... Nakailang tawag na ako kay Matthew pero mukhang nakapatay ‘yong cellphone niya. Medyo humupa na ang malakas na ulan na kanina pa bumubugso pero ‘di ko pa rin maiwasang mag-alala kay Matthew kung ano nang nangyari sa kan’ya, kung nakauwi ba siya ng ligtas. Gabi na rin kasi at malamang ay pauwi na sila Mama rito. Naalala ko naman ang mukha ni Matthew kanina bago siya umalis. Kitang-kita talaga kanina galit na galit siya na para bang mananapak na siya. Nakaramdam tuloy ako ng konsensiya. Kung hindi ko nalang sana pinatulan ‘yong mga ‘yon, wala sana ganito at nando’n sana ako sa tabi ni Lola Nena ngayon. Maya maya ay dumating na ang kotse ni Papa na sakay si Mama. Nandito kasi ako sa may labasan kaya nakita ko agad. “AJ, anak,” tawag sa’kin ni Papa. “Ba’t ‘di niyo po kasama si Jake

