Chapter 15: Mall

1691 Words

“Bessy, samahan mo ‘ko sa mall,” pakiusap ni Gabby sa akin. “Ano namang gagawin mo do’n?” tanong ko. “Wala naman. Gusto ko lang mag-shopping ng damit,” sagot niya. “Pupunta ka pang mall eh puwede namang magukay-ukay ka nalang para mas tipid sa gastos,” sabi ko naman. “Siyempre minsan lang naman akong nakakabili ng mga gamit sa mall kaya gusto ko namang bumili do’n,” sagot niya. Isa talaga sa hilig gawin ni Gabby ay ang mag-shopping pero kadalasan ay sa mga tiangge o ukay din lang ang bagsak niya. “Pagbigyan mo na ako, ngayon lang naman eh,” pakiusap niya ulit. Maaga kasi ang uwian namin kaya may ganang magyaya si Gabby. “Oo na basta huwag lang tayong magabihan,” pagpayag ko. “Thank you, Bessy. ‘Di bale kung may nakita akong babagay sayong damit ililibre ko na para sa’yo,” sabi ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD