Dahang-dahan ibinulat ni Kesia ang kanyang namamaga na mga mata. Sinalubong siya ng puting kisame at nagising ng todo sa amoy ng air-conditioner na amoy rosas. Nilibot niya ang tingin niya ng naka-adjust na ang mga mata niya. Wala na siyang nakita na Gelo sa paligid na naka pagpahinga sa kanya ng maluwag. Ayaw niya na itong makita kahit kailan. She felt pain all over her body. Gusto niyang sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman niya pero pagod na pagod siya para magawa 'yun. Ayaw niyang tumayo at gusto niya lang humiga habang buhay, pero pinilit niya ang sarili niya na umupo. Tinignan niya ang katawan niya na nakabalot sa puting kumot. There were obvious bruises from her legs up to her chest. May nararamdaman din siyang sakit sa bandang leeg niya. Her memories from last night were a blur

