bahay ko to kaya magkakalat ako." Hindi ko siya sinagot at patuloy siyang tinignan ng masama.
Napaiwas siya ng tingin at ginulo ang buhok at nagsimulang pulutin ang mga damit na nakakalat. I looked around, it's been a while since I've been to this place. Not like, I'm welcome. James is my classmate from high school, he once confessed his feelings to me, na tinawanan ko lang. I don't remember what happened, pero naging alalay ko siya.
Maliit lang ang apartment niya, may maliit na sala at maliit na kwarto na may maliit na CR. Natutulog ako sa sahig at si James naman sa kama. Gentleman na gentleman e.
"P*ta, pumunta ka lang naman dito eh kung wala kang matulugan." inis na bulong nito. Hindi ko siya pinansin at pumasok sa kwarto. Sinundan niya ako sa loob at napansin ang bag na daladala ko.
"Ba't ka nandito? And what's with that bag?" tanong nito sabay turo sa pulang bag.
"Pera." sabi ko.
"Haha, nakakatawa." sarkastiko sabi nito. Tinalikuran niya ako at nagpatuloy sa paglinis, nang matapos siyang pulutin lahat ng kalat ay umupo siya sa harap ng computer niya at naglaro uli.
Hindi ko na siya ginulo at ipinatong ang pulang bag sa kama. I still can't believe it. I can go wherever I want with this money, I can escape. Hindi ko maiwasang mapangiti. Kinuha ko ang mga damit ko sa aparador at nilagay sa maleta ko.
"Wow! Tama 'ba itong nakikita ko? Aalis ka na? Hindi ko inakala na mangyayari 'to sa buong buhay ko," sabi niya habang nagpupunas ng pekeng luha.
"Oo, pwede mo na dalhin mga babae mo rito. Not like pupunta sila sa mabaho mong apartment," sabi ko sa kanya na wala halong biro.
Tinignan niya ako ng masama at pinigilan na naman ang sailing magmura. "I can afford a hotel, for your information." inis na sabi nito at bumalik sa paglalaro.
Natawa ako sa reaksyon nito. Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone sa bulsa.
"76 miss calls." Ibinulsa ko uli ito at humiga sa kama. Napatingin uli ako sa bag. I can escape now, right? Niyakap ko ang bag ng mahigpit at ngumiti. I feel sleepy.
"Kesia." Nilingonan ko ang lalakeng tumawag sa akin.
"Dad?"
Lalapit sana ako sa kanya ng bigla na lang siyang umaapoy.
"Dad!?"
"What are you crying for, Kesia? Ikaw may kagagawan nito!" galit na sigaw nito saakin.
Unti unting kumukulobot ang katawan nito dahil sa apoy. I could see fresh skins on him. Crying? Hinawakan ko ang mukha ko pero wala akong nararamdaman luha.
"Bakit—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang napayumuko ako at nakita ko ang kamay kong may hawak hawak na lighter sa kaliwa kong kamay at sa kanan ay malaking galon ng gasolina.
"Kesia!" Inangat ko ang ulo ko nang may narinig akong tumatawag sa pangalan ko.
Wala na sa harap ko si Dad. Nasa isang pamilyar na kwarto ako. With just a single glance, I could tell who's room is this. Ate's room.
Wala akong nakitang tao kaya lumingon ako sa likod ko. Isang paa ang nakalutang, tumingala ako at may babaeng nakasabit sa kisame. Nakahawak ito sa lubid na nakatali sa leeg niya. Nakatingin ito sa akin habang humahagulgol.
"Ate Kath." As I called her name, she smiled at me sadly.
"Kesia! Kesia! KESIA!" Napabangon ako sa gulat.
"Kesia!" Nilingon ko ang tumawag sa akin. Napabuntong hininga ako nang nakitang si James lang ito.
"What?" irita kong tanong. Pinunasan ko ang malamig na pawis ko at huminga ako ng malalim. Walang tigil na tumitibok ang puso ko.
"May naghahanap sayo." Kinonutan ko siya ng noo. Bat ang daming naghahanap saakin?
"Sino raw?" Tanong ko dito.
"Lalake eh. Baka isa mo." Tinanguan ko lang siya at hindi sinagot pa. Napansin nito na wala ako sa mood kaya hindi na ito nagsalita pa at umalis na sa harap ko. Tumayo ako at napa-upo ako ulit. I bit my lower lips and took a deep breath. Sinusuntok suntok ko ang paa ko na walang tigil sa panginginig. Huminga ako ng malalim at tumayo uli.
"Pre, may kalaban sa damuhan!" sigaw ni James habang nakatutok sa computer niya.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto. Nakarinig ako ng katok. "Teka lang!"
Hindi ito tumigil na nagpakulo ng dugo ko.
"Teka nga lang!" iritang sigaw ko.
Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang nakataas na kamay. Ibinaba niya ito nang makita niya ako at tsaka ngumiti.
Nakakunot noo ko siyang pinagmasid. His hair was combed back in a slanted fashion and there was a certain elegance in his propriety and he was wearing a suit. Dahil sa elegance niya na pa English ako.
"Sino 'yan?" sigaw ni James na nakatutok pa rin sa computer.
Hindi ko alam kung tinanong niya ba ako o ang kalaro niya. Not that I have answers to both. Hindi ko siya kilala o nakita man lang sa daan. Sa itsura ba naman nito, hindi mo makikita to sa daan. At alam ko ang mukha ng mga lalake ko, dahil palagi lang sila nasa daan.
"Kesia Fuentes?" Mas lalong kumunotang noo ko. Kilala ako?
"Yes? May kailangan po kayo?" kunot-noo ko na tanong dito.
"I would like you to come with me." nakangiti paring sabi nito.
"Sino ka po?" tanong ko.
"Oh! Right, forgive me." May kinuha ito sa bulsa at inabot sa akin. Kinuha ko ito at binasa.
Gilveros Firm? Sh*t! I'm so f*cking f*cked!
"I'm from the Gilveros firm," sabi nito.
"Hehe, I'm not Kesia." pabulong kong sagot habang nakatingin pa rin sa business card na ibinigay niya.
Napalunok ako ng laway at tinignan siya uli. Should I try to escape?
"My boss would like to talk to you, and if you try to escape..." Yeah, I thought so.
"Haha, I'll go, " I said at lumunok ng laway.
Sh*t. What a nightmare!
...
"You can sit and wait here, Miss Fuentes," sabi nito sabay turo sa sofa.
Umupo ako sa sofa katabi ng tinuro niya. Nawala ang ngiti sandali at bumalik agad, hindi ito nagsalita at umalis na.
Nilibot ko ang tingin ko. I can see the tops of the buildings from here. I can see books everywhere. May office table sa gilid ko na may nagkalat na mga papel. Napa tingin ako sa desk nameplate.
"Yvonne Gilvero," As I read it out loud, bigla na lang bumukas ang pinto na ikinagulat ko.
Isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin. This time, hindi na ito mukhang galing sa party. She wore a fitted white dress, her figure became more obvious. Pilit na ningitian ko ito. I really want to slap myself right now. This is what greed does to people. Well done, Kesia, well done.
"Long time no see—oh! No, it's been only a day, is it?" sarkastikong sabi nito. Umupo siya sa sofa sa harap ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Do you know how many years in prison you get for scamming someone? No, that wouldn't really matter, right? I can just make it longer." She crossed her legs and smiled at me.
"I throw away the money." Like hell, I would.
Tumawa ito sabay sabing, "You think I'd believe you?"
Yeah, you're dumb enough to give me the money. Nagiwas ako ng tingin. I should have hidden the money if I knew this would happen. Such luck!
"I will give you the deal." Tumaas ang kilay ko sa narinig.
Akala ko nandito ako para isauli ang pera, pero ano raw?
She sighed and scoffed, "But, I can't believe I got scammed by a murderer," she said.
Natigilan ako sa narinig. My muscles grew tense. Kinapa ang bulsa ng pantalon ko, napakagat ako ng labi nang wala akong maramdaman na inhaler. Hinawakan ko ng mahigpit ang kaliwang kamay ko. I took a deep breath. I looked at her and smiled.
"Gilveros really can know anything about a person, huh."
Tumawa ito ng mahinhin. "Like what I said, don't underestimate Gilvero’s, " wika nito.
"Then your brother would know about this too."
"The deal? Ha! No."
"Then, let me ask you one question," sabi ko.
"What?" she asked.
"Would I still get what I want if I failed?" tanong ko.
Nawala ang ngiti niya sa mukha at pinalitan ng ngisi.
"No. You will not get anything," sagot nito. "Can I have your brother?" I asked as I smirked.
Her eyes flared. "Shut it!" sigaw nito.
Pinigilan ko ang sarili tumawa sa reaksyon nito.
"Joke." Galit pa rin itong nakatingin sa akin.
"Kung ganoon—"
"You messed with me, now I know every little thing about you. Your past, especially. At may experience ka na pala, a mistress of every man," she said and smirked.
My eyes flared. I look at her sharply.
"I thought we were talking about the deal, not my personal life, "I said, angry.
She laughed for a long time and said, "Like what I said at the coffee shop, I will give everything you want, just do what I said. Seduce him. Succeed," she said. Hindi niya tinatangal ang tingin sa akin.
"Deal." F*ck!
Do I even have a choice? I feel like I'm the one who got scammed! Sa naalala ko umiinom lang naman ako ng kape at payapang kumakain ng cake.
"Good. I'm sure you won't regret it. " Tumayo ito at naglakad papunta sa lamesa. May kinuha siyang envelope at inabot saakin.
Kinuha ko ito at binuksan. It was the paper that she gave me, na itinapon ko.
"Throw it away when you don't need it," sabi nito. Bakas ang pagkagalit sa tono ng boses nito. Alam ba niyang tinapon ko? Haha! She really does know everything. I didn't say anything back and just nodded at her.
Akala ko tapos na siya nang nagsalita siya ulit. "My brother is hard to seduce," she pauses. She sighed and continued. "I will be expecting a lot from you, and let this be a lesson. You can't escape from Gilveros," she said, at nagsimula ng maglakad.
The sound of her steps got soundless and soundless as I got deep in my thoughts.
Napatalon ako sa gulat dahil sa lakas na pagsara ng pinto. Hindi naman halatang galit siya. I sighed deeply and turned to look at the buildings. I bet you won't feel a thing, kapag nahulog ka rito. I heard the door open and closed.
"Kesia?" I turned around and saw the man from before.
"I was ordered to take you home." Ngumiti ako tinanguan siya. Sinundan ko siya palabas.
YVONNE
"Dad did?" I shook my head and laughed.
"Yeah, you have to come. I don't want to be the only one who will have an upset stomach," Charles joked.
"Hahaha! I will think about it," I joked.
"Ate!" sigaw nito sa kabilang linya.
A family dinner, huh. Should I prepare my cheeks? What cheek will it be this time?
"Only if Camille is not there," Seryoso kong sabi. Kahit alam ko na ano ang sasabihin niya, I still said it, not like it matters.
"You know I can't do that," malungkot nitong sabi. I can't help but sigh.
Pumilit ako ng tawa, "I was joking. I'll get you some medicine for an upset stomach," I said jokingly.
"Haha, damihan mo Ate. Anyway, I have to go now, love you, " pagpapaalam nito.
"Ok. Bye, I love you." Pagkatapos kong magpaalam ay pinutol ko na ang tawag.
"Your brother?" tanong niya while kissing my neck.
"Yeah," I replied and sighed.
I hope everything will go according to plan. No, everything will work out. I will make it work out. Nilagay ko ang phone ko katabi ng contract--f*ck! The contract!