Kabanata 5: Sunset With You

1867 Words
Napa-isip naman ako ng malalim sa mga narinig ko ngayon. Napatayo naman agad ako, "Puntahan nalang kaya natin ngayon ang bahay nila at magtanong tungkol sa litrato na 'to?" paanyaya ko naman sa kanila. "Hindi ka basta-bastang makakapasok sa bahay nila ng walang appointment galing sa kompanya, Cass," wika naman ni Belle. Napa-iling na lamang ako sa mga pangyayari. Bumalik naman ako sa pagkaka-upo dahil sa pagkadismaya, "Salamat sa tulong mo Luke ha, salamat sa inyo ni Belle dahil tinutulungan niyo ako," sabi ko sa kanilang dalawa. "No worries, Cass. We've known each other for how many years na at ngayon pa talaga naungkat ang tungkol sa pagkatao mo," patawang sabi ni Belle. Napangiti naman si Luke sa akin, "Who would have thought na yung mortal ko na kaaway sa academics ay matutulungan ko pa ngayon," wika niya naman. "Alam niyo bagay kayong dalawa, kaso lang mukha kayong aso't-pusa kapag nagsasama eh, hindi ko alam kung paano kayo magkakasundo," pang-aasar ni Belle kaya napatawa na lamang ako. Napatingin naman agad ako sa wrist watch ko at laking gulat ko na 5:30 na ng hapon. "Nako anong oras na pala, kailangan na nating umuwi, Belle!" taranta kong wika at inayos na ang bag ko. "Salamat Luke ha, mauna na kami ni Cassandra," naglakad na kami ni Belle palabas ng kanilang bahay. Sinundan naman kami ni Luke hanggang sa labas. "Manong pakihatid na po sa kanilang dalawa. Cassandra, hihintayin kita bukas sa labasan sa inyo ha? Susunduin na kita dahil baka anong oras mo na naman ako sisiputin," wika ni Luke sabay ngiti. Hindi ko alam kung anong uri ng droga ang pinakain niya sa akin at nahuhumaling ako sa mga ngiti niya. Tinapik ko naman ang sarili ko ng mapagtantong matagal ko nang tinititigan si Luke, "Oo na, sige na. Mauna na kami, salamat talaga," pahayag ko naman at pumasok na kami sa sasakyan nila. Unang hinatid si Belle sa kanilang bahay, "Salamat Belle ha," wika ko namang habang palabas siya ng sasakyan. "You're always welcome, Cass! Sige na, ingat kayo ni manong. Sige manong salamat po," tumungo narin si Belle sa loob ng kanilang bahay. Sobrang laki rin ng bahay nila Belle. Habang nasa sasakyan ay tahimik lang akong nakadungaw sa labas. Medyo madilim at makulimlim narin ang paligid pero sa kabilang dako ay mas nakakagaan sa pakiramdam ang ganitong panahon para sa akin. "Nandito na po tayo, Ma'am Cassandra," nagulat naman ako sa biglaang pagtigil ni Manong kaya napa-ayos na ako. "Salamat Manong, sige po!" lumabas na ako ng sasakyan at dali-daling tumakbo pauwi. Unti-unti narin kasing pumapatak ang ulan. Pagpasok ko ng bahay ay binagsak ko agad ang aking sarili sa aking kama at napatulala. Ang hirap pala talaga ng buhay nila dito, sana hindi na ako naging pasaway sa quintiana hindi sana ganito ang ginagawa ko ngayon. Naalala ko naman agad si Aidan, "Kumusta naman kaya ang kaibigan ko do'n ngayon?" wala sa sarili kong tanong sa akong sarili. Nagbihis na ako at kumain ng hapunan. Pagkatapos ay inihanda ko na ang mga gamit ko para sa camping namin sa susunod na araw dahil baka may makalimutan akong dalhin. Habang nag-aayos ako ng mga damit ay may nakita naman akong mga dokumento na nakalagay sa isang dilaw na folder kaya agad ko itong kinuha at binasa. "Illustris University application form," basa ko naman dito. Binalik ko nalang ito sa kinalalagyan niya at nagpatuloy sa pag-ayos ng aking mga gamit. *** "What took you so long?" iritang tanong sa akin ni Luke nang makarating ako sa labas ng eskinita galing sa bahay. "Sorry naman, Boss. Ikaw naman 'tong sobrang aga dumating." Inirapan niya nalang ako sabay pasok sa sasakyan, sumunod nalang din ako sa kanya. Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming tatlo maliban sa tugtog galing sa sasakyan nila. Nang makarating kami sa kanilang mansyon ay sumunod lamang ako kay Luke hanggang sa makarating kami sa isang malawak na silid na puno ng mga libro. Inilibot ko maman ang aking paningin dahil sa pagkamangha, "Study room mo 'to?" tanong ko sa kanya. Mas malaki pa kasi 'tong silid keysa sa bahay namin. Tiningnan niya lang ako bilang tugon at isinara ang pinto. Inilatag niya narin ang iilang handouts at libro sa mesa sabay tingin sa akin, "Basahin mo lahat 'yan," pahayag niya. Napataas naman ang isa kong kilay, "Akala ko ba sabay tayong mag-aaral? Aba, huwag mong sabihin na pahihirapan mo ako sa pagsaulo ng lahat ng ito?" reklamo ko habang naka crossed-arms. Tumayo naman siya at lumapit sa kinaroroonan ko kaya napaurong ako ng wala sa oras. "I already finished reading all of that, and now is your turn," wika pa niya sabay smirk. Hindi ko naman siya nakilalang agresibo ah? Bakit ganito ang asal niya ngayon, anong problema niya? "Alam mo Luke, sa susunod maglalagay na ako ng marka para di ka na makalapit sa'kin," pahayag ko sabay bagsak ng katawan ko sa upuan. Napatigil naman siya sa paglalaro ng kanyang cellphone at tinitigan ako na tila ba'y may nagawa akong krimin. Napagtanto ko naman ang mga katagang binitawan ko kaya napayuko na lamang ako. Maya-maya pa ay ibinaling na niya ang kanyang sarili sa paglalaro kaya nakahinga narin ako ng maluwag. Inumpisahan ko nang magbasa ng handouts kasunod ang mga libro. General examination ang magaganap kaya kailangan naming pag-aralan lahat. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok ang kanilang butler para maghatid ng meryende. Pagkatapos kong basahin ang ilang handouts ay nag-inat muna ako ng aking katawan dahil nangangalay na ako sa tagal ng aking pagka-upo. Sinulyapan ko naman si Luke na natutulog ng komportable sa upuan. Napagtanto ko nalang na nasa harapan na niya ako habang patuloy siyang pinagmamasdan. Ngayon ko pa lamang natitigan ng matagal si Luke sa malapitan. Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto kaya napa-ayos agad ako ng tindig. Nagising naman si Luke sa inasal ko ngunit hindi ko nalang ito pinansin. Nasa harapan namin ngayon si Professor David na hindi maipinta ang mukha, "What are you two doing?" tanong niya sa amin. "Nandito na po pala kayo, Prof." sabi ko at bumalik na sa puwesto ko at nagpatuloy sa pagbasa. Inilatag naman ni Professor David ang ilan pang mga libro sa harapan ko dahilan para tumigil ako sa pagbasa. "Pag-aaralan pa po ba namin yan, Prof?" tanong ko sa kanya na may pag-alala. Ganito ba talaga ka talino yung Cassandra na binagsakan ko dito sa mortal na mundo? "Of course! These books are much useful and informative keysa diyan sa binabasa niyo ngayon," sagot niya naman sabay tingin kay Luke na babalik na sana sa pagtulog. "Mr. Rodriguez, what are you waiting for?" giit na tanong ni Professor David kaya agad nang itinago ni Luke and kanyang cellphone at tinabihan ako. Kumuha narin siya ng magbabasa niyang libro. Halos isang oras din ang pananatili ni Professor David sa bahay nila Luke at umalis agad dahil marami pa siyang gagawin sa paaralan. Ipinagpatuloy nalang din namin ni Luke ang pagbabasa at hindi na nagkibuan. Napagtanto nalang namin na tanghaling-tapat na ng biglang pumasok sa study room ang Mommy ni Luke. "Luke, Cassandra, what ever you two are doing, set it aside. Lunch is ready, bumaba na muna kayo at kumain," pahayag naman ng Mom ni Luke. Napakaganda niya at napakabait. Noong mga panahong ginagabayan ko pa lamang si Luke ay iniidolo ko na si Tita Bernadette. Ngumiti naman ako bilang tugon at sumunod na sa kanila. Nang makarating kami sa hapag-kainan ay parang pyesta ang handa sa mesa, "Don't be shy, Cassandra. Sige na kumain ka na," pahayag naman ni Tita Bernadette kaya umupo na ako at nag-pray pagkatapos ay kumuha na ng pagkain sa mesa. "Napa-ayos mo na ba lahat ng mga gamit mo for tomorrow, Son?" tanong naman ni Tita Bernadette kay Luke. "Inayos na lahat ni Kuya Fred lahat ng dadalhin ko bukas para sa camp," sagot ni Luke. Naalala ko naman na bukas na pala ang day-1 ng camp namin sa Broadway Resort. "That's good. Do your best sa quiz-bee, okay? You and Cassandra are way too formidable kapag nag work kayo together," nakangiting sabi ni Tita Bernadette. Pagkatapos naming kumain ay bumalik agad ako sa study room at nagpatuloy sa pagbasa, samantalang si Luke naman ay hindi ko na mahagilap sa kanilang mansyon. Umalis din si Tita Bernadette pabalik sa kanilang kompanya for personal matter. "Are you done?" nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni Luke sa aking likuran kaya napatayo ako bigla. "Are you out of your mind? Sulpot ka nalang ng sulpot kung saan-saan!" Bahagya naman siyang napatawa, "I'm sorry. I wanna show you something sumama ka sakin," sabi niya sabay lakad palabas ng silid. Napa-iling naman ako at sinundan siya papunta sa elevator. Ang yaman naman ng pamilya nila. Sa mga mall ko lang 'to nakikita. Nakarating kami sa ikaapat na palapag ng kanilang bahay. Pagkalabas namin ng elevator ay umakyat na kami sa hagdan patungo sa rooftop ng kanilang bahay. Napatigil naman ako sa ganda ng tanawin, "Anong oras na ba?" wala sa sarili kong tanong sa kanya. "5:27." sagot niya naman, "Napakaganda ng tanawin ng takipsilim dito sa inyo, Luke," wika ko naman kaya napatingin siya sa akin, "You know what ever since that day na sinundan mo ako sa school, I felt like ibang Cassandra na ang kasama ko," pahayag niya naman kaya natigilan ako. Nako lagot na! "Anong ibig mong sabihin?" utal-utal kong tanong sa kanya. Dahan-dahan din akong umupo sa isang bench malapit sa kinatatayuan namin, "Nevermind. We will be graduating soon, what college you plan to enroll?" tanong niya. Napa-isip naman muna ako bago sumagot, "Illustris University, ikaw?" wika ko naman. "My Mom wants me to go abroad to study business administration, but I want to finish my college here kaya Illustris University din ang papasukan ko," pahayag niya. "Talaga? Nga pala Luke, may girlfriend ka ba ngayon?" tanong ko sa kanya. Napatawa naman siya habang nakatingin sa akin. May nakakatawa ba sa tanong ko? "I never expected that question. Who would've thought na isang Cassandra pa ang magtatanong sa akin kung may girlfriend ako. Well, I don't have a girlfriend," sagot niya naman sa akin. "Mabuti naman. Sige, uuwi na ako anong oras na kailangan ko pang ayusin ang mga dadalhin ko para bukas," nagpa-alam na ako sa kanya at nag-umpisang maglakad. "Ingat ka!" rinig kong sabi ni Luke ngunit hindi na ako lumingon at bumalik na sa baba upang kunin ang mga gamit ko. Nang makarating na ako sa baba ay hihintay ko si Manong na drayber nila Luke. Mayroon namang itim na sasakyan na pumasok sa kanilang gate kaya napa-urong ako ng konti. Lumabas sa sasakyan ang Dad ni Luke at isang lalaki na kasing-edad lang din ng kanyang ama. "Cassandra, nandito ka pala!" gilat na pahayag naman ni Tito Edward. Tahimik lang ang lalaking nasa likuran niya ngunit panay naman ang kanyang tingin sa akin. "Opo, nag review po kami ni Luke para sa Summit Camp. Mauna na po ako, Sir," pahayag ko naman at pumasok na sa sasakyan. “Mag-iingat ka, Cassandra. Jason, ihatid mo ng maayos si Cassandra.” wika niya naman kay Manong driver. Ngumiti naman si Tito Edward sa akin at pumasok na sa kanilang bahay kasama ng lalaking kasama niya. Inihatid narin ako ni Manong sa bahay at umalis narin agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD