Kabanata 3

1679 Words
Hindi saktong oras natapos ang shift ko kaya nagmadali na rin akong mag-ayos dahil nagpapasama si Pia na bumili ng shoe rack niya sa mall. "Girl hintayin mo na lang ako dun sa coffee shop ha?" sabi niya habang nakasilip sa pinto Tumango naman ako at isinukbit na ang bag ko. Habang hinihintay si Pia ay chineck ko ang phone upang hindi maburyo. "Iced americano." Napalingon ako sa counter dahil sa isang pamilyar na boses. "Doc?" kunot noong tawag ko rito kaya naman lumingon din siya sa akin. "Akala ko wala kayong sched ngayong araw?" Tuwing Tuesday ay walang sched si doc kaya naman nakakapagtaka na maabutan siya ngayon dito sa malapit sa hospital. "Chief called me," sagot nito at muling ibinalik ang tingin sa counter "Sungit." bulong ko at nagpatuloy na lang sa pagkalikot sa aking cellphone. Hindi na ako nakatiis at tinext na si Pia. "Napakatagal ng babaeng 'yon." mahinang sambit ko at hinipan ang kamay na nanlalamig na. "Ivy," Tumingala ako kay doc ngayon na nasa harap ko na hawak hawak ang dalawang kape niya. "Yes doc?" automatikong sabi ko na para bang nakaduty kaming dalawa. Agad akong napapikit nang mariin dahil sa lumabas sa bibig ko. Nakatitig pa rin siya sa akin na parang ipinapahiwatig niya na dapat kong malaman kung ano iyon. Shocks, ano bang ibig sabihin ng expression niya? Ang hirap basahin dahil naka-straight face lang ito. Inabot nito sa akin ang mainit na kapeng kabibili niya lang at dumiretso na papaalis. "Para saan 'to?" kukurap-kurap kong tanong sa sarili Wala rin sa oras na dumating si Pia, mukhang nakasalubong niya rin si doc pagkapasok niya dito sa coffee shop. "Ba't nandito si doc? Wala 'yon sched, ah?" sambit nito. Nagkibit balikat na lang ako bilang tugon. Matapos makapamili ng mga kailangan ni Pia sa kaniyang apartment ay nagpasya na rin kaming umuwi. Napagdesisyunan kong manood muna ng movie at kumain bago magpahinga dahil hindi naman maaga ang pasok ko bukas. Habang pumipili nang makakain sa ref ay biglang tumunog ang cellphone ko, pahiwatig na may nagmessage sa akin. Ipinagsawalang bahala ko muna ito at nagpatuloy sa paghahanap, hanggang sa madampot ng kamay ko ang isang malaking tub ng chocolate ganache na inorder ko sa mama ni Miko. Muli itong tumunog kaya naman tumayo na ako para kunin ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa. Ramdam ko ang biglaang bilis nang pagtibok ng puso ko, kumpara kanina. williamtamayo_ sent you a message. Mahigit kalahating oras na akong nakatitig sa aking telepono, hindi ko na rin alam kung nasusundan ko pa ba ang pinanonood kong pelikula kanina. Tila naging isang estatwa at hindi maialis ang mga mata dito. Napapaisip kung ano bang maaari nitong sabihin sa akin. "Baka sa check-up lang nila?" kausap ko sa sarili Napabaling ang tingin sa malawak na kisame sabay mabilis na iniling ang ulo. "Sa isang buwan pa ang balik nila sa hospital." muli kong sambit at saka ulit tiningnan ang telepono. Nanginginig pa ang aking kamay nang pindutin ko ang kaniyang mensahe. Ivy, I forgot to pay you last time nu'ng nag-grocery tayo. What do you prefer, Gcash or card? Ilang beses akong napakurap nang mabasa ko ang sinabi nito. Hindi naman ata ako namamalik mata, 'di ba? Hindi ko alam kung anong itutugon ko rito kaya minabuti kong itulog na lamang ito. Malapit ng mag-alas dos ng hapon nang makarating ako sa parking lot ng hospital. Nagmamadaling ipinarada ang kotse at nagtungo sa elevator. Magsasara na sana ito ng may kamay na humarang kaya muli itong bumukas. Salubong ang kilay habang nakikinig sa kausap nito sa telepono. "His weight?" tanong nito sa kausap Nang malaman ang sagot ay bumuntong hininga ito bago tumugon muli. "We can't perform a thoracoscopy, the baby is too small. Of course, it's better if we'll have to opt for open-chest surgery. Yeah, just keep me updated." paniniguradong sabi niyo bago ibaba ang tawag "Good afternoon Doc." pagbati ko nang hindi siya tinitingnan "Afternoon." tipid na sambit nito "Esophageal atresia?" pagkukumpirma ko bago ihain ang mga mata sa kaniya "Yeah," muling tipid na sagot nito Kahit gusto ko nang itigil ang usapan namin ay mas minabuti ko na lang ipagpatuloy na kausapin siya bago kami nakarating sa floor namin. "How about that doc, sa NICU kayo magpeperform ng surgery?" curious kong tanong dito "Yes," kasabay ng maikli nitong pagsagot at siya namang pagbukas ng pinto ng elevator. Nauna na itong lumabas at hindi man lamang tumingin sa akin. Mag-isa ako ngayong iniipon ang diwang panandaliang nawala sa akin. Ayokong mainis ngayon, hindi pa nag-uumpisa ang trabaho ko. Habang nagpapalit ng damit ay kausap ko si Pia na kakadating lang dahil naabutan ng traffic ang gaga. "Ngayon na lang ulit ako makakakita ng surgery sa NICU." excited nitong sabi pagkatapos kunin ang uniform. Hindi ko sa kaniya sinabi ang napag-usapan namin kanina ni doc sa elevator, dahil mukhang kalat na pala sa buong ward na magkakaroon ng open chest surgery mamayang gabi si doc. Kung itatanong sa akin kung paano humaharap si doc sa mga batang pasyente nito. Kung nagbabago ang expression ng mukha, kung gumagamit ba ito ng 'baby talk' o kaya naman mahaba ang pasensya sa mga bata. Isa lang ang sagot, nag-iiba si doc sa harap ng mga pasyente niya. Lalong sumingkit ang mata nito nang tumawa dahil sa sinabi ng kausap niyang bata ngayon habang chine-check up. "Uhm, how about cranberry juice?" matinis na sabi nito habang nakikipagnegosasyon sa bata. "Okaayyy." mahaba at cute na tugon nito na naging dahilan upang muling maglaho ang mga mata ni doc at makita ang magaganda nitong ngipin. Iniabot ko sa kaniya ang record ng pasyente habang kausap nito ang nanay. Ibinibilin na mas makakatulong ang pagbibigay ng options sa mga batang kagaya ng kaniyang anak. "Yeah, it's better if you give options, and if she chooses please do respect it to avoid any outburst and tantrums from her." Tumatango tango ang nanay sa sinasabi ni doc dito. Matapos ang kanilang check-up ay inihatid ko na sila sa labas ng biglang magtanong muli ang nanay. "Nurse Ivy, should I continue to let her void on lukewarm water?" "If it helps Hannah to lessen the pain while urinating, I think there's no problem with that." sagot ko sa kaniya Ilang beses na rin kasi sa aming bumabalik ang mag-ina dahil sa infection sa pag-ihi. Naging mabuti naman ang lagay ng pasyente ngunit nangangamba pa rin ang nanay kaya muli itong nagpabook ng schedule ngayong araw. Nagkasundo kami ni Pia na bumili sa labas ng aming pagkain dahil parehas naming hindi gusto ang pagkain sa cafeteria. May malapit na convenience store dito sa tabi ng hospital kaya wala namang kaso kung dito na rin kami kumain. "Anong oras ba 'yung sched ng operation ni Doc?" tanong nito sa akin "8 pm pa," tugon ko habang tinitingnan ang mga ready-to-go meal na nakasalansan. Natyempuhan ko na iisa na lang ang clubhouse sandwich kaya kinuha ko na iyon ng may isa ring kamay ang nakahawak dito. Napalingon ako sa may-ari ng kamay habang nakakunot ang noo. "Ako ang nau—" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin nang ngumiti ito sa akin. "You can have it. It's on me." sabi nito at kinuha naman ang ham and cheese na sandwich. "Kumusta? Omg, Tamayo! Namiss kita!" tuwang-tuwang hinampas ni Pia si William sa braso. Nandito rin siya malapit sa hospital dahil may kinita raw itong kliyente. Napagdesisyunan na tumigil saglit dito para bumili nang makakain. "Finally, after 9 years. I missed you, too Miguel." nakangiti nitong sabi sa kaibigan ko Matagal tagal din nagkumustahan ang dalawa, nag-usap at nagtawanan na parang sila lang ang tao dito, which is kami lang naman talaga. Kung hindi ko pa yayayain si Pia ay mao-over break na naman kami. "I'll see you again, Tamayo! Isama no na anak mo sa susunod, I wanna meet her." excited na sabi nito "I'll chat you if I am available. I'll bring my daughter." masayang sambit ni William saka ibinaling ang tingin sa akin. "I messaged you kagabi." bigkas nito habang nakatingin nang diretso sa akin. Napasinghap ako saglit upang maghabol nang paghinga dahil mukhang kakapusin ata kapag tinugon ko siya agad. "Ha? No, it's okay, no need to worry about that. It's fine." I assured him while looking at his neck Mas tumangkad siya, noon ay hanggang baba niya pa ako, bakit nakatingala na ako ngayon sa kaniya? Bumalik ako sa sarili ng mahina itong humalakhak. "You sure?" pagkumpirma nito "I am, ano ka ba?" natawa na rin ako at pabiro siyang hinampas sa dibdib. Saka ko na lang napagtanto ang ginawa ko nang humalakhak ulit ito habang nakahawak sa kaliwang dibdib. Gusto kong matapos na agad ang gabing ito at umuwi. Anong naisip ko at ginawa ko iyon? Hindi naman kami close! October 2011 "Bakit naman kasi nagpapa-print ka pa kung may libro ka naman pala?" reklamo nito habang naglalakad kami sa may tapat ng university upang magpaprint. "Hindi ko gusto 'yung nasa libro, mga walang kulay nakakatamad kayang basahin." naiinis na sagot ko sa kaniya Tatawid na kami nang hawakan niya ang pulsuhan ko upang pigilan akong mauna. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi, at kung marunong man siyang kumuha ng pulse rate, malamang nalaman niya ng hindi na ito normal. "'Wag ka ditong manigarilyo, ano ba 'yung usok!" saway ko sa kaniya at saka iwinagayway ang mga naunang natapos na print sa ere upang itaboy ito. Muli itong humipak at saka itinapon ang kalahati, ibinuga muli ang usok bago lumapit sa akin. Natatawa na agad ito dahil kitang kita niya ang paghulma ng kunot sa noo ko. "Magkakasakit ako sa iyo, e." muli kong reklamo "Nurse pakigamot naman ako, oh. Sa banda dito, ano bang sakit po ito?" pagbibiro nito habang nakaturo ang isang daliri sa kaliwang dibdib. Sa inis ay hinampas ko siya ng mga papel na hawak ko, tawa ito nang tawa hanggang sa maubo. "'Yan ang napapala mo." ngisi ko rito "Ang sarap naman maramdaman ng pagmamahal mo. Tingnan mo, tuwang-tuwa pa rin ako kahit na sinasaktan mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD