"Cassandra!" rinig ko namang tawag ni Belle sa akin. Nandito na kami sa parking area ng school naghihintay na umalis.
"Belle, andami mo namang dalang gamit. Tatlong araw lang naman tayo sa Camp," biro ko sa kanya. Napatawa naman siya dahil sa sinabi ko.
"This is the last camp bago tayo mag college so this should be memorable. I brought polariod camera and DSLR for keeping important moments," pahayag niya pa kaya napa-iling nalang ako.
"Class 12-1 and 12-2 proceed to Bus number 08, Class 12-3 and 12-4 proceed to Bus number 03," pahayag ni Professor Vilches.
Pumasok na kami sa bus ni Belle, nadatnan naman namin sila Jess at Abby na naghaharutan sa loob, "Excuse me, Lovebirds! Mahiya naman kayo sa mga single na kagaya namin, no?" reklamo sa kanila ni Belle. Napatawa nalang ang dalawa sa sinabi niya at nagpatuloy sa paghaharutan.
Humanap na kami ng komportableng puwesto sa loob at maya-maya pa ay pumasok narin si Luke sa loob. Nang mapuno ang bus ay umalis na kami nang maaga kaming makarating sa pupuntahan namin.
Habang nasa kalagitnaan ng byahe, abala ang iba sa kani-kanilang cellphone, ang iba naman ay natutulog. Mayroon namang inilabas si Belle galing sa kanyang bag na pulang kahon kaya nagtaka ako.
"I have something for you," sabi niya sabay bigay sa akin ng kahon. Wala naman akong ideya kung bakit niya ako binibigyan ng regalo ngayon ngunit binuksan ko na lamang ito.
"Bagong cellphone?" nagulat ako ng makita ko ang pinakabagong model ng cellphone na nasa tapat ko ngayon.
Ngumiti naman siya ng malapad, "Yup! Kapag gusto kasi kitang maka-usap hindi naman kita ma-contact dahil hindi ka naman binibigyan ng cellphone ng mga nag-aalaga sayo, kaya naisipan kong bilhan nalang kita ng bagong phone," wika niya pa.
"Nako Belle, siguradong mahal 'to. Hindi ka na sana nag-abala, hindi ko rin naman 'to magagamit palagi," nahihiya kong sabi sa kanya, "You'll realize sooner or later na importanteng magkaroon ng cellular phone. Nakasave narin ang mobile number ko diyan at gano'n din ang number mo rito sa akin," sabi niya pa kaya napangiti na lamang ako.
"Salamat talaga Belle at ikaw ang naging kaibigan ko sa mundong ito," wika ko naman at napatingin siya sa akin ng may pagtataka.
"You're being weird, Frenny. Simula noong birthday mo, parang ibang Cassandra na ang kasama ko up to now," sabi niya naman sa akin kaya natigilan ako.
Nako! Dalawa na sila ni Luke ang nakakahalata sa mga galaw ko.
"Pasensya ka na Belle ha, marami ka pang dapat malaman tungkol sa pagkatao ko," pahayag ko naman na mas-ikinagulat niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya pa sa akin. Napa-isip muna ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang mga nangyayari ngunit nagsalita na siya. "It's okay, all of us have our own secrets. Just tell me nalang if you're comfortable enough to share it and don't worry, tutulungan kita sa pagkilala sa totoo mong pagkatao," wika niya naman na ikinagalak ko.
"Thank you!" sabi ko sabay ngiti sa kanya.
Ginamit ko na ang binigay niyang cellphone sa akin. Kailangan ko muna itong kilalanin upang marunong akong gumamit.
Makalipas pa ang ilang minuto ay nakarating na kami sa lugar kung saan gaganapin ang Summit Camp. Tanaw na namin ngayon ang napakalawak na dagat at puting buhangin. Nag-umpisa nang kumuha ng mga litrato ang mga kaklase ko kaya kinuha ko rin ang aking cellphone at binuksan ang camera.
"This place is awesome! I thought that this Summit Camp would be boring, good thing at pumayag akong sumama," pahayag ni Cheska isa sa mga kaklase namin.
"True, Cheska. I already told my Mom na mas gugustuhin ko pang magkulong sa room ko for a week keysa sumama rito, but it's all worth it pala," dagdag pa ni Sydney.
Nandito rin sila Brenda at mga kaibigan niya. Naalala ko na naman ang krimin na ginawa nila sa isang estudyante noong isang buwan. Hindi ko nalang sila pinansin at inayos na ang mga dala kong gamit at lumabas ng sasakyan.
"Get in line according to your class," wika ni Professor Nivales kaya sumunod na lamang kami.
Nasa unahan ko naman si Luke habang nasa likuran ko si Belle, "Hoy Luke, ang liit mo naman masyado para diyan pumwesto sa unahan namin ah," reklamo ko naman sa kanya ngunit parang wala lang siyang narinig.
"Class 12-1, this is your door key. Mr. Rodriguez sayo ko ito ibibigay since you are the president of your class, be responsible of your section. You may now proceed to your designated rooms," wika ni Professor David.
Kinuha narin ni Luke ang door key sabay lakad patungo sa hotel kung saan kami mamamalagi ng tatlong araw. Sinundan na namin si Luke kasabay ng ilan ko pang mga kaklase.
Isa-isa nang binigay sa amin ni Luke ang house rules and regulations sa loob.
"Three persons sa bawat room. Sino naman ang makakasama natin?" ani ni Belle habang ako naman ay abala sa pagbabasa ng mga rules.
"Pwede ba akong sumama sa inyo?" nagulat naman kami ni Belle ng biglang lumapit sa amin si Melan. Kilala si Melan bilang pinakatahimik sa klase, siya rin ang class secretary namin. Batay din kay Belle, ang pamilya nila Melan ang nagmamay-ari sa karamihan ng mga fishing ports sa bansa, sila rin ang pangunahing supplier ng tuna sa buong bansa.
"Syempre naman, Melan. Mabuti nga at ikaw ang makakasama namin sa room," wika ni Belle. Ngumiti naman si Melan bilang tugon.
Binigay na sa amin ni Luke ang room number at susi kung saan kami itinalaga, "Room 412," basa ko sa nakapaskil sa tapat ng pinto.
Pagpasok namin ay agad naming naaninag ang veranda kung saan tanaw ang dagat sa labas. Mayroon ding tatlong kama at isang TV sa tapat, mayroon ding malaking salamin sa kabila at ilang cabinet na mapaglalagyan namin ng mga damit at isang malaking comfort room sa kanang bahagi ng kwarto.
"This room is cozy enough and I love the view outside the veranda," sabi naman ni Belle sabay punta sa veranda.
Nag-ayos naman ako ng mga damit ko at nilagay na sa cabinet, ganoon din ang ginawa ni Melan na tahimik lamang na inilalabas ang kanyang mga gamit sa maleta.
"Melan, saang university ka nga pala papasok mag college?" tanong ko naman sa kanya dahil parang ang tahimik masyado ng kwarto.
"Gusto ng Mom at Dad ko na sa Excellere University ako mag-aaral pero kilalang-kilala naman sa school natin na best college ang Illustris University," wika niya pa.
Naalala ko naman na may nakita akong application form sa bahay kung saan nakalagay ang Illustris University, "Maganda nga diyan sa Illustris University," pangatwiran ko rin.
"Girls hurry up! Nasisilabasan na ang ilan nating kaklase, let's have our lunch na dahil mamayang 1pm sharp ay mag-uumpisa na ang opening ceremony sa crown hall," wika naman ni Belle kaya dali-dali na kaming nag-ayos.
"Hindi pa ba tayo magsusuot ng uniform?" tanong ni Melan sa amin. Kailangan kasi mamaya para sa opening ceremony na complete uniform ang isusuot upang makilala kung saan ka galing na high school.
"Let's wear it after lunch baka kasi madumihan eh," sagot ni Belle sa kanya.
Dali-dali na kaming bumaba ng hotel para pumunta sa dining area nito. Agad ko namang naaninag si Luke na kumakain kasama ang isang lalaki na halatang hindi galing sa paaralan namin dahil sa kanyang suot na uniporme. Gayundin, maliban sa aming mga taga Regal High School ay mayroon ding mga taga ibang schools na nandito sa dining area kumakain.
"Whoa! Kasali rin pala sa camp ang mga taga Westwoods Academy pati ang neighboring school natin na Fides High School," sabi naman ni Belle.
