"Hoy!" Isang mahinang sigaw ang ginawa ni Zelo upang matawag ang atensyon ni Dash.
Nang mapatingin ito sa kaniya isang malapad na ngiti ang ibinigay niya. Nanatili namang seryoso ang reaksyon ni Dash.
"Alas-dos na, ba't gising ka pa?" Tanong niya dito. Sinarado ni Dash ng bahagya ang laptop niya.
"Eh ikaw? Ba't gising ka pa?" Balik niya ng tanong.
"Nagising lang ako." Pagsisinungaling niya. Ang totoo, kanina niya pa palihim na tinitignan si Dash... ulit.
"Umalis ka diyan, tatalon ako." Utos niya dito. Tumayo si Dash bitbit ang laptop at iniurong ang upuang inuupuan.
"Malaglag ka sana."
Isang lagabog na naman ang umalingawngaw dahil sa pagtalon ni Zelo.
"You wish." Sabi niya dito.
Pumasok si Dash sa loob ng kwarto kaya sumunod na din siya. Dumapa si Dash sa kama at nagtipa sa kaniyang laptop. Tumabi sa kaniya si Zelo at nag-usyoso.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya dito.
"Nakikita mo naman 'di ba?" Pagsusungit nito.
"Masungit ka 'pag gabi, ganon?" Tanong niya dito. Hindi naman siya pinansin ni Dash at nagpatuloy sa pagta-type. Of course, she is writing her newest blog.
"Every Night is a Flashback." Basa ni Zelo sa ginawang title niya.
"Ayos lang ba?" Tanong sa kaniya nito.
"Oo, anong ibig sabihin niyan?" Tanong ni Zelo sa kaniya. Nagkibit balikat lamang siya at pinagpatuloy ang introduction nito.
Everynight, I would stare at my window, with events flashing my mind.
The confusion, the hallucinations and the memories that fade, the reason for these is flashing. Everynight, I would cry. Everynight I would quietly howl. Everynight, I suffer.
"Hoy babae, ikaw ba 'yan?" Kinakabahang tanong ni Zelo. Napatawa naman si Dash ng mahina at pinagtaasan siya ng kilay.
"Lolo, natural hindi." Sabi niya. Mas lalo siyang napatawa ng mag-make face ito dahil sa tinawag niya.
"Bakit ba kasi 'yan ang tawag mo sa'kin?" Iritado nitong tanong sa kaniya. Kumuha si Zelo ng unan at hinigaan iyon habang nakadapa.
"Zelo. Zelolo." Natatawa niyang sabi. Mas lalong kumunot ang noo ni Zelo.
"Mga naiisip mo."
Isinara ni Dash ang laptop at nilagay sa side table niya.
"Saan mo tinago 'yong binigay ko?" Tanong niya. Tinutukoy niya ang 60 Reasons Why I Love You na kahon.
"Sa lagayan ko ng libro." Sagot niya.
Pumunta si Zelo sa shelf ni Dash at hinanap ang puting kahon. Nakita niya na may nadagdag na naman sa 400+ na libro ni Dash. Napailing na lamang siya. Dash is reading too much that's why she already have to wear eyeglasses.
"Bumili ka ng bago?" Tanong niya kahit na obvious naman.
"Yes. Hihiram ka?" Natatawa niyang tanong dito. Hindi kasi sila magkatulad ni Zelo. She is using the
books to escape some shitty shits in her life. 'Tsaka ang masarap kasi sa libro, some characters are perfect. Hindi katulad ng mga tao sa mundo'ng ginagalawan niya, they are all so full of flaws.
Samantalang si Zelo, ni hindi niya mapabasa ng isang paragraph man lang. Ika niya, ang haba haba na nga, English pa. t*****e daw ito sa mga gwapong katulad niya.
"Asa ka pa." Katulad ng kaniyang inaasahan, ayaw niya talaga sa mga libro.
Nang mahanap na ito ni Zelo, tumayo na din siya kaagad. "Ang boring kaya ng mga libro." Panlalait niya sa paborito ni Dash.
"Tamad ka lang talaga. Ang cool kaya." Pagtatangol niya sa mga ito. College nang magsimula si Dash sa pangongolekta ng mga ito. At halos limang taon na din siyang bumibili ng mga ito.
"Cool you're face, Nigga." Napahalakhak si Dash nang marinig niya ang Nigga. Nakakatawa kasi lalo na 'pag kay Zelo nanggaling.
"Bakit doon mo 'to tinatago? Sa closet mo 'to itago." Utos niya dito. Umupo siya sa tabi ni Dash at binuksan ang kahon.
"Magbukas ka na nga ng isa. Tutal, madaling araw na naman." Sabi niya. Nagkibit balikat lamang siya at sinunod ang sinabi ni Zelo.
Binunot niya ang kulay asul na papel. Nakarolyo ito at nakatape kaya medyo nahirapan siya sa pagbukas.
You makes my life complete. It seems so dry and dead before you came. And now that you are here, my puzzles were solved.
"Ang corny mo." Sabi niya sa binata. Nirolyo niya muli ang papel at inihulog sa kahon na nasa loob din nito. Sinabi kasi ni Zelo na ang kahon na iyon ay naglalaman ng ika-60 na rason. Sinabi din niya na ihulog sa maliit na butas ng isang kahon ang mga nabasa na niya.
"Alam ko. 'Di ka ba kinikilig?" Natatawang tanong ni Zelo sa kaniya. Pinagtaasan niya ito ng kilay.
"Asa ka."
"Nako babae, umamin ka na. I won't laugh." Mayabang na sabi ni Zelo. Napairap na lamang siya.
"Ewan ko sa'yo. Assumming." Pang-aasar niya dito.
"Akin na, ibabalik ko na." Sabi niya. Ibinigay naman ni Dash ang kahon at hinayaan na siyang ibalik ito doon.
Napatagilid ang ulo ni Zelo habang tinitignan ang isang envelope. Kinuha niya ito at binasa ang nasa labas.
"Dash, ano 'to?" Tanong niya sa dalaga. Nagkibit balikat lamang ito bilang sagot.
"Pwede kong buksan?" Pagpapaalam niya.
"Bahala ka."
Lumakad siya papunta sa kama bago ito binuksan. Tinabihan niya si Dash.
"s**t!" Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung galing saan at kung sino ang nagpadala.
"Is this serious?" Tanong niya kay Dash ngunit isang tipid na ngiti lamang ang iginanti ni Dash.
"It's your favorite publishing company." Sabi ni Zelo.
"Bakit hindi nalang sila nag-email?" Nagtatakha niyang tanong. Karaniwan kasi, sa e-mail na lamang nag-se-send ang mga publishing company kung nais nila ang pinasa mong manuscript.
"Nakailang e-mail na sila," Sabi ni Dash. Kinuha niya ang unan at tumingin kay Zelo.
"Pwede pahiga?" Pagpapaalam niya. Inihanda ni Zelo ang kaniyang hita at hinayaang humiga si Dash doon.
"Bakit nag-send pa ng ganito?"
"Hindi ako nag-re-reply." Nagulat siya sa sinabi ng dalaga.
"Bakit naman? This is your dream right?" Tandang tanda niya pa noong college pa lamang sila. Palaging binabanggit ni Dash ang pangalan ng publisher na ito. Dahil mahilig mangolekta si Dash ng libro, nahilig na din siya sa pagsusulat. Sawang-sawa na nga si Zelo sa kakapakinig sa sinasabi ni Dash. Sabi niya, nais daw niyang makapag-publish ng gawa niya sa publisher na ito.
"Basahin mo." Sinunod naman niya ang sinabi ni Dash. Binasa niya ang kabuuan ng sulat.
"Wow!" Sabi niya ng mabasa na niyaya ng publisher na ito na mapasama si Dash sa team nila.
"Dash, ito na 'yon!" Masayang sabi ni Zelo. Kahit na hindi naman niya ito pangarap, masayang masaya siya. Makita lamang niyang natutupad ni Dash ang mga pangarap niya, masaya na siya.
"Sa London 'yan." Malungkot na sabi ni Dash. Napakunot ang noo ni Zelo. Gustong gusto ni Dash na makapunta ng London, pero bakit mukhang umaatras siya.
"So? Pangarap mo din 'yon." Pagpapaalala niya dito. He doesn't understand her. Her dreams are finally here, in front of her, knocking. But her she is, seeking for a reason to avoid her dreams.
"Malayo." Mas naging malungkot niyang sabi.
"Ano ngayon? Dash, kung iniisip mo na mahihirapan ako sa LDR, p'wes hindi." Napatawa naman si Dash sa sinabi ni Zelo.
"Why are you so assumming?" Tanong niya dito.
"Eh, ano ba kasing dahilan mo?" Naguguluhan niyang tanong.
"Isang taon kasi 'yong kontrata." Sinilayan niya ang mukha ni Dash, she seems so... vulnerable.
"Oh? Maikli lang pala eh." Sabi niya.
"Huh? Hindi kasi aabot."
"Aabot saan?" Nagtatakha niyang tanong.
"Hindi kaya, Lolo."
"Anong hindi kaya?" Hinawakan niya ang pisngi ni Dash at hinuli ang mga mata niya. Tinitigan niya ang mata ni Dash na puno ng hindi maintindihang emosyon. What is this? Why is she so sad? What's with London? What's with a year of not staying here?
"Wala." Binigyan siya nito ng isang tipid na ngiti. Tumayo si Dash at kinuha ang unan.
"Anong balak mo?" Malungkot na tanong ni Zelo. He doesn't know the reason for this. He just can't understand Dash's reasons.
"I'll stay here, Lolo. I'll stay by your side." Hindi niya alam kung bakit biglang naging mabigat ang kaniyang puso. Sa mga sinasabi ni Dash, parang unti-unting winawasak ang puso niya. Parang unti-unting dinudurog ang pagkatao niya.
"Huh?" 'Yon na lamang ang nasabi niya. Huminga siya ng malalim upang mawala ang bigat sa puso niya but nothing happened.
"Wala, sabi ko ang ganda ko." Humagikgik si Dash. Napangiti naman si Zelo, medyo gumaan ang pakiramdam niya ngunit hindi nawala ang nakadagan sa puso niya. Kinakabahan siya sa hindi malamang kadahilanan.
"Ang kapal talaga ng mukha mo. Hindi ka talaga aware na mukha kang bakla?" Pang-aasar niya dito. Sumama bigla ang timpla ng mukha ni Dash at binato siya ng unan.
"Napaka sama mo talaga." Sabi nito.
Napatingin si Zelo sa wall clock sa itaas ng kama ni Dash. It's already 3:05 in the morning.
"Jogging tayo." Bigla niyang sabi. Napatingin si Dash sa suot nilang damit.
"Nakapajama lang?" Tanong ni Dash. Bahagya silang napatawa nang ma-imagine ang itsura nila.
"Go!"
"Kaya mo bang tumalon?" Tanong ni Zelo, hinampas naman siya ni Dash.
"Anong akala mo sa'kin lalaki?"
"Hindi, akala ko bakla ka." Pinukpok siya ni Dash sa ulo gamit ang kamay.
"Nakakabwisit ka talaga! Hindi naman ako mukhang bakla." Napangusong sabi ni Dash. Hinila ni Zelo ang nguso niya kaya nagpapalag si Dash.
"Masakit!" Reklamo nito, napatawa na lamang sila.
"Sa baba na tayo dumaan." Sabi ni Dash.
"Baka magising si Dad, baka mamatay ako nang maaga." Pagbibiro ni Zelo. Medyo istrikto kasi ang ama ni Dash, ngunit dahil matagal na nilang kakilala si Zelo, ayos lang dito. Close sila pero hindi kasing close sa nanay ni Dash.
"Hindi 'yan."
"Baka pagalitan tayo ng mommy mo."
"Hindi din 'yan." Nagkibit balikat na lamang siya at binuksan ang pintuan sa kwarto. Bumaba sila papunta sa sala. Halos mamutla si Zelo nang makita niya ang tatay ni Dash na nagbabasa ng libro sa sala.
"Shit." Hindi niya alam ang gagawin niya. Kinakabahan siya sa pwedeng sabihin nito. Paano naman kasi siya napunta sa kwarto ni Dash.
"Daddy." Bati ni Dash sa ama. Nilingon sila nito at pinagkunutan ng noo.
"Saan kayo pupunta?" Tanong nito sa kanila. Napalunok si Zelo.
"Mag-jo-jogging po." Sagot ni Dash. Tumango tango ang ama ni Dash at ibinalik ang tingin sa librong binabasa. Nawala ang kaba ni Zelo dahil doon. Lumakad na sila papunta sa pintuan.
"Zelo." Tawag sa kaniya ng ama ni Dash. Halos mamutla naman siya sa tono nito.
"Bakit nasa kwarto ka ni Dash?" Halos malaglag ang puso niya nang tinignan siya nito. Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o magsasalita. Hindi naman niya pwedeng sabihin na tumatalon siya sa terrace ng kwarto ni Dash.
"Pumasok po ako, sinundo ko po siya." Paliwanag niya. Ngumiti siya ngunit halatang kinakabahan. Kumbaga, ngiting natatae.
"Saan ka pumasok? Parang hindi kita napansin. Dito ako natulog sa sala dahil dito ako pinatulog ni Sam." Sabi nito. Mukhang may away mag-asawa pa ang dalawa.
"Sa kitchen siya pumasok, Dad." Pagsingit ni Dash. Halos sambahin siya ni Zelo dahil sa paliwanag niya. Kaunti na lamang ay maiihi na si Zelo sa kaba. Dash's dad is his biggest fear.
"Ah sige, mag-ingat kayo." Nakahinga siya ng maluwag nang sabihin ito ng ama ni Dash.
Lumabas na sila. Malakas na tawa ang pinakawalan ni Dash.
"Ba't ganoon ang mukha mo kanina?" Pangangasar ni Dash. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Siraulo ka." Sagot na lamang niya.
Nagsimula na silang maglakad patungo sa park kung saan sila madalas mag-jogging.
"Nakakatakot talaga tumingin ang tatay mo." Sabi niya. Napatawa ulit si Dash.
"Hindi kaya, sadyang duwag ka lang." Natatawang sabi nito.
"Lalo na nung nagpaalam ako kung pwede kang ligawan, grabe." Naalala niya nang magpaalam siyang manligaw kay Dash. Tinanong siya nito kung kaya ba niyang buhayin si Dash. Para tuloy namamanhikan na siya ng mga panahong iyon.
"Pinagsibak ka ba ni Dad ng kahoy?" Tanong ni Dash dito.
"Hayop, oo." Pinagsibak siya ng kahoy kahit na hindi naman nila ginagamit ang kahoy sa pagluluto. Para bang gusto lamang siyang mahirapan nito.
"Pinag-igib pa ako ng tubig kahit na may linya naman kayo ng tubig." Sabi nito. Hindi kasi alam ni Dash ang mga pinagawa sa kaniya ng tatay nito dati.
"Alam mo ba kung anong pinapuno niya sa akin? 'Yong swimming pool niyo Dash, 'yong swimming pool!" Natatandaan niya pa kung gaano kasakit sa likod ang pag-iigib mula sa CR nila papunta sa swimming pool nila.
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Dash, tanging masamang tingin lamang ang naiganti ni Zelo.