Humikab si Kesia habang nakapikit. Napahawak siya sa leeg niya. "May nilagay ka bang gamot sa leeg ko kanina?" tanong ni Kesia. Magkatabi silang magkahiga sa kama. Nakabalot ang ilang katawan kanilang ng kumot. Nakapatong ang ulo ni Kesia sa braso ni Charles habang ang kamay ni Kesia ay nakahawak sa may tiyan ni Charles. "Yes, bakit? Masakit ba?" Umiling si Kesia. "Hindi naman. Pag gising ko kasi may mabigat akong nararamdaman sa leeg ko. Tsaka basa rin siya. Tingin mo kaya pe-peklat?" tanong ni Kesia habang mahinang hinahaplos ang leeg niya. "I don't think so. Hindi naman siya malalim at hindi rin nagkasugat." Tumango si Kesia at biglang ngumisi. "Kung magka peklat, mag papa-tattoo ako dito na part," sabi niya sabay turo sa parte ng leeg niya na mas grabe ang sugat. "Lagyan ko ng

