Kabanata 7: Broadway Resort

2036 Words
Ang iba sa mga estudyante ay nagagalak ngunit ang iba naman ay panay ang reklamo sa kani-kanilang mga guro. "Regal students, attention!" tumahimik naman kami sa nakakatakot na boses ni Professor Aberia. "I have here with me your designated groups and members, all you need to do is sign it," ibinigay na ni Professor Aberia ang papel kung saan kami lalagda. "I hope na magkasama parin tayong tatlo," wika naman ni Melan. Nasa likurang bahagi kami kaya matatagalan pa bago umabot sa amin ang papel. Habang abala ang iba sa paglalagda ay abala rin si Luke sa pagbibigay ng papel na nakapaloob ang mga aktibidad namin. "Nako, bukas pala ng umaga ang quiz-bee," wika ko ng mabasa ang list of activities. Marami ang magaganap sa loob ng tatlong araw ngunit hindi naman ako pamilyar sa ibang mga laro at patimpalak. "The first individual activity after this ceremony is Art Competition, while getting to know each other naman ang bawat solidarity groups," dagdag naman ni Melan. "Sino naman ang representative natin for the Art Competition?" tanong ni Belle. Kibit-balikat ang naging sagot namin ni Melan sa kanya. Nang makarating sa amin ang papel na nakapaloob kung anong team ang kalalagyan namin ay agad kong hinanap ang makakasama kong dalawang estudyante, "Belle Cendrine Martinez, Brandon Deocampo and Cassandra Madeléine," basa ko naman sa nakasulat. Napadungaw si Belle sa papel na hawak ko at napasingap, "OMG! Magkasama parin tayo, Frenny! I'm so happy," masayang wika niya sabay yakap sa akin. Nalungkot naman si Melan ng makita ang mga kasama niya sa grupo kaya napatingin kami sa kanya, "That's awful, Melan. Sa lahat pa talaga ng makakasama mo si Brenda pa talaga at Sydney," malungkot na pahayag ni Belle. Nagpakawala naman ng isang malalim na buntong-hininga si Melan, "Ayos lang, ilang araw ko lang naman silang makakasama eh. Titiisin ko nalang," walang ganang sabi ni Melan. Pagkatapos ng opening ceremony ay tumungo na kami sa mga assigned areas ng bawat grupo. "Solidarity group number five is located at the belvedere beside the narra tree in front of the crown hall," basa naman ni Belle. "Hey girls, wait for me!" napalingon naman kami ni Belle at nakita namin si Brandon na hingal na hingal, "I can't find the two of you kanina sa crown hall, where have you been?" tanong niya pa sa amin. "Ikaw kaya ang hindi namin mahagilap kanina," pangangatwiran ko naman sa kanya. Nakita ko naman si Luke na naglalakad kasama sina Kevin at Eric papunta sa likod ng crown hall. Bigla siyang sumulyap sa kinaroroonan namin kaya umiwas agad ako ng tingin at deritsong naglakad patungo sa lugar kung saan kami magtitipon-tipon. Sumunod nalang din sina Belle at Brandon na kanina pa nagbabangayan sa likuran ko. Nang makarating kami sa lugar ay halos nandoon na yata lahat ng mga ka-grupo namin. Naka indian-seat silang lahat maliban sa isang lalaki na team leader siguro ng aming grupo. "Students from Regal High School. Welcome to SG-5!" pahayag niya naman. Umupo na kami sa tabi ng iba pang estudyante. Mahigit dalawampo rin kami sa grupo. "Since nandito na ang lahat, pwede na tayong magsimula. I'm Christian Manansala, you can call me Kuya Chris, and I will be facilitating this group from now on. Let's do our best, everyone!" wika naman niya sabay ngiti. "Nakakahawa naman ang positive vibes ni Kuya Chris," bulong ko naman kay Belle. Unang kita palang namin kasi sa kanya, malalaman mo talaga na magiging masaya itong grupo namin. "Okay, listen. The first thing we are going to do this afternoon is introducing ourselves to everyone para maging pamilyar tayo sa isa't-isa," wika ni Kuya Chris. Isa-isa na kaming nagpakilala. Pagkatapos ay iniwan muna kami ni Kuya Chris dahil ipinapatawag lahat ng Team Leader para sa isang apurahang pagpupulong. Naiwan naman kaming hindi nag-iimikan na kahit papaano ay kilala narin namin ang isa't-isa. "Guys, why don't we exhange phone numbers or social media accounts to keep in touch with each other, right?" basag naman ni Daniel sa katahimikan. Siya ay taga Fides High School. "That would be nice, Dan. We could also make a group chat kapag mutuals na tayong lahat, in that way mas mapadali ang komunikasyon natin sa isa't-isa," dagdag pa ni Felice. Isa-isa namang nag sang-ayon ang lahat at nagbigayan ng kani-kanilang mga social media accounts ngunit napatingin naman ako kay Belle ng puno ng pag-aalala. "Not a big problem, Frenny. Pahiram mo muna phone mo sa akin at gagawan kita ng social media accounts mo," pahayag niya naman kaya dali-dali kong binigay ang cellphone ko sa kanya. Ilang minuto pa ang nakalipas ay ibinalik niya na ito sa akin, "Meron na ba akong social media account?" kunot-noo kong tanong. Binigyan niya naman ako ng isang ngiti bilang tugon kaya agad kong tiningnan ang nakapaloob sa cellphone ko. "Hey, Cassandra! What's your name on f*******:? I'll add you," wika naman ng katabi kong si Katrina. Binigay ko naman agad ang pangalan ko sa kanya sabay pakita ng phone ko. Pagkatapos naming magbigayan ng account ay nag notify na agad sa cellphone ko lahat ng mga pangalan nila. Tinuruan naman ako ni Belle kung paano i-accept lahat 'yon. "You'll get used to that sooner, Frenny," masayang sabi niya sabay kindat sa akin. Maya-maya pa ay bumalik na si Kuya Chris sa kinaroroonan namin na may bitbit na makapal na papel. "Hey everyone! I'm sorry for leaving you guys abruptly, pinatawag kasi kami for emergency instructions para sa inyo and supposedly, magkakaroon dapat tayo ng hunting session this afternoon pero sabi ni President sa amin ililibot ko nalang muna kayo sa buong lugar for you guys to be familiar. Masyadong malawak din kasi itong resort kaya mas maigi na maging pamilyar kayo. Let's go!" Sumunod na kami kay Kuya Chris sa paglilibot sa buong resort. Halos ilang ektarya rin itong buong resort kaya hindi imposibleng maligaw ka rito. "This resort is owned by the Pedregosa family. Anthony Pedregosa which is one of your group mate right now is the owner's only son," napatingin naman kaming lahat kay Anthony na abala sa kanyang cellphone. Halos hindi niya rin namalayan na pinag-uusapan siya ng lahat. "This resort has six main hotels, one big hall, four swimming pools, a big playground, it also have many gazebos or belvederes, a lot of food kiosk, and many more. Ito ang napiling maging venue of this camp kasi it could accommodate hundreds of people," dagdag pa ni Kuya Chris habang naglalakad kami. Tahimik lang kaming nakasunod sa kanyang likuran nang makasalubong namin ang grupo nila Luke malapit sa kiddie pool. Nagkatinginan naman kaming dalawa kaya ngumiti nalang ako ng bahagya sa kanya ngunit hindi niya naman ako pinansin at naglakad ng deritso. "Alam kong nakita niya naman ako ah? Ano na naman kayang nakain niya at ang suplado na niya naman?" pabulong kong sabi. Magkasama parin sila ng Jake Rodriguez na sinasabi ni Belle. Napatingin din si Belle sa kanila ngunit ang akala kong matamis na ngiti ni Belle nang makita si Jake ay naging isang nakakapanghinayang na tingin. "Nawalan na agad ako ng gana kay Jake dahil sa mga sinabi ni Melan. Ano ba yan, maghahanap na naman ba ako ng bagong crush?" pabulong niyang sabi sa akin ngunit malakas parin ito para madinig ni Brandon. "Why chase someone who doesn't even know you exist when you can have me, Belle?" biro naman sa kanya ni Brandon. "You're so disgusting, Brandon!" agad naman siyang binatukan ni Belle dahilan para mapasigaw siya sa sakit na ikinakuha ng atensyon ng lahat. "What's the matter, Mr. Deocampo?" pag-aalalang tanong naman ni Kuya Chris. Masyadong mabilis naman makabisado lahat ni Kuya Chris ang mga pangalan namin. "Wala po," sagot ni Brandon sabay ngiti. Pagkatapos ng mahigit isang oras na paglilibot ay natapos narin naming puntahan lahat ng sulok ng resort, "I felt like walking forever. This is exhausting," reklamo naman ni Belle. "Piggyback ride?" pag-aalok naman sa kanya ni Brandon ngunit inirapan niya nalang ito at naglakad ng mabilis. Napangiti naman si Brandon, "I like teasing her, she's fun. What do you think, Cass?" tanong niya naman sa akin. "Malay ko sa inyong dalawa," nakangiting sagot ko naman sa kanya at sinundan na si Belle. "Guys, listen! Alam