Halos wala akong alam sa mga pinagsasabi niyang paaralan kaya minabuti ko nalang tumahimik. Pagkatapos naming kumuha ng pagkain ay umupo na kami sa mesa para kumain. Panay naman ang tingin ni Belle sa paligid kaya nagkatinginan nalang kami ni Melan at napangiti.
"He's still so handsome!" wala sa sariling wika ni Belle habang niyayakap ang kutsara at tinidor na nasa kamay niya. Napalingon agad kami ni Melan sa kanyang tinititigan at napakunot-noo.
"Who?" tanong ni Melan. Hindi ko rin malaman kung sino ang tinutukoy niya dahil maraming mga lalaki ang nasa likuran namin.
"Jake, Jake Rodriguez, cousin of Luke. Alam niyo kasi we're neighbors kaya magkababata kaming dalawa, however, he's studying at Westwoods Academy with his girlfriend Natalia," agad namang naging mapait ang mukha ni Belle nang mabanggit ang tungkol sa girlfriend ng Jake na sinasabi niya.
"They broke up already."
Nagulat naman kami ng biglang nagsalita si Melan. Nabaling agad ang atensyon ni Belle sa kanya, "What did you say? I mean, how did you know, Melan?" giit niyang tanong. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at hinayaan silang mag-usap.
"Coincidentally, Natalia is my neighbor and also my friend. She told me that Jake is with another girl on the day of their anniversary and unfortunately, anniversary din ng boyfriend niya at ng babae that day," napatigil naman ako sa pagkain ng marinig ang mga sinabi ni Melan.
Sabay naman kaming tatlo na napatingin sa kinaroroonan ni Jake kaya agad niya kaming napansin at napasulyap din sa amin.
Umiwas naman agad kaming tatlo, "OMG! Is that a real deal, Melan? I mean, Jake is an exemplary student in his school and a role model to everyone. How can he do such thing as cheating?" hindi makapaniwalang pahayag ni Belle at napalakas yata ang pagkasabi niya ng 'cheating' kaya napatingin sa amin ang ilang mga students na kumakain.
"That's what she told me, Belle. Noong una nga halos hindi rin ako makapaniwala dahil narin sa student evaluation ni Jake, pero nakita ko rin kasi mismo si Jake with that girl kaya naniwala na ako sa mga sinabi sakin ni Natalia," ani ni Melan.
Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Luke, "Hindi kaya ganoon din si Luke?" tanong ko sa kanila.
Napabungtong-hininga naman si Belle, "Hayaan niyo na sila, let's just go back to our room dahil mukhang napatagal yata ang chika natin dito," wika niya at tumayo na.
Bumalik agad kami sa room namin at nagbihis na ng uniform. Pumunta narin agad kami sa crown hall para sa opening ceremony. Naghanap na kami ng mga bakanteng upuan sa gitna at mabuti naman dahil iilan pa lamang ang mga estudyante sa loob.
"You know what girl, narinig ko kanina ang isa sa mga staff that they will divide us into twelve groups after this ceremony and sadly other students daw from other schools ang makakasama natin sa grupo. It's like a solidarity group."
"Legit, girl? Pero okay narin yun atleast we will be able to meet new friends, right?"
Dinig namin na usapan ng ilang students sa hall. Nagkatinginan kaming tatlo, "Totoo ba ang mga sinabi nila? Ibig sabihin hindi tayo magkakasamang tatlo?" pag-aalala ko namang tanong.
"It's okay, frenny. It's for our benefit naman dahil makakakilala tayo ng bagong students from other schools," ani ni Belle. Tumahimik na kami dahil mag-uumpisa na ang ceremony.
"Good afternoon, faculties and students. This year's summit camp is totally different from the previous camp we had for the last seven years. Aside from the venue, this year's camp will be a lot tougher and exciting. There will be a lot of group and individual activities prepared only for the students. I, Professor Hedgeworth, President of National Summit Institute, welcome you to this seventh summit camp at Broadway resort!"
Agad naman kaming nagpalakpakan pagkatapos ng nakakaganyak na talumpati ni Professor Hedgeworth. Kahit na hindi ako sanay sa ganitong mga aktibidad ay bigla akong nakaramdam ng pagkagiyak sa kanyang mga sinabi.
"Anyway, the twist of this year's summit camp is that, you will be divided into twelve groups and take note, each group is composed of three students per school to represent. This way, you will have new friends. Enjoy students!" dagdag ni Professor Hedgeworth kaya umingay ang buong hall.