Naka-upo kami ngayon ni Belle sa gazebo malapit sa Football field ng school. Kakatapos ng namin kunin ang exam kaya nakapagpahinga na kami ng tuluyan. Halos isang buwan narin ako dito sa mundo ng mga tao at sa pamamalagi ko rito ay patuloy parin ako sa pagtuklas sa aking pagkatao.
"Cass, are you okay? Kanina ka pa nakatulala diyan ah. Aren't you happy dahil tapos na ang hell week?" pahayag ni Belle kaya napabalik agad ako sa aking diwa, "Nako pasensya ka na Belle ha, hindi parin kasi maalis sa isip ko ang tungkol sa pagkatao ko," sagot ko naman sa kanya.
Ilang beses ko narin gustong kausapin ang aking Tiyo Gilbert ngunit palagi naman akong nabibigo dahil kay Tiya Linda.
"Alam mo ba, tinanong ko si Dad tungkol sa pamilya ng mga Verde, simula raw dati ay pribado at tago talaga ang pagkatao nila. Halos hindi mo nga sila mahahanap sa dyaryo, kahit isa sila sa pinakamakapangyarihang tao dito sa bansa," wika niya naman.
Napa-isip ako bigla, "Paano kaya kung puntahan ko ang bahay ng mga Verde, baka may alam sila tungkol sa'kin," sambit ko naman at agad na tumayo.
"Are you forgetting something, Cass? Hindi ba't magrereview pa kayo ni Luke for the upcoming camp, ganito nalang tutulungan kita sa pagtuklas sa sarili mo after ng camp natin, okay?" pahayag niya naman.
Agad kong naalala si Luke. Nabanggit niya pala sa akin kanina na hihintayin niya ako sa labas ng school para mag review, "Belle, anong oras na ba? Magrereview pa pala kami ni Luke," dali-dali ko namang inayos ang mga gamit ko at tumayo, "3:47 na, ano ka ba naman Cass, alam mo kalimutan mo muna 'yang mga iniisip mo kung gusto mong manalo sa quiz bee," pahayag niya naman.
Dali-dali na akong lumabas ng school at hinanap si Luke. Nadatnan ko naman siyang nakatayo sa shed sa tapat ng school, "Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko sa kanya sabay kamot ng ulo ko.
"Does it make you happy na pinaghihintay ako ng matagal, Cassandra?" tanong niya sabay lapit sa'kin. Napa-iwas naman agad ako ng tingin, "Hindi! May tinapos lang kami ni Belle kaya nahuli akong pumunta dito sa pinag-usapan natin," sagot ko naman at nag-umpisa nang maglakad.
Sinundan niya naman agad ako. Habang nasa likuran ko siya ay napapa-isip naman ako kung bakit pinagtagpo kami ni Haring Kupido. Ako ang tagapagbantay niya kaya kahit nandito na ako ay kailangan ko parin siyang gabayan.
Nakarating kami sa isang coffee shop malapit lang sa school. Umupo na kaming dalawa at nag-umpisang mag review. Kinuha ko naman ang aking notebook at nagsulat ng mga importanteng lugar at petsa samantalang si Luke naman ay nakapokus sa pagsasaulo ng mga pangalan ng tao.
Nagulat naman ako ng bigla siyang tumigil sa pagbabasa at sumulyap sakin, "Tapos ka na ba?" utal-utal kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing tititigan niya ako ng matagal ay kinakabahan agad ako at hindi makaayos ng tingin sa kanya.
"Are you hungry?" bigla niyang tanong sabay tayo. Natigilan naman ako sa tanong niya, "Hindi naman, ayos lang ako," sagot ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at umalis para mag-order ng makakain namin. Bumalik siya na may dala ng dalawang tasa ng kape at tinapay.
Habang tumatagal ay gumagaan narin ang loob ko kay Luke. Ilang taon ko na siyang ginagabayan ngunit mas nakilala ko pa siya ngayon. Pagkatapos naming aralin lahat ng nasa handouts ay napag-isipan na naming umuwi.
"Mauna na ako sayo, Luke. Anong oras na baka mapagalitan pa ako sa bahay," tumayo na ako at inayos ang bag ko. Tumayo narin si Luke at kinuha ang kanyang mga libro sa mesa, "Ihahatid na kita, let's go!" bigla niyang sabi kaya napatingin agad ako sa kanya.
"Hindi na kailangan, Luke. Hindi naman malayo ang bahay namin dito eh," lumabas na ako ng cafe at nag-umpisang maglakad ngunit laking gulat ko na lamang ng may biglang humawak sa braso ko, "Get in the car."
Napa-iling nalang ako sa mga ginagawa ni Luke sa'kin kaya sinunod ko na lamang siya at pumasok na sa sasakyan. Habang nasa byahe ay hindi kami nag-iimikan. Sinabi ko narin ang lugar kung saan ako nakatira sa drayber ni Luke.
"Thank you sa paghatid, Luke. Dito nalang ako mahirap nang pumasok sa loob eh masikip na yung daan," tumalikod na ako at nag-umpisang maglakad. Hindi ko na hinintay ang tugon niya dahil hindi ko na kayang mas tumagal pa ang maging ugnayan namin ngayong araw.
Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko sina Tiyo Gilbert at Tiya Linda na nag-aayos ng kanilang maleta. Ayos na ayos din sila kaya nagtaka ako kung saan sila patungo sa gantong oras.
"Aalis po kayo?" bungad na tanong ko sa kanila. Napatigil naman sila at napatingin sa akin, "Pupunta kami ng Japan ng Tiyo Gilbert mo. Dalawang linggo kami doon kaya ikaw na muna ang bahala rito sa bahay," wika ni Tiya Linda at lumabas na ng bahay.
Lumapit naman sa akin si Tiyo sabay abot ng dalawang-libong piso, "Cassandra, hindi ba't may camping kayo sa susunod na araw? Eto gamitin mo, mag-iingat ka ha?" pahayag ni Tiyo kaya halos maluha naman ako.
Tanging si Tiyo Gilbert lamang ang may mabuting kalooban sa akin. Tinanggap ko naman agad iyon, "Mag-iingat kayo Tiyo, 'wag kayong mag-alala pananatilihin kong malinis ang bahay atsaka bago kami umalis sa linggo ay sisiguraduhin kong naka lock ang pinto," sagot ko naman.
Lumabas narin si Tiyo at sumakay sa isang magarang sasakyan. Nagtaka naman ako kung saan sila nakakuha ng ganoong sasakyan at pera para pumunta ng Japan. Hindi ko nalang ito pinansin at tumungo na sa kanilang kwarto, ngunit sa kasamaang palad ay naka-lock ito kaya hindi ako makakapasok.
Binuksan ko ulit ang kahon na nakuha ko sa kanilang kwarto at naghanap ng pwedeng maging antilo tungkol sa aking sarili. Nakita ko naman ang isang address na nakapaloob sa isang puting papel.
Paano kaya kung puntahan ko ang lugar na ito? Baka naman may mahagilap akong impormasyon.
"What's the address again?" tanong sa akin ni Belle habang naglalakad kami palabas ng school. Wala narin kasi kaming klase at sinabi ko narin kay Luke na hindi muna ako makakapagreview kasama siya dahil may importante kaming pupuntahan.
"Oaker street, Platinum Royale," sagot ko naman. Pupuntahan namin ni Belle ang lugar na nakita ko sa kahon kasama ng mga litrato, "Sana naman may makuha akong impormasyon sa pagpunta natin doon," dagdag ko pa.
"Sandali, diyan nakatira si Luke ah? Mayayamang business tycoons lamang ang makakatira sa lugar na 'yan. Nako, Cass sino ka ba talaga?" di makapaniwalang wika ni Belle.
Nagtaka naman agad ako dahil noong nasa Quintiana pa lamang ako ay alam kong ang lugar kung saan nakatira si Luke, pero ngayon ay biglang nag-iba.
Ano ba talaga ang nangyayari?
"Wait lang! Hintayin nalang natin yung driver ko dito, malapit narin naman daw si manong eh," wika ni Belle kaya umupo muna kami sa shed.
May tumigil namang na itim na sasakyan sa harapan naman kaya nagtaka kami ni Belle. Nagulat naman kami ng makita namin si Luke sa loob kaya napayuko agad ako.
"Akala ko ba may importante kang pupuntahan, bakit kayo nandito?" tanong sa amin ni Luke, "May importante talaga kaming pupuntahan, hinihintay lang namin ang driver ni Belle," sagot ko pa.
Napangiti naman bahagya si Luke. Magsasalita pa sana ako kaso pinigilan agad ako ni Belle, "Luke uuwi ka na ba? Pwede bang sumama sayo, may kailangan lang kaming puntahan sa Platinum Royale," pahayag ni Belle kaya napatingin agad ako sa kanya.
"Belle, akala ko ba hihintayin natin yung driver mo?" tanong ko naman. Ayoko kasing magkasabay na naman kami ni Luke sa isang sasakyan dahil nagiging abnormal ang puso ko.
Nilapitan naman ako ni Belle sabay bulong, "Mas mapapadali kung kay Luke na tayo sumabay. Hindi pa kasi sigurado kung makakapasok tayo doon kung sasakyan ko ang gagamitin."
"Ano namang sadya niyo doon?" biglang tanong ni Luke kaya napa-ayos kami ng tindig.
"Basta Luke, 'wag na maraming tanong," sabi ni Belle at pumasok na kami sa kotse. Habang nasa byahe ay napansin kong kanina pa ako tinititigan ni Luke sa rear mirror, "Cassandra?" bigla niyang tawag sa pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya.
Naka-earphones naman si Belle at mukhang abala sa kanyang cellphone kaya halos hindi niya alam ang nangyayari sa kanyang paligid.
"Bakit?" kunot-noo kong tanong kay Luke.
"Sabi ni Professor David whole day daw tayo bukas sa pag rereview. Convenient naman sa bahay kaya doon nalang tayo bukas," pahayag niya kaya lalo akong kinabahan.
"Bakit kailangan talaga sa bahay niyo? Pwede naman sa library nalang tayo o kaya naman doon sa coffee shop na pinuntahan natin kahapon," mariin kong wika. Hindi ko alam sa tuwing nagkakalapit kami ni Luke, nagiging abnormal 'tong puso ko. Ayoko namang mas lumalim pa ang ugnayan namin.
"Mas makakapag-focus kasi tayo kung tayo lang ang nandoon sa isang lugar. Pupunta rin naman bukas si Professor David kaya wala kang dapat ipag-alala, hindi naman kita kakainin," sagot niya sabay saksak ng earphones sa kanyang tenga.
Tahimik lang kami sa loob hanggang sa makarating kami sa pasukan ng subdibisyon. Namangha naman ako sa lugar dahil halatang mayayamang tao lamang ang makakatira rito.
Napakataas ng pilak na tarangkahan na pinalilibutan ng armadong mga tao. Mukha naman silang marangal dahil sa kanilang mga presensya. Siniyasat agad ang driver ni Luke at kinuha ang kanyang ID. Pagkatapos ng ilang segundo ay pinapasok na kami sa loob.
"I have been here for how many times pero masasabi ko talagang mas maganda pa 'to sa lugar kung saan kami nakatira," pahayag ni Belle.
Napatango na lamang ako sa kanyang mga sinabi dahil nakakamangha naman talaga ang buong lugar. Sobrang laki rin ng mga bahay sa loob.
"Now that you two are here, pwede niyo na bang sabihin kung anong pakay niyo rito?" napabalik ako sa aking diwa dahil sa tanong ni Luke sa amin.
Nagkatitigan kami ni Belle ng sandali, "Luke, I'll be straightforward. Cassandra is looking for this address," pinakita ni Belle ang maliit na papel kay Luke.
"Verde's residence? Ano naman ang gagawin niyo doon?" pagtataka niyang tanong sa amin. Nagulat naman ako ng bigla niyang binaggit ang mga Verde.
"Luke, may alam ka ba tungkol sa mga Verde? Importante kasi talagang malaman kung anong koneksyon ko sa kanila eh," singit ko naman sa kanilang dalawa.
"Doon na muna kayo sa bahay. I think we will have a lot of talking," wika niya at ilang sandali pa ay tinatahak na namin ang isang malawak na bakuran na puno ng mga naggagandahang bulaklak at iilang gazebo.
Tanaw namin narin ang isang napakalaking mansyon na halos mayroong apat na palapag. Namangha kami ni Belle sa laki ng bahay nila Luke.
"What's your parents' business again, Luke?" wala sa sariling tanong ni Belle. Panay parin ang aming tingin sa kabuoan ng lugar.
"Real estate."
"That explained a lot," ani ni Belle.
Bumaba na kami sa sasakyan at naglakad patungo sa loob ng kanilang bahay. Sinalubong naman kami ng mga maid at butlers nila.
"Good afternoon, Young Master!" bati nila kay Luke. Nginitian naman sila ni Luke at dumiretso na sa living room. Sumunod nalang kami ni Belle sa kanya.
Sobrang lawak ng espasyo ng kanilang bahay. Ngunit bigla kong naalala ang mga panahong binabantayan ko pa lamang si Luke. Hindi ganito ang kanilang bahay, malaki rin 'yon ngunit magkaiba ang istilo at disenyo dito.
Sinundan namin si Luke hanggang makarating kami sa isang veranda na tanaw ang likurang bahagi ng kanilang bakuran. Pinaliligiran ito ng iba't-ibang mga herbal na halaman.
"My Mom is fond of herbal plants kaya halos ganyan ang makikita mo dito sa yard," wika naman ni Luke at umupo na.
Bumalik naman sakin ang pagbanggit niya kanina tungkol sa mga Verde kaya umupo narin ako. Sumunod narin si Belle sakin, "Nga pala Luke, about doon sa mga Verde, may alam ka ba tungkol sa pamilya nila?" deritso kong tanong.
Ilang linggo narin kasi akong naguguluhan sa mga nangyayari sakin dito sa mundo ng mga tao.
"Before I answer your question, gusto ko munang malaman kung bakit gusto mong mausisa ang tungkol sa pamilya nila?" pagtataka niyang tanong kaya inilabas ko ang family picture namin mula sa aking bag at ipinakita sa kanya.
Bahagya naman siyang nagulat sa ipinakita ko sabay lapag ng litrato sa mesa, "Bakit niyo kasama sa family picture ang nag-iisang tagapagmana ng mga Verde na si Celestina?"
"Hindi ko rin alam. Kaya nga gusto kong makausap ang pamilya nila dahil baka alam nila ang sagot sa mga tanong na matagal nang gumugulo sa aking isipan,"
Nagtataka parin kasi ako kung bakit parang maraming itinatago sa akin ang pamilyang kasama ko ngayon.
"That's why you really need to help us, Luke. Makapangyarihan ang pamilya niyo kaya siguro may alam kayo tungkol sa mga Verde," pahayag naman ni Belle.
Kilala rin ang pamilya nila Belle na isa sa mayayamang tao dito sa bansa ngunit ilang beses namang mas makapangyarihan ang mga Rodriguez at Verde sa kanila.
Napatigil bahagya si Luke, "Ang mga Verde ay tago sa publiko, ang tanging alam na impormasyon lang tungkol sa kanila ay matagumpay sila sa kanilang jewelry business. Si Monterico Verde ang Chairperson ng kanilang kompanya at ang ama naman ni Celestina na si Martin Montemayor ang tumatayong CEO ngayon, Vice-president ang kanyang ina na si Carmelita Verde, at isa rin sa mga board of directors si Celestina Verde," paliwanag ni Luke.
Naguguluhan parin ako sa mga narinig ko, "Yan lang ba ang nalalaman mo tungkol sa kanila, Luke?" tanong ko pa sa kanya.
"Celestina has a younger sister named Danish. Ka-edad lang natin siya pero sa New York siya ngayon nag-aaral. Wala namang kakaiba sa kanilang pamilya kaya hindi ko alam kung papaano napunta sa family picture niyo si Celestina," dagdag pa ni Luke.
Napatingin agad sa akin si Belle, "Hindi kaya kamukha lang ni Celestina ang nasa litrato, Cass? I mean ayokong biguin ka ha, pero that's possible kasi. Nagkataon lang siguro na kilalang tao si Celestina kaya siya yung napagkamalan natin na kasama mo sa picture," wika ni Belle kaya napaisip ako agad.
Kakaiba kasi ang mga galaw nila Tiya Linda at Tiyo Gilbert ngayon, isa pa, yung babaeng nakita kong pumunta sa bahay namin nung isang araw ay kamukha ng aking ina sa litrato niya.
Maaari rin naman totoo ang mga sinabi ni Belle pero bakit ganito yung nararamdaman ko?