Maaga akong nagising kahit na wala akong pasok ngayong araw. Hindi ko rin alam kung day-off din ba ang tawag dito dahil puro house chores naman ang trabaho ko.
Itinali ko ng mataas ang buhok ko at dahan dahang inunat ang batok at balikat ko. Mabilis na inayos ang kama at saka na ako bumangon para mag-umpisa.
Habang hinihintay ang kape ko ay saka ko naman chineck ang messages at bills na dumating noong isang linggo.
"Two thousand sa kuryente?" gulat na gulat na tanong ko sa sarili
Inis na inilapag sa countertop ang mga ito para magluto na ng almusal. Pagbukas ko ng ref ay saktong bungad sa akin ang paubos na nitong laman.
Sana talaga ay nagsama na lang kami ni Pia sa isang apartment. Shocks, ang hirap ng mag-isa!
Saktong alas-dosé nang ipinagbilin ko na bukas ng gabi bago sila magsara saka ko kukunin ang mga pinalaundry ko.
Nagpadesisyunan ko munang kumain bago mag-grocery dahil anong oras na rin naman at gutom na rin ako.
"Yeah, large na lahat. Thank you."
Nagpalinga-linga muna upang maghanap nang mauupuan. I end up sitting sa family size table since ito na lang ang natitirang bakante, malapit ito sa doorway. I fished out my phone to checked any messages while waiting for my order.
"Yay!"
Automatikong nanlaki ang mata ko dahil sa pag-upo nito sa harap ko.
"Where's your dad?" gulat na tanong ko rito
Itinuro niya sa akin ang nakatalikod niyang tatay na na-order pa at mukhang walang ideya kung saan na nagtungo ang anak niya.
Sinabi ko rito na 'wag nang umalis dahil kukunin ko lamang ang order ko. Tumango ito saka tinanggal ang mask niya.
I can't help but to smile habang nakangiti rin ito sa akin. Ano kayang itsura ng nanay nito? Shocks, halos lahat ng features kuhang-kuha kay William.
"Thanks," bigla nitong sabi habang sinusubuan ang anak niya.
"Ha?"
"Thanks at kilala namin ang kasabay naming kumain ngayon." natatawang pagpapatuloy niya
Mabilis namang kumunot ang noo at nagsalubong ang kilay ko dahil dito.
"Oh, everytime na kakain kami sa labas laging hindi namin kilala ang kasabay namin kumain because of Chel's friendliness." nakangiting sabi nito habang nakatutok ang mata sa kaniyang unica hija
Humagikgik ang anak nito na puro ice cream ang bibig. I really can't deny na kahit na maamos ito ay sobrang cute pa rin.
Kumuha ako ng tissue at saka pinunasan ang bibig nito.
"Ilang taon na si Chelsea?" tanong ko saka bumalik sa pagkaka-ayos nang upo.
"I'm four!" masiglang sabi nito na ipapakita pa sa akin ang mga maliliit niyang daliri na naka-number four.
Hindi ko alam kung anong klaseng mukha ang isinagot ko sa bata dahil sa pagsuri sa buong expression niya kapag kausap ako.
August 2011
"Hindi pa rin, ayoko, ayoko." madiin na sabi ko habang patuloy sa paglalakad at iniignora ang mga sinasabi niya
"Hindi ako humihingi ng permiso mo, sinasabi ko lang na nililigawan na kita."
Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. Nakangiti na naman ito, na halos mawala ang bilog na bilog niyang mata.
Huminga ako nang malalim at naglakad na ulit.
"So, bukas anong oras lunch mo?" tanong niya sa akin
"May community service ako," pagsisinungaling ko rito kahit na half day lang naman kami bukas.
"Huh? Wala kaya sa sched mo."
Muli na naman akong napatigil sa paglalakad at saka humarap sa kaniya. Hawak hawak niya ang kopya ng schedule ko.
"Paano ka—"
"Sophia," tawa niya
"Oh gosh!" singhal ko at mas binilisan pa ang lakad ko. Kinuha ko ang aking mp4 at sinalpak ang earphones sa magkabilang tainga. Nagkamali ako, hindi na ito ang paborito kong gamit dahil hindi ko na malakasan pa ang volume at rinig na rinig ko pa rin ang tawa niya.
I blinked as she giggled.
Pamilyar na pamilyar ang lahat ng expressions, kuhang-kuha niya rin pati ang hugis ng mata nito kapag ngumingiti.
"Saan ka na?" tanong niya habang nakasilip sa bintana ng kotse niya
"Grocery store," sagot ko habang kumakaway sa anak niya.
"Hop in."
Mabilis akong inilipat ang pagkaway ng kamay ko sa harap niya senyales nang pagtanggi.
"Ha? 'Wag na!"
"Seryoso? Du'n din naman punta namin, e." nakangiti na namang sabi nito
"Daddy why are you not letting her in?"
"Marami ka bang bibilhin?" tanong niya sa akin
"Yeah, good for a month." sabi ko habang hawak ang isang kamay ng anak niya
Kinuha niya ang malaking cart at inaayos ang child seat. Habang inaasikaso niya si Chelsea na nakaupo sa cart ay kumuha rin ako ng shopping cart ko.
"Para saan 'yan?" tanong niya
"Marami rin akong bibilhin, e."
"Yeah, I know kaya nga kinuha na kita, e." natatawang sabi niya
"How about your goods?" nagtatakang tanong ko
"Dito na rin, konti lang naman bibilhin ko." sagot niya at saka ibinalik ang cart na kinuha ko.
Nakasunod lang ako sa mag-ama, nag-uusap ito tungkol sa mga planets at stars. Nalagpasan ko na ang mga canned goods kaya bumalik ako para kumuha nito.
Mabilis akong sumunod ulit sa kanila at inilagay ang mga kinuha ko.
Padami na nang padami ang nakalagay sa cart kaya napagpasyahan ni William na ibaba muna ang anak niya.
"Why does Pluto vanished, daddy?" tanong ng bata sabay kapit sa kaliwang kamay ng daddy niya
Hindi muna sumagot si William ngunit sinabihan ang anak na sa akin muna kumapit. Masaya itong nagtungo papunta sa akin at saka hinawakan ang iilang daliri ko.
Hinahanap namin ngayon si William dahil nagpaalam ito na titingin sa meat section.
"What do you want when you grow up?" tanong ko kay Chelsea na nakakapit sa kanang kamay ko.
Nahihiya itong tumingin sa akin at saka tumawa.
"I wanna be an astronaut."
I got stunned for a second pero agad ding bumalik sa reyalidad nang makita namin si William.
"I thought—"
"Uh, nakabili na ko and I'll buy this too." sagot niya at inilagay sa cart ang hawak niyang mouthwash.
Nasa may cashier na kami nang magpaalam ang mag-ama na kukuha lang ng cereal dahil nakalimutan ito ni William. Tumango ako saka palihim na natawa habang umiiling. Kung hindi pa sasabihin ng anak niya ay makakalimutan niya pa ito.
"Ang cute ng mag-ama niyo, Ma'am."
Napaangat ang tingin ko sa sinabi ng cashier.
"I'm sorry, what?" pagkukumpirma ko kahit na narinig ko naman ito ng malinaw.
"Ang cute po ng mag-ama niyo." nakangiti niyang sabi sa akin habang pina-punch ang mga pinamili namin.
"Uh— hindi, I mean, hindi ko sila—"
"That will cost you four thousand eight hundred sixty-four and fifty cents, Ma'am." pagputol niya sa paliwanag ko kaya naman napakuha na agad ako sa wallet ko ng pera at shopping card.
"Bye Chelsea!" kaway ko sa mag-ama na hinatid pa ako hanggang apartment ko.
Hindi tumitigil sa pagkaway si Chelsea kahit na nakalagpas na sila. Napangiti ako sa ideyang ang cute nilang mag-ama ko.
I shooked my head.
"Shocks!" mahinang bulong ko sa sarili ko
Anong mag-ama ko? Kailan ka pa naging nanay ng anak ni William?
Habang sinasalansan ang mga pinamili ko ay kavideo call ko si Pia.
"What?!" sigaw niya habang naglo-lotion ng kaniyang legs
"Yes it happened." pagkukumpira ko ulit sa kaniya
"At may paghatid pa talaga ha? Ano kayo mga nagliligawan?" pang-aasar niya
Umirap ako habang siya ay tawang-tawa sa sinabi niya.
October 2011
"So you're saying na hindi naman talaga marketing ang gusto mong kurso?" tanong ko sa kaniya habang nakaupo kami sa isa sa mga bench dito sa field.
Kakatapos lang ng klase ko at ganu'n din siya. Ngayon ay nagsusulat na lang ako ng assignment ko at siya naman ay sinasamahan ako hanggang sa magyaya na akong umuwi.
"Mm-hmm," tango niya at inilipat ang tingin sa akin
"Anong gusto mo pala?" muli kong tanong saka tumingin sa kaniya.
Alas-kwatro na ng hapon at may araw pa rin, hindi na kagaya nito ang init kapag mga bandang tanghali. Nasisinagan siya ng araw kaya mas pinasingkit ko ang mata ko.
"I wanna be an astronaut." natatawang sabi niya at mabilis na inilapit ang mukha niya sa mukha ko at nagnakaw ng halik.