kong pagod na kayo sa pag-iikot natin and don't worry makakapagpahinga na kayo afterwards, I'll just make a brief announcement. After dinner mamaya, dumiretso agad kayo sa crown hall dahil magkakaroon ng palaro sa bawat grupo. Sige na bumalik na kayo sa mga hotel rooms niyo at magpahinga," wika naman ni Kuya Chris kaya nagpa-alam narin kami at agad na nilisan ang lugar. Pagbalik namin sa hotel ay binagsak agad namin ang aming mga sarili sa kama dahil narin sa pagod. Maya-maya ay pumasok rin si Melan sa loob at binagsak ang sarili sa kanyang kama. "We didn't execute a lot of activities pero yung pagod na nararamdaman ko ngayon parang one week pa bago ako maka fully recover," walang ganang pamamaktol ni Belle habang nakahandusay sa kama. "Yas, girl. I felt like I'm going to p**e kanina habang naglilibot sa buong resort," dagdag pa ni Melan. Binuksan ko naman ang phone ko at tiningnan ang ginawang group chat ng mga kasama ko. Napatigil naman kami ng may biglang kumatok sa pinto ngunit hinayaan nalang namin agad sabay balik sa pagkahiga. Hindi ko alam kung sino man ang kumakatok na iyan. Wala naman kaming inaasahang bisita, isapa wala namang sinasabi na kung ano basta-basta nalang kakatok. Wala paring tigil sa pagkatok kaya tumayo na lamang ako dahil wala naman akong aasahan sa kanilang dalawa, "Ako na nga lang ang magbubukas." wika ko sabay pihit ng door knob. Nagising naman ang diwa ko ng mapagtantong si Luke ang nasa harapan ko ngayon, "Anong ginagawa mo rito?" pagtataka kong tanong. Hindi ko alam kung bakit parang sulpot ng sulpot nalang si Luke kung nasaan kami. May lahi bang butetr ito? "Professor David is looking for us, follow me." wika niya sabay lakad. Wala naman akong nagawa para pigilan siya kaya sinunod ko na lamang kung saan siya patungo. Hindi na ako nakapag-paalam ng maayon kela Belle at Melan. Babalitaan ko nalang sila sa mga mangyayari pagbalik ko mamaya. "Anong grupo ka nga pala, Luke?" tanong ko naman habang nasa elevator kaming dalawa. Hindi naman kasi siya umiimik kaya nagsalita na ako. "SG-2." maiksi niyang sagot. Ang suplado naman neto mapag ako ang kausap niya. Minsan ang gulo-gulo rin kausap ni Luke eh. Hindi nalang ako umimik hanggang sa makalabas kami ng elevator at makarating sa dining area. Naaninag ko agad si Professor David na kumakain ng chips habang nakatitig sa kanyang cellphone. Binitawan naman ni Professor David and hawak na telepono ng makitang paparating na kami, "Oh! Nandito na pala kayong dalawa. Umupo muna kayo dahil magbibigay lang ako ng instructions para sa quiz bee bukas." Umupo na kaming dalawa ni Luke. Binigyan naman kami ni Professor David ng mga papel na puno ng sulat, "These are the guidelines for the quiz bee tomorrow. After breakfast bukas, dapat nasa conference hall na kayo para maghanda. There will be an exciting activity after the quiz kaya enjoy." Nagtaka naman ako sa magaganap na aktibidad bukas ngunit hinayaan ko nakang ito. Kinuha naman agad namin ni Luke ang papel. Tumayo naman si Professor David at inayos ang kanyang mga gamit. "Is that all, Sir?" tanong ni Luke sa kanya. "Yes, I still need to prepare for our banquet this evening. Mga Facilitator ang makakasama niyo mamaya sa crown hall kaya behave, okay? Bye, I gotta go." Nagmamadaling maglakad si Professor David kaya kami na lamang ni Luke ang natirang naka-upo dito sa dining area. Wala namang nagkibuan sa aming dalawa kaya kinuha ko na lamang ang aking cellphone galing sa akingn bulsa at ginamit. "You already have a phone?" hindi makapaniwalang tanong niya sakin. Napatigil naman ako at napatingin sa kanya, "Binigay lang 'to sakin ni Belle kanina." "Give me your number para naman hindi na ako mahirapan kung saang mundo ka nagtatago," pahayag niya pa sabay agaw sa akin ng cellphone ko. Aba! Wala naman talagang ugali 'tong lalaking 'to ah. Cellphone mo? "Here. Naka-save ang number ko diyan and nakuha ko narin ang number mo. Just call me or text me kapag may kailangan ka sakin," wika niya pa sabay tayo at umalis na. Naiwan akong nakatunganga sa dining area dahil sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD