49 Days Before

1995 Words
"Good morning po Mrs. Elicerio." Bati ni Shey sa ina ni Dash. "Good morning din. Alam ba ni Dash na pupunta ka dito?" Tanong ni Mrs. Elicerio. "Haha. Hindi po." Masaya nitong sabi. Napangiti na lamang si Mrs. Elicerio at sinabing umakyat na siya sa kwarto ni Dash. Pinihit niya ang doorknob sa kwarto ni Dash. Naabutan niyang nagsusulat ang dalaga sa laptop nito. Isang sikat na blogger si Dash dahil sa ganda ng mga essay at blog na sinusulat nito. Sikat siya sa mga social medias ngunit tago ang kaniyang pagkatao. Minsan na ding nabasa ni Shey ang mga likha ni Dash. Nagtataka nga din siya sa mga title na ginagawa ng kaibigan. "Hoy babae!" Sigaw niya dito upang makuha ang atensyon niya. "Bakit hindi mo sinabi sa aking nasa ospital ka ng isang linggo?!" Napanguso lamang si Dash dahil masyadong malakas ang boses ng bestfriend niya. "Hindi mo naman kasi tinatanong kung nasaan ako, kaya bakit ko sasabihin?" Muntik nang ibato ni Shey ang flower vase sa gilid niya. Ang sarap lang patayin ng bestfriend niya. "Halika nga dito Dash, para masakal kitang babae ka!" Nagsimula na silang maghabulan sa loob ng kwarto nito. Puro tawanan lamang ang maririnig sa kanila lalo na tuwing mababato niya ng unan si Dash. "Hey people!" Natigil sila nang may lumagabog sa terrace. "Warning, nandito na ang pinaka pangit na Alcantara sa buong mundo!" Anunsyo ni Dash na ikinatawa nila. "Siraulo kang mukha bakla ka ah." Sabi ni Zelo at tuluyan nang pumasok sa kwarto ni Dash. "Haha, mukha ka palang bakla Dash eh." Pang-aasar ni Shey dito. Nag-make face lang ito sa kanila at binuksan ang TV niya sa kwarto. "Ang payat mo, Dash." Sabi ni Shey nang mapansing pumayat ang kaibigan. Dati naman kasi, hindi ganito kapayat ang dalaga. "Nag-pa-pa-sexy 'yan para sa 'kin eh." Mayabang na sabi ni Zelo. Binato naman siya ng unan ni Dash. "Mahiya ka nga sa balat mo, Zelo!" Natatawa nitong sabi. "Wateber! Ikaw babae ka, anong oras ka natulog kagabi?" Tanong sa kaniya ni Zelo. "Ala una." Pagsisinungaling niya. Ang totoo niyan, hindi pa siya natutulog. Ano nga bang magagawa niya kung hindi siya dinadapuan ng antok? Ngunit, ang nakapagtataka, anim na buwan na siyang hindi dinadapuan ng antok. Kaya naman, anim na buwan na din siyang hindi natutulog. Napailing na lamang din si Zelo. Alam niyang nagsisinungaling ang dalaga. Gising siya hanggang alas dos dahil palihim niyang tinitignan ang nililigawan. Nag-ta-type lamang ang dalaga sa kaniyang laptop habang tinitignan niya kagabi. "Osya, bakit ka nga naospital, aber?" Pagbubukas muli ni Shey ng usapan. She actually don't know what to say. Kasi mismong siya, hindi alam ang dahilan kung bakit siya dinadala sa ospital. "Insomia." Sabi niya kahit na hindi naman siya sigurado. "Gago ka ba? Gaano kalala ba 'yang insomia mo at kailangan sa ospital pa?" Tanong sa kaniya ng kaibigan. "Sa ospital kasi, nakakatulog ako ng maayos." Pagsisinungaling niyang muli. Hindi nila alam na tuwing gabi, gumagala siya sa ospital at pinapasok ang mga kwarto. Nagkaroon na nga din siya ng kaibigan sa ginagawa niya. Kayalang, nakalimutan na niya kung ano ang pangalan ng mga ito. "Wow, mayaman, sa ospital natutulog." Natawa na lamang sila sa sinabi ni Zelo. Nang matapos nilang panuodin ang paboritong movie ni Zelo na High School Musical, nagkwentuhan na sila. "Hayop din 'tong si Zelo 'no? Ang bakla!" Natatawang sabi ni Dash. "Ang ganda ganda ng High School Musical eh." Pagtatanggol niya sa paborito niyang palabas. "Lakas tama!" Sabi ni Shey. "Ang sabihin mo, na-ha-hot-an ka kay Zac Efron!" Pang-aasar ni Dash kay Zelo. "Ulul! Mas gwapo at hot ako doon, Dash. Si Vanessa Hudgens ang pinapantasya ko." Sabi niya. Nagtawanan ulit sila. "Okay, I gotta go my own way na." Sabi ni Shey sabay tawa. Natawa sila sa ginawang pag-gamit ni Shey sa isang title ng kanta mula sa High School Musical. "Mabuti naman." Nakangising sabi ni Zelo. "Hoy gago, baka r**e-in mo ko." Tinakpan ni Dash ang katawan at tila prinoprotektahan ang sarili kay Zelo. "Ang kapal nitong baklang 'to." Nakangiwing sabi ni Zelo. Biglang natahimik si Dash. Napayuko siya at nang tinignan niya si Shey, nagulat siya. "Oh? Nandito ka pala?" Nanlalaki ang mga mata niya ng tinignan si Shey. Buong akala niya si Zelo lang ang nandito. "Ay ang tanga ng bestfriend ko oh." Sabi ni Shey at binato ng unan si Dash. "Paalis palang ako." Dugtong niya. Tinignan siya ni Zelo ng mariin. Anong nangyayari sa kaniya? "Sige, gogorabelsung na aketch." Natawa ulit si Dash sa ginawang pagbabakla-baklaan ni Shey. "Hoy Shey, inaagawan mo ng language si Dash." Pang-aasar ni Zelo kaya binatukan siya ni Dash. "Gago ka." Nang umalis si Shey, natahimik ang dalawa. "Dash, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Zelo sa dalaga. "Oo naman." Alangang ngiti ang ibinigay ni Dash sa kaniya. Is she really fine? She's not even sure about that. She doesn't know what's happening. She doesn't know the reasons at all. "Labas tayo." Sabi sa kaniya ni Zelo. Tumayo siya at kumuha ng jacket. "May malaria ka ba? Summer ngayon, Dash." Sabi sa kaniya ni Zelo at kinuha ang jacket na hawak niya. "Ay oo nga pala." Nakangiting sabi niya at hinayaang ibalik ni Zelo ang jacket sa cabinet niya. "Inay!" Sigaw ni Zelo. "Oh? Aalis kayo?" Tanong ng ina ni Dash sa kanila. "Oh yes, Inay." Masayang sagot ni Zelo. Nanliligaw pa lamang ito pero kung makatawag siya ng Inay sa mommy nito, wagas. "Oh, mag-iingat kayo ah. Ugh, Zelo..." Napahinto sa pag-ngiti si Zelo nang mahimigan niya ang malungkot na tono ni Mrs. Elicerio. "Zelo..." Napatingin siya dito at hinintay ang gusto niyang sabihin. Napatingin si Mrs. Elicerio sa anak at binigyan siya ng isang nakakaawang tingin. Napatingin din si Zelo kay Dash at nagtakha sa kinikilos ni Mrs. Elicerio. "Bakit po?" "Wala, wala. Ingat kayo." Napayuko si Mrs. Elicerio at tumalikod na sa kanila. "Ang weird ni Mommy, 'no?" Nagkibit balikat na lamang si Zelo. Napatingin siya ng matagal kay Dash habang sinusuri kung may mali ba dito. Something's wrong with Dash and he can't figure it out. He's still bewilder with the real reason why Dash stayed at the hospital for a week. He doesn't want to believe her because it's seems so untrue. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong sa kaniya ng dalaga. Hinawakan na lamang niya ang kamay nito at hinila palabas ng kanilang bahay. Nakangiti namang naglalakad si Dash dahil sa magkahawak nilang mga kamay. Zelo has already been courting her for a year and seven months. She doesn't know the reason why she's still not in a relationship with him. Zelo is the greatest guy ever. "Hoy Zelo, anong gagawin natin sa bahay niyo?" Tanong niya dito nang pumasok sila sa gate ng bahay ni Zelo. Ngumisi ng mala-demonyo si Zelo at tinignan si Dash. Nakapasok na sila sa loob ng bahay nito. "Susuntukin kita, Zelo!" Matapang na sabi ni Dash, ngunit ang totoo, kinakabahan na siya. "Saglit lang 'to, promise." Nakangisi pa ring sabi ni Zelo. Napasandal si Dash sa pintuan. Narinig niya na ni-lock ito ni Zelo. Napalunok siya. "Sisigaw ako, maririnig ni Mommy." Pagbabanta niya dito. "Soundproof ang kwarto ko." Husky na sabi ni Zelo. Mas lalong kinabahan si Dash. "s**t ka Zelo, kaka-graduate ko lang!" Sabi niya dito. "You're 22, pwede na ito." Sabi nito sa kaniya. Napalunok ulit siya at nag-isip ng paraan upang makatakas siya. "Gago ka! Ayoko pa!" Sinuntok niya sa mukha si Zelo. Ngunit dahil kumpara sa lalaki, mahina ang suntok niya, tumawa lamang si Zelo. "Ano ba 'yang pinag-iisip mo?" Tumatawang sabi ni Zelo. Sinipa niya ang binata sa binti at sinabunutan ito sa inis. "Aray!" Angal nito. Nang magsawa siya ay binitawan na din niya ito. "Ang sakit! Bakit ba?" Sabi ni Zelo habang hinihimas ang kaniyang ulo. "Gago ka eh!" "Aba, wala naman akong ginagawa sa'yo. Ang assumming mo." Natatawa pa rin nitong sabi. "Ano ba kasing gagawin natin dito?" Pag-iiba niya ng usapan. She wanted to do a face palm but she can't. Why is she so green minded by the way? Well, with Zelo's acts, who wouldn't? "May ibibigay lang ako sa'yo. Ang dami mo kasing iniisip kaagad eh." Pang-aasar sa kaniya nito. Inirapan niya lamang ang manliligaw. What kind of suitor is Zelo? He is so damn naughty. Umakyat silang dalawa papunta sa kwarto ni Zelo. Nang makarating sila dito, naamoy niya agad ang pamilyar na amoy. Ang pabango ni Zelo na kulay pink ang lagayan. Inilibot niya ang paningin sa kwarto nito na kulay itim ang dingding at puti ang kisame at tiles. "Crush mo na naman ang kwarto ko." Sabi ni Zelo sa kaniya. Lagi na lamang ganito ang reaksyon ni Dash tuwing pumupunta sa kwarto niya. Gustong gusto kasi nitong gawing itim din ang dingding ng sariling kwarto. "Alam mo, bumili tayo ng pintura mamaya. Pipintahan natin ang kwarto mo bukas." Sabi niya dito. Nanlaki ang mata ni Dash. Napatakbo siya kay Zelo at niyakap ito ng mahigpit. "Omg, pumayag ka din." Matagal na kasing hinihiling ni Dash na magpintura sila sa kwarto niya. Kayalang, tinatamad palagi si Zelo kaya hindi siya pumapayag. "Pogi ako eh." Pagbibiro niya. "Nako, corny na." Sabi naman ni Dash. "So, ano ang ibibigay mo sa'kin?" Tanong nito sa kaniya. Humugot muna siya ng malalim na hininga. Nagdadalawang isip siya kung ibibigay na nga ba niya o hindi. Marami kasing nagsabi na cheesy at corny ang ginawa niya. He did a survey and almost all of them said it's too corny. However, he still continue it. Nang mapagdesisyonan niyang ibigay na ito, lumapi siya sa cabinet niya. Kinuha niya ang isang maganda box at iniharap kay Dash. "Ano 'to? Brief na naman 'to, 'no?" Sabi sa kaniya nito. Napanguso na lamang siya. "Hindi 'yan brief. Buksan mo." Sabi niya. "Eh ano? Boxers na? b*a? Panty?" Pangungulit niya. "Nabigyan na kita nun kaya natural hindi." Sagot niya. Hinila ni Dash ang dulo ng ribbon upang kumalas ito. Binuksan niya ang kahon at nagulat sa nakita. Folden colored papers. She noticed the biggest pink colored paper. She opened it and read it aloud. "50 Reasons Why I Love Dash Elicerio." Napatawa siya ng mahina. "Bakit? Anong nakakatawa?" Tanong sa kaniya ng binata na parang nagsisisi na ibinigay niya ito. Dapat naniwala siya sa mga kaibigan na corny nga ito. Paniguradong tutuksuhin lamang siya ni Dash. "Ang cheesy nito ah." Sabi ni Dash habang pinaglalaruan ang mga nakarolyong papel. Napansin niyang may isa pang portion ng kahon sa loob ng kahon. Bubuksan na sana niya ito ngunit pinigilan siya ng mga kamay ni Zelo. "Hep hep, not that. Pwede mo lang 'yang buksan kapag nabasa mo na ang 50th reason." Sabi nito. Nagkibit balikat na lamang siya at binalikang tingin sa mga nakarolyong papel. "Ganito, random 'yang mga papel na 'yan. Walang sequence na kailangang sundan. Basta, sa isang araw, isang papel ang bubuksan at babasahin mo." Paliwanag sa kaniya ni Zelo. Tumango tango siya. "Bawal ko talaga buksan 'yong pink na box?" Tanong niya. Tinutukoy niya ang iaa pang box sa lamam nito. Ang dapat na hahawakan niya na pigilan ni Zelo. "Aysh, hindi nga pwede. Kapag nabasa mo na nga ang last reason, kung ano man 'yon." Sabi niya dito. "Basta, dapat kasama mo ako kapag magbubukas ka ng isa. Baka mandaya ka eh." Paalaa niya dito. "Okay," lamang ang sinagot nito sa kaniya. "Magbubukas na ba ako ngayon?" Tanong nito sa kaniya. "Oo naman, yes." Maligayang sabi ni Zelo dito. Bumunot si Dash ng isang papel. Isang kulay asul na papel na nakabalot sa isanh manipis na ribbon. Hinila niya ang dulo ng ribbon at binuksan ang papel. You makes me so damn special. When I am with you, it is as if I'm the most special guy in the world. I feel so special when I'm with you. And that is one of the reason why I love you, Dash. -Zelo Alcantara "Ang cheesy mo, Alcantara." Natatawa niyang sabi dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD