Kabanata 8: Quiz Bee

1565 Words
"I’m telling you girls, this camp is so exhausting," reklamo naman ni Belle habang nag-susuklay ng buhok. Maaga pa kaming nagbihis ngayon dahil maraming aktibidad ang magaganap. Nagkaroon ng group activity kagabi kung saan nasubukan ang aming pagtutulungan ngunit matagumpay naman itong natapos kaya pagod na pagod kami nang kami ay natulog. "Pero it's a good thing naman that they are testing our solidarity bilang isang grupo diba? Kahit na hindi tayo galing sa iisang school," ani rin ni Melan. "Nakita niyo na ba ang scoreboard kung anong school at solidarity group ang nangunguna?" tanong naman sa amin ni Belle. Napa-iling kaming dalawa ni Melan, "Anong klaseng scoreboard?" tanong ko pa. "After this camp kasi bibigyan ng parangal ang solidarity group na may pinakamataas na puntod ganoon din ang school na may pinakamataas na score, kaya kailangang pagbutihin niyo ni Luke mamaya sa quiz bee Frenny ha? Malaking puntos kasi ang madadagdag sa school natin," sagot ni Belle. Dali-dali na akong nag-ayos dahil maya-maya pa ay mag-uumpisa na ang quiz bee, "Mauna na ako sa inyo ha? Baka kasi mahuli ako sa quiz bee," pahayag ko pa at dinala na ang bag ko na tanging marker at board na gagamitin namin sa quiz bee ang nasa loob. "Hey Cass, hindi ka manlang ba kakain ng breakfast before going to the war?" tanong naman sa akin ni Melan. Ngumiti naman ako at umiling bilang tugon at tuluyan nang lumabas ng kwarto. "Good luck!" dinig ko namang sabi nila. Nang makarating ako sa conference hall ay nadatnan ko agad si Luke na naka-upo sa pwesto namin. "What took you so long? Maya-maya mag-uumpisa na ang quiz bee," giit niya naman sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at umupo na lamang sa tabi niya. Isa-isa naring nagsidatingan ang iba pang mga kalahok pati narin ang mga guro at mga tabulators. "Good morning, students! Are you ready? This quiz bee is divided into three parts; easy, average, and difficult. However, if there is a tie in score, we will have the clincher. Get ready for the first question." Inihanda na namin ni Luke ang marker para sa unang tanong. "First question for the easy round. What is the straight line without dots called? A. Ray, B. Module, C. Line, D. Direct." Sadya nga talagang tinawag na easy round ito dahil sa mga katanungan. Si Luke ang may hawak ng marker kaya siya ang sumagot sa unang tanong at alam ko namang tama ito. "The correct answer is letter C." pahayag ng tagabasa ng tanong. Halos lahat sa amin ay nakakuha ng tamang sagot. Pagkatapos ng sampung tanong ay natapos narin ang easy round at sa kabutihang palad ay nasagot ito namin lahat ng tama ni Luke. Sa halos labing-limang eskwelahan na dumalo sa summit camp ay apat na eskwelahan ang hindi mapalad na makakapasok sa average round. "For the average round. First question, What is the coldest place in the solar system? A. Neptune's moon Triton, B. Uranus's moon Miranda, C. Jupiter's moon Europa, D. Mars' moon Deimos." Napatingin naman sa akin si Luke sabay bigay ng marker. Bahagya naman akong napatawa dahil ngayon lang siya nanghingi ng tulong sa akin. Isinulat ko na ang sagot sa board at ipinatalikod, maya-maya pa ay tumunog na ang bell hudyat kung saan tapos na ang ibinigay sa aming oras. "The correct answer is letter A." Marami naman ang napahiyaw sa tuwa ngunit ang iba naman ay napa-iling na lamang. Mabuti nalang at nabasa ko ang tungkol sa mga moon ng planets dahil kung hindi, baka nangangamote narin kami ni Luke ngayon. "Average round is difficult already," dinig kong reklamo ng mga katabi namin. "Next question, In Ancient Egypt, aside from humans, what other species are preserved or mummified? A. Lions, B. Tigers, C. Chameleon, D. Cats." Nagkatinginan naman kami ni Luke dahil alam namin pareho na hindi namin alam ang sagot. Hindi naman namin akalain na lalabas pa ang ganitong mga tanong sa quiz bee. Kinuha niya sa akin ang marker at dali-dali sumulat dahil malapit nang tumunog ang bell. Hindi ko narin nakita kung anong letra ang isinagot niya kaya hinayaan ko na lamang. "The correct answer is letter D." Ngumiti naman siya agad, "That was close," wika niya naman. Napangiti nalang din ako dahil tama rin naman ang sagot niya. Sa kabuuan nasa apat pa lamang kami ang walang mali sa buong quiz bee. Westwoods Academy, Fides High School, Honduras Central High School, at Regal High School. Mayroon na kaming 14 points sa kabuuan. "Last year's champion is Fides High School, sila parin kaya ang mananalo ngayon o may bagong school na naman ang mananaig? Let's see!" wika ni Professor Hedgeworth. "Next question. It is the only system that can be surgically removed without killing the person. A. Circulatory System, B. Reproductive System, C, Digestive system, D. Nervous system." "This is the easiest question so far," bulong naman ni Luke sa akin sabay sulat ng sagot. Ngumiti naman ako bilang tugon. "The correct answer is letter B." Pagkatapos ng limang tanong para sa average round ay nasagot naman namin lahat. Anim na paaralan na lamang ang mapalad na makakapasok sa difficult round. Binigyan naman kami ng tatlong minuto para pumunta sa banyo o kaya naman mag-inat dahil halos ilang minuto narin makalipas simula ng mag-umpisa kanina. "Get ready students, difficult round will be starting now." wika naman ni Professor Hedgeworth kaya napaayos kaming lahat. "First question. What is the theory that changes in the physical world, and their consequences are unpredictable?" Habang nag-iisip si Luke ng sagot ay naalala ko naman ang nabasa kong children's dictionary na ibinigay ni Professor David. Nagtaka nga ako kung bakit niya kami binigyan ng children's dictionary pero ang tanong ngayon ay doon ko nabasa. "Akin na," kinuha ko naman sa kanya ang marker at isinulat ang sagot. Maya-maya pa ay tumunog na ang bell at itinaas ko na ang board. "The answer is, chaos theory," wika ng tagabasa. Nagulat naman ako dahil kami lang ni Luke ang nakakuha ng tamang sagot. "How did you know about that theory?" tanong niya naman sa akin. "Nabasa ko kasi 'yan sa ibinigay ni Professor David na children's dictionary. Ayaw mo kasing basahin kaya ako nalang ang nagbasa," sagot ko naman sa kanya. "Next question. What is the last British mainland colony in the americans?" Nagkatinginan naman kami ni Luke, "Alam mo ba?" tanong ko sa kanya. Umiling agad siya sakin. Naabutan lang kami ng bell na walang sagot. "The answer is Belize. It gained independence in 1981. Both English and Spanish are spoken in Belize." paliwanag ng tagabasa sa amin. Dalawang kalahok ang nakakuha ng tamang sagot. Ito ang Fides High School at Westwoods Academy. "Next question. What is the warmest sea in the world?" Nabigyan naman kami ng pag-asa dahil sa sunod na tanong. Si Luke na ang sumulat ng sagot. "The answer is Persian Gulf. Only two questions remain, in a while malalaman na natin kung sino ang magiging kampyon sa taong ito." kumuha na ang tagabasa ng tanong sa kahon kaya naghanda na kami ni Luke. "The question is, who discovered that penicillin could kill harmful germs?" "Wait, nabasa ko 'yan eh, hindi ko lang maalala yung pangalan ng tao," pahayag ko naman habang nag-iisip. "Hurry up, we only have 15 seconds," wika niya naman kaya nataranta na ako. Malapit nang matapos ang oras namin kaya dali-dali kong kinuha sa kanya ang board at marker at isinulat ang Alexander Fleming. "Sana naman tama," bulong ko sa kanya. "The answer is Alexander Fleming," nang sinabi ni tagabasa ang sagot, nakahinga naman ako ng maluwang. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng sobra na tila ba ay gustong-gusto kong manalo. "Fides High School at Regal High School ang nangunguna. Isang tanong nalang at malalaman na natin kung sino ang mananalo," sambit naman ng isa sa mga kalahok na hindi nakapasok sa difficult round. Tiningnan ko ang score board at tama nga siya, Fides at Regal High School ang nangunguna. "The champion is near to be found. One question remains." wika ng tagabasa at kumuha na ng question sa kahon. "Listen carefully, students! What is the world's first national park? Timer starts now!" Agad naman kaming napa-isip ni Luke. Hindi namin napag-aralan ang tungkol sa mga national parks sa mundo kaya hindi namin alam ang tungkol dito. "I know the number of parks in the world but I don't know the first national park," pangangambang pahayag ni Luke sa akin. Hindi naman ako sumagot at mariin na nag-isip. "Alam ko na!" wika ko sabay kuha sa kanya ng board at marker. Isinulat ko agad ang pangalan ng park. "Time's up!" itinaas ko na ang board. "The answer is Yellowstone National park in western US." Napatingin naman sa akin si Luke, "How did you know?" pagtataka niyang tanong. Ngumiti nalang ako sa kanya bilang tugon. Tumingin agad ako sa bulletin board at nakitang lamang kami sa Fides High School, "We are five points ahead, ibig sabihin tayo ang nanalo!" masayang wika ko kay Luke. "This year's champion is Regal High School!" masayang wika ni Professor Hedgeworth. Tumayo na kaming dalawa ni Luke at pumunta sa gitna. Nakita naman namin si Professor David na papalapit sa kinaroroonan namin na ubod ng saya. "You guys nailed it," wika niya sabay tapik sa mga balikat namin ni Luke. Binigyan naman kami ng medal at certificate ni Professor Hedgeworth, "Congratulations!" bati niya naman sa amin. Pagkatapos naming tumanggap ng medal at certificate ay bumalik na kami sa mga rooms namin para maghanda mamayang hapon. "See you later!" pahayag ni Luke sabay alis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD