"I like you, Aiden." 'Yan ang mga salitang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko. Kahit ilang oras na ang dumaan nang huli naming pagkikita, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga salitang iyan. "Hoy Ate! Ano bang problema mo at kanina ka pang nakangiti d'yan na parang tanga?" Sigaw sa'kin ng kapatid kong kasama kong nanunuod ng TV dito sa sala. "A-Anong nakangiti ka d'yan? Syempre nakakatuwa 'yung pinapanood natin, kaya ako nakangiti." "Ate balita ang pinapanood natin. Ano namang nakakatawa sa naibabalitang murder? Demonyo ka ba?" "T-Tumigil ka na nga lang d'yan. Manuod ka nalang!" Sita ko sa kapatid ko. "Eh paano kanina ka pa tinatawag ni Mama 'dun sa kusina pero mukhang nabingi ka na ata." Sabi naman ni Jake. "Che! Lungkot kasi ng buhay mo!" Sigaw ko sa kanya bago siya iwan para

