Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit na medyo kulang pa ang tulog ko. Bumangon na ako mula sa kama at maya maya ay may napansin akong nakalapag sa may maliit kong lamesa. Nagulat naman ako nang makitang ito ‘yung bongkus puting rosas na ibinigay sa’kin ni Matthew kahapon na nakalimutan kong kunin. Napansin ko na may isang kakaiba ang kulay rito, isang pulang rosas. Wala namang ganito kahapon ah. Napapaisip tuloy ako kung papaano napunta ito sa kuwarto ko. Wa’g mong sabihing umakyat na naman siya rito sa kuwarto ko? Maya maya ay tumunog ang phone ko. Mukhang may nag-message na naman. From: Matthew Good morning, my love. Hope you see those roses. See you later and will be waiting for you here Napaisip naman ako sa nabasa kong message niya. Waiting? Saan naman? Lumabas ako

