"Nand'yan na si Pia?" tanong ko kay Miko na nakaupo sa station habang nagt-type sa computer.
"Nand'yan na girl! Nasa linen room lang ata, ang aga nga ng bakla, e!" sabi nito nang hindi ako nililingon.
"Si Doc?" tanong ko ulit
"Hanapin mo lang, alam ko nand'yan na rin 'yon, e." sagot ulit nito at saka nagpatuloy na sa kaniyang ginagawa.
Pumunta na akong office ni doc upang i-check ang sched niya ngayon. Masyadong madaming pasyente ang may appointment ng check-up dahil Sabado na ngayon.
"Nurse Ivy, please do check the bed if it is new and properly sanitized. Kahapon nakalimutang paltan ng intern 'yung bedding."
"I will, Doc." response ko rito bago ilapag ang schedule na hawak ko
Tumango naman ito bago lumabas ng office niya. Kung titingnan mabuti ay gwapo si Doc Dy, hindi lamang pala ngiti 'yun ang laging napupuna sa kaniya.
Maganda rin kasi ang built ng katawan nito halata mong healthy living, nag-g-gym. Maputla ang kulay ng balat at singkit ang mga mata, may lahi kasi itong Chinese. Karamihan dito sa hospital ang tawag sa kaniya ay Doc By pinaikling tawag sa "baby" hindi dahil pediatrician ito, kung hindi dahil sa kagwapuhan din nito.
"Ano oras awas mo girl?" sigaw ni Pia sa akin pagkapasok ko ng staff room naabutan ko itong nakain na ng lunch niya.
"May apat pang appointments si Doc, hihintayin mo ba ko?" pabalik na tanong ko rito saka umupo sa tabi nito at kumuha ako ng kape na galing ata kay Doc Rivera.
"Wait kita syempre nasa shop pa kotse ko saka magsa-samgyup tayo, remember libre mo?"
Natatawa akong umirap saka nagsimula na ring kumain. Habang nagku-kwentuhan ay mabilis din kaming natapos kumain dahil 20 mins lang ang break.
Pagkatapos magtoothbrush ay dumiretso na agad ako sa office ni doc. Naabutan kong nagc-check up na siya ng unang pasyente namin after ng lunch.
Huminga ako ng malalim bago kumatok at pumasok.
"Good afternoon Ma'am," bati ko sa isa sa mga regular na client ni doc kaya naman ngumiti ito at bumati pabalik.
"Flynn, look it's Nurse Ivy, oh." tawag nito sa anak nito. Pagkatapos ni doc i-measure ang head circumference nito ay agad itong tumayo at yumakap sa hita ko.
"How are you?" tanong ko habang nakangiting hinihimas ang buhok nito, humawak ito sa mga daliri ko at ngumingiti.
"Nurse Ivy," kahit na hindi na sabihin pa ni doc ang utos niya ay alam ko na ang ibig nitong sabihin
Pinapunta ko sa gilid ng room ang bata upang i-check ang height pati na rin ang weight nito.
After ng apat na check-ups ay inaayos ko na ang room nang hinawi ni doc ang kurtina kaya naman napalingon ako dito.
Naka-straight face lamang ito sa akin at saka nagsalita.
"Please ask Doc Guevarra if he has the files that I am asking for, and please say I need it as soon as possible." utos nito sa akin
Hindi pa ako nakakapagsalita ay bumalik na ulit ito sa office niya at sinarado ang pinto. Napairap ako saka inayos ang uniform ko.
"Kaya walang jowa, e." bulong ko sa sarili ko
"Feeling ka girl, wala ka ring jowa."
Kunot noo akong tumingin kay Pia, mukhang magr-rounds na ang gaga dahil patapos na rin ang duty nito.
"Ang dami mo laging reklamo kay Doc By, e. Palit na lang tayo, ako na dyan sayo ikaw ang magrounds dito." sabi nito na sinasabayan ako sa paglalakad
"Girl ipagpray mo na matapos na agad ako dito. Magpapalit pa ko ng bedding saka lilinisin 'yung room." luging luging sabi ko sa kaibigan ko
"Girl hihintayin talaga kita dahil maglalabas tayo ng sama ng loob ngayon araw at day-off natin bukas!" excited na sabi nito at saka ako hinampas sa braso
Napangiti ako sa sinabi ni Pia. Nakalimutan ko, day-off nga pala namin bukas. Siguradong live to the fullest na naman ang peg naming tatlo.
"Tayo lang ba? Akala ko ay kasama natin sina Grace?" tanong ko rito
"Nako girl! As usual, tayo lang tatlo dahil may lakad daw pala si Grace kasama ang jowa niya." aniya na may kasama pang irap
Dumiretso na ako sa office ni Doc Guevarra para kunin ang hinihingi ni doc. Mabilis naman iyong inabot sa akin kaya nagmamadali na rin akong nagtungo sa opisina.
Pagbukas ko ay mukhang may humabol na pasyente si doc dahil wala ito sa opisina niya at rinig ko ang boses nito sa check-up room. Inilagay ko na lang ang papels na galing kay Doc Guevarra at nagtungong staff room upang umihi.
Pagkatapos ay muli akong bumalik sa opisina niya, nakaupo na ito at nagsusulat ng reseta.
"Please give this to Mr. Tamayo, nasa lobby lang siya." hindi ito tumingin sa akin at inabot ang papel.
Kumunot ang noo ko pagkatanggap ng papel. Habang naglalakad patungong lobby at binabasa ang nakalagay dito ay may nakabungo akong isang batang babae.
"Hi," bati ko rito saka bahagyang umupo upang maging kalebel ko ito.
Ngumiti ito sa akin kaya naman nawala ang mga kaninang bilog at malalaking mata nito. For a second, I got smitten by her cuteness. Mukha itong kuting sa sobrang cute hindi ko maiwasang ikuskos ang likod ng palad ko sa namumula nitong pisngi.
"What's your name?" tanong ko rito ngunit tumawa lang ulit ito sa akin kaya naman muli akong napangiti.
"Chel? Chelsea?"
"Daddy! That's my Daddy!" nakangiting sabi nito saka itinuro ang nasa likuran ko.
Tumayo ako at inayos ang uniform ko. Kailan pa siya bumalik? Wala ng oras para magulat pa. Shocks, mukha ata akong haggard hindi man lang ako nakatingin sa salamin bago nagtungo rito sa lobby ang dami pa naman laging tao dito.
"Kumusta?" tanong nito sa akin at saka kinarga ang batang babae na kausap ko kanina.
Mabilis akong ngumiti, "I— I'm fine, ikaw? May anak ka na pala."
"Good, I'm good. Yeah, her name is Chelsea." nakangiting sabi nito "Nakauwi ka na pala ng Pinas, kailan pa?" tanong niya ulit
Hindi ko alam kung anong dapat isagot ko, nakatitig lang ako dito at sa hawak nitong bata. Kamukhang kamukha niya nga lalo na kapag ngumigiti ito. Bakit hindi ko napansin iyon nang ngitian ako ng anak nito.
"Uh, la— last year? Yeah, last year pa," sagot ko saka tumawa
Alam ko, alam kong ang awkward ng tawa na lumabas sa bibig ko. Shocks, sobrang nakakahiya talaga bakit sa ganitong itsura niya ako naabutan pa.
"Anyway, ba't pala kayo nandito? Sinong may sakit? Family member?" sunod-sunod na tanong ko nang hindi nahinga.
"Uh no, pinacheck-up ko lang si Chelsea, itong hospital kasi 'yung nirecommend ng kaibigan ko."
"Ahhh," muli na naman akong tumawa na sobrang awkward pa kaysa sa kanina
"So? Gotta go nakalimutan namin 'yung reseta kasi." sabi nito na naging dahilan upang maalala ko ang punyetang reseta na hawak ko.
My gosh, bakit ang lutang ko ngayon araw na 'to?
"Eto 'yung nakalimutan niyo." sabi ko sabay abot
"Oh, thanks. Nurse ka ni Doc Dy?"
Tumango naman ako bilang sagot. Ngumiti ito sa akin at saka sinabihan ang anak niya na magpaalam na.
"Omg girl!" sigaw ni Pia kaya naman patili na rin si Miko. "Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong nito na kahit ilang beses ko nang inulit ay ganon at ganon pa rin ang reaksyon niya
"Wait nga lang, wait! Sinetch ba itech na tinutukoy ni ate girl mo?" pabalik na tanong ni Miko kay Pia na nagbabaliktad ng mga niluluto niyang karne.
"Girl, ex ni ate girl mo 'yon!" irit nito kaya naman iwinasiwas sa akin ni Miko ang lettuce na hawak niya at isinubo iyon habang kinikilig.
"Yummy 'te?" tanong ulit ni Miko
"Nako girl, yummy 'te!" sagot naman ni Pia kaya nag-apiran ang dalawa na akala mo'y mga binuhusan ng asin kung kiligin ang mga gaga.
Kinuha ko ang tong na hawak ni Pia at ako na rin ang nagpatuloy ng pagluluto ng mga karne at mushroom dahil masusunog na lang sa kalandian ng dalawang 'to.
"Pero mas yummy pa rin si Doc By, girl!" komento ni Pia
"Ay gusto kong mameet 'yang ex jowa mo girl!"
"Hindi pwede mga gaga," sabi ko at saka nagsalin ng beer sa mug ko
"Over protective girl?" sabay na sabi ng dalawa at saka tumawa at naghampas
"May anak na."
Napatigil ang dalawa sa pagtawa kaya ako naman ang bumungisngis at ininom nang straight ang natitirang beer na laman ng mug ko.
"Chismis ka girl, 'no?" hindi naniniwalang komento ni Miko
Sasabihin ko pa lang sana na isearch nila sa social media or what nang magsalita si Pia.
"Omg ba't naman ang cute ng anak ng ex mo?" sabi nito.
Hindi ko alam kung bakit binisita ko rin ang profile niya sa i********:. Bibihira lamang itong mag-upload at puro anak niya pa ang laman nito.
Habang nags-scroll ay aksidente kong nadouble tap ang isa sa mga post nito.
"s**t! s**t!" sigaw ko at napabangon na sa aking pagkakahiga. "Anong ginagawa mong babae ka?" inis na sabi ko sa sarili
Titig na titig ako ngayon sa cellphone ko na nakapatong sa unan ko. Hindi alam ang gagawin, kung aalis ba ang pagkaka-like o hahayaan na lamang ito.
Hindi ko rin alam na mas may ibibilis pa pala ang t***k ng puso ko ng biglang may nagnotif sa akin.
williamtamayo_ started following you.