I closed my eyes as I savored the salty smell of the ocean and it's relaxing sound...
Hearing the salty water crashes into shore and kisses the sand. The sound of the birds chirping, flapping their tiny wings up in the sky... and the sound of the palm tree leaves swaying and dancing against the rhythm of the wind. The fresh sea breeze and the light six a.m. sun rays greeted us as we got out of the van. It's so good to be here...
We're here in Cebu. At sa isang resort dito gaganapin ang Golden Anniversary ni Mr. and Mrs. Yukimoto. We checked-in, in a high end hotel dito sa resort. Magbo-book sana kami ng dalawang room under our names but I think Mr. Yukimoto mistakenly interpret my relation with Arturo.
Ang ganda ng smile ng front desk employee, pero si Arturo lang ata ang hinahandugan nito ng kaniyang magandang ngiti. That saddened me. I deserve to be greeted warmly too.
"Uh, Ma'am Turizo, Sir Del Marcial. Mr. Yukimoto already reserved a deluxe suite for the both of you."
"Dalawang beds ba, miss?" paninigurado kong tanong dito.
"Isa lang, ma'am," mabilis niyang tugon sa'kin sabay baling sa katabi ko. Nag-beautiful eyes pa ito.
Bahagyang bukas ang bibig ko na tumango. "I see. Uh, kukuha nalang ako ng isa pang room. Iyong pinakamura na suite nalang," sabi ko sa receptionist.
"I'm sorry, ma'am but we're already fully booked because it's the peak season of the year. Sadly, there are no more rooms available, ma'am."
Napaface palm nalang ako sa sitwasyon na kinasasadlakan ko ngayon. Malas. Wouldn't it be awkward na magkasama kami sa iisang kwarto? And goodness! I'm conservative.
Hindi maaaring magsama ang isang babae at lalaki na sila lang sa iisang kwarto kung hindi magnobyo. But odds have its way of mocking us.
"Where's the key?" tanong ni Arturo sa receptionist.
Nagulat 'ata ang babae nang magsalita si Arturo dahil nanlaki ang mga mata nito at nagkukumahog ito ngayon na kinuha ang susi ng suite namin. Nanginginig pa ang kamay na ibinigay ang susi kay Arturo.
"What floor, miss?" tanong ulit ni Arturo dito.
"S-sir?" ani ng receptionist. Namumula pa ang pisngi nito at iniipit ang kaniyang takas na buhok sa gilid ng tenga.
"In what floor-"
Imbes na panoorin ang malatelenovelang pangyayari sa harap ko ay nauna nalang ako papunta sa elevator dahil may nakitang matanda na nahihirapan hilahin ang bagahe niya.
"Tulungan ko na po, kayo," sabi ko kay lola.
Inangat nito ang tingin sa akin. "Salamat, hija," mabagal niyang sabi.
Sumunod naman agad si Arturo at siya na ang nagpindot ng floor. Tapos na siguro silang magchikahan ni ateng receptionist.
Maya-maya lang ay tumunog ang elevator hudyat ng pagdating namin sa tamang palapag na paroroonan namin. Nasa ibabang palapag si lola at nauna nang lumabas kanina.
Nang buksan ng kasama ko ang kwarto na ini-reserve ni Mr. Yukimoto ay bumungad sa amin ang sala. It has a very beautiful chandelier hanging above the ceiling. The wall is painted with cream and the room is quite luxurious and spacious. Deluxe suite ba naman.
Agad nagpunta si Arturo sa kwarto para ilagay at ayusin ang laman ng mga bagahe namin. Nang silipin ko ay isang large double bed nga lang ang meron.
Naisipan kong dumiretso nalang sa balkonahe. Inililis ko ang manipis na kurtina at binuksan ang sliding door.
It is truly a sight to behold. Napakaganda ng lugar at payapa. The light blue sky and the turquoise ocean says it all. May nakita akong mga nakahilerang mga stall na nagbibenta siguro ng mga pampasalubong. There are also resto's and bars around the vicinity.
"You okay in there?"
Nilingon ko ang nagsalit at nakita ito na nakapamulsang nakasandal sa may sliding door. "Yeah."
"Nagpadala na ako ng pagkain dito para hindi na tayo bumaba. And for you take a rest immediately. You look tired," aniya.
Nang sinabi niya iyon ay naramdam ko na nga ang pagod dala ng biyahe.
Pumasok na kami at naglibot ng kaunti para tingnan ang kabuuan ng suite ng may nagdoorbell. Iyan na siguro ang pagkain. Hinimas ko ang tiyan kong tumutunog. I'm famished.
Tahimik lang kami hanggang sa matapos kaming kumain. Maya-maya lang ay nagpahinga na rin ako.
Nang magising ako ay alas-dose na ng hapon. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Arturo. Hinanap ko ito ngunit wala akong makita ni bulto nito sa suite. Naligo nalang ako at nag-ayos dahil plano kong mamasyal sa resort. I wore a white maxi dress paired with slippers. Inilugay ko ang buhok kong hanggang beywang. I love my hair. It's straight from the scalp down the middle and the tip is naturally curly.
Naglagay ako ng sticky note sa may refrigerator para ipaalam kay Arturo kung saan ako pupunta kung sakali mang maabutan niya ang suite na walang tao at hindi pa ako nakakabalik.
Habang naglalakad sa may baybayin ay inililipad ng hanging dagat ang buhok ko. Kung may camera man na nakatutok sa akin ngayon aakalain kong nagsho-shooting ako ngayon ng pang music video.
I picked a pebble and threw it at the water. It jumped only three times. Hay...'di pa rin ako magaling sa pagpapatalbog ng bato sa tubig.
My parents and I used to do it before when I was a kid. Papá's good at this. He can make a stone jump seven times. Napangiti nalang ako habang inaalala ang mga magagandang memorya ko kasama ang mga magulang ko noong bata pa ako. I didn't reminisce that much. Nagpunta nalang ako sa mga stalls para tumingin sa kanilang mga paninda.
I saw a cute anklet na pwedeng lagyan ng pangalan. I bought two at ipinasulat doon ang pangalan ko at ni ayrturo. That'll be my thank you gift for letting me stay at their house.
"Para ba 'to sa iyo at sa nobyo mo, ganda?" tanong ng tindera sa akin.
"Ay nako, hindi po! Wala po akong nobyo. Para po iyan sa kaibigan ko. Regalo bilang pasasalamat," paglilinaw ko sa tindera.
Makahulugan itong ngumiti sa akin. Medyo may pagka echosera si ate. Si Arturo, nobyo ko? Tss. Eh wala nga akong gusto do'n eh.
'Weh... Wala talaga, sure ka dai?'
Well... Slight lang? Slight lang naman. Hay nako! Ang hirap maging abnormal. Nakikipag-usap na ako sa sarili ko. Napabuntong-hininga nalang ako at ibinigay ang bayad kay ate bago tumingin muli sa mga paninda.
"Heto po ang bayad. Salamat."
"Salamat 'din, ganda."
Binilhan ko din si manang Tess ng sarong. Magagamit niya 'to kapag mamalengke siya. Binilhan ko na din sila nana, Linda at iba pa sa Las Cosas. Ipapadala ko nalang. Siguradong magugustuhan 'to ng babaeng bakla na si Lindarisma lalo na at hayok 'yon sa mga pasalubong.
Pabalik na sana ako sa hotel nang may makita akong tumalon sa may bangin na hindi masyadong kalayuan mula dito. May cliff diving pala dito? Imbes na dumiretso sa hotel ay naisipan kong tingnan muna ito sandali.
Medyo may kahirapan ang daan paakyat, makipot ito at matirik. I stumbled many times while walking my way up to the cliff. Worth it naman ang mga konting galos na natamo ko nang makarating ako sa taas. Ang ganda ng view! Medyo mapuno dito sa itaas. Nasa unahang bahagi siguro 'yong mga nakita kong tumalon dahil walang katao-tao dito sa narating ko.
I heard the birds chirping and the sound of the waves. Naglakad ako at tiningnan kung gaano kalalim ang cliff. I can't estimate it but I'm sure it's so deep. Nang mag-angat ako ng tingin ay may nakita akong isla sa tapat. Ang ganda... This place is fantastic!
Naupo ako sa may puno sandali at sumadal doon. Tiningnan konang galos ko. Hindi naman ito gaanong kalakihan kaya ibinaling ko nalang ang tingin sa tanawin sa harap ko.
Dio, I could even live here! If only I brought a guitar with me sobrang sarap siguro ng experience ko dito. But nevertheless it's still amazing with or without a guitar.
Anong isla kaya ang nasa tapat? Maliit lang ito kung titignan pero nasisiguro kong mala-paraiso ang lugar na iyan. It's like a view that's drawn out from a painting
"Beatris?"
Napabalikwas ako ng marinig kong may mahinang tumawag sa akin.
Tiningnan ko ang paligid ngunit walang tao pero may naririnig akong kaluskos.
"Arturo? Ikaw ba iyan?" tawag ko.
No one answered. Sino iyong tumawag sa akin? M-multo ba iyon? Medyo kinabahan ako sa naisip ngunit matapang akong tumayo para tignan kung saan nanggaling ang kaluskos. I stepped back when I heard a grunt. I'm sure I'm not alone here right at this moment. Ngunit sino ang ibang nandito maliban sa akin?
Inililis ko ang mga sanga na nagkumpulan at mga dahon. Bumungad sa akin ang mukha ni Arturo na namimilipit sa sakit.
"Arturo!" Agad ko itong dinaluhan ang tinulungang bumangon. Pinagpag ko mga dahon na dumikit sa board shorts niya at sa malapad likod at dibdib at sa bitak-bitak niyang abs— H-huh?! Agad kong binawi ang mga kamay ko ng mawari kong nakahubad pala ito. He's half naked for goodness sake! And...and...that body must be illegal!
Napayuko ako nang maramdam ang pag-akyat ng dugo ko sa aking mga pisngi.
"A-ah, anong g-ginagawa mo pala dito?" nakayuko pa rin ako habang nagtatanong. And I'm stuttering!
He's standing in front of with all his might. Napapadako ang tingin ko minsan sa katawan niya pero pinipigilan ko ang sarili ko. Nagmumukha akong manyak. Conservative nga ako diba? Conservative nga ba?
"I saw you a while ago. I called you but you didn't hear me."
Napatalon ako nang bigla niyang hinila ang braso ko.
"Tss. Nagkapasa ka pa. You should've told me that you want to come here para nasamahan kita."
Marahan kong binawi ang braso ko ngunit hinigpitan nito ang pagkakahawak sa'kin. I sighed and looked at him. His face is plastered with irritation and concern.
"Wala ka kasi nang magising ako kaya naisipan ko nalang maglibot sa lugar. Naglagay naman ako ng sticky note sa ref. Pasensiya na."
His stare is too much to handle kaya napayuko ulit ako. Nagmumukha na akong kuting nito na takot sa aso. Isang sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan namin bago ito nagsalitang muli.
"Let's go, gagamutin natin 'to."
"Teka lang may kukunin lang ako." Bumitaw ako sa kanya at binalikan ang mga pinamili ko na nakalapag sa lupa malapit sa may puno.
Habang hila-hila niya ako ay napansin ko ang pagdurugo ng siko niya. Kaya hinila ko pabalik ang kamay naming magkadaop para mapahinto ito sa paglalakad. He halted and looked at me.
"May pasa ka rin, Arturo. Nagdurugo pa."
He stared at me for a while before turning his gaze to his wound. "That's nothing. Halika na."
I made a mental note na gagamutin ko muna ang pasa niya bago sa'kin. Galos lang naman ang meron ako, mas malala sa kanya.
"A-argh!"
Tignan mo 'tong lalaking 'to, ang laki ng katawan pero takot sa alcohol.
"Akin na ang siko mo, Arturo."
My face is stoic while ordering him to lend me his arm.
"No. Ayoko, Beatris. That alcohol is f*cking possesed!"
Naikot ko ang mga mata ko dahil sa kaartehan nito. Eh, paano kung mainpeksiyon 'yang sugat niya? Kanina pa siya nagrereklamo na may sa demonyo daw ang alcohol na ito dahil sobrang hapdi daw. Nagtalo pa kami dahil gusto niyang gamutin daw muna ako, pero matigas ang ulo ko at hindi nagpatalo kaya siya ngayon ang ginagamot ko.
Medyo nakonsensiya naman ako dahil kasalanan ko kung bakit nagkasugat siya. Kung hindi niya ako nakitang umakyat papunta sa may bangin hindi siya mag-aalala na sundan ako.
"Akin na, Arturo. Huli na 'to tapos ako naman ang maggagamot sa sarili ko."
"No." His jaw clenched upon saying the word. Nasa mukha niya ang disgusto dahil sa sinabi ko.
"Ako ang maggagamot sa'yo, Beatris. Now put that f*****g alcohol in this d*mn wound para matapos na," maldito niyang wika.
I sighed. Mahina kong dinampi ang cotton na may alcohol sa gilid ng sugat niya. His veins is protruding because he's clenching his fist too much. Ipinaikot ko ang benda sa may siko niya dahil hindi kakayaning tabunan ng band-aid ang sugat na natamo niya.
"There. Tapos na, Arturo... huwag ka nang umiyak ha?" Nilambingan ko ang boses ko na parang kinakausap ang isang bata at napahalakhak ng kaunti.
Nang mag-angat ako ng ulo ay ayan na naman ang nagbabaga niyang tingin, like it's seeping through the deepest pits of my soul.
"At last. Now come closer and let me treat your wounds, Beatris." His voice is deep and husky, like a bedroom voice. And we're literally in our bedroom! I mean the room that we are sharing— the suite— whatever! Basta! Nasa kwarto kami ngayon. What am I even saying?
Marahan niyang hinawakan ang braso ko. Bago ko siya ginamot ay hinugasan muna namin ang mga sugat namin. The way he hold me is added with extra care. Like he's holding a fragile thing, afraid that I might break. Sa payat ko ba namang ito ay talaga magmumukha akong patpat 'pag hinawakan niya.
Napabalikwas ako ng kaunti ng idinampi niya ang cotton sa mismong sugat ko! Hay naku, Thaddeus Arthur!
"Sa gilid ng sugat mo lang idampi, Arturo. Hindi sa mismong sugat."
He looked at me with a mouth hanged open. "O-oh, sorry. D*mn it." Ibinulong niya ang huling salita. But still, I hear him curse every second.
Tinitigan ko nalang siya habang nakayuko at focus sa paggamot sa'kin. He put a band-aid after putting an alcohol on my wounds. Iniligpit namin ang mga gamit pagkatapos..Agad akong tumayo nang maalala ang binili ko kanina. Bumalik ako sa kama kung saan ito nakaupo.
"Here. Thank you and... sorry," mahinang usal ko dito. Inilahad ko ang anklet na may nakalagay na 'Arturo'.
Tumigil ito sa pagliligpit at tiningnan ako tapos sa anklet. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa akin at sa bagay na hawak ko. His lips is shaped in a flat line.
Ayaw niya ba sa regalo ko? Nachi-cheapan siguro siya dito. Nang akma ko nang ibababa ang kamay ko ay pinigilan niya ito. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa pulso ko at mataman akong tinititigan.
Ilang sandali ang lumipas bago ito sumagot. "What's that for?"
"I-Its a thank you gift, for letting me stay in your manor. And I'm sorry if I caused you trouble. Nasugatan ka padahil sa'kin. I'm sorry," mahina kong usal habang nakayuko. I can't stand his stares so I opted to bow my head down.
I felt him touched my jaw and raised my head sightly. Malambot na ang ekspresiyon ng mukha nito hindi katulad kanina. Bumilis naman ang t***k ng puso ko nang magtama ang mga mata namin. Nakakahumaling talaga ang abuhin nitong mga mata.
He then touched cheek and caressed it. Inilapit at inilebel nito ang kaniyang mukha sa akin.
"You don't have to say sorry, Beatris. I should be the one saying that. I shouldn't have left you. This wound is nothing compared to the worry I felt earlier. Nang tumira ka sa puder ko nasa ilalim ka na ng pangangalaga ko, Beatris."
I don't know how to react. Rats are running inside my heart that made me feel like I'm having a heart attack. My head's in turmoil and I felt like I'm falling... Fast and deep. I'm drowning, Arturo. And it's scaring the hell out of me.
His last words were said in whispers but I still heard them...clearly. Isinandal niya ang kaniyang noo sa akin dahilan upang mapapikit ako. Magkaka-high blood yata ako dahil aa lalaking 'to kahit na anemic ako.
"I'm gonna protect you and take of you, Mi Amada. For as long as I am breathing."
Then he crashed his lips...into my forehead.