Capitulo Diecinueve

2377 Words
New year has gone by, and just like Christmas, we celebrated the Year of the Metal Rat with a smile. Umuwi ako ng Las Cosas at doon ipinagdiwang ang bagong taon kasama sila nana. But sadly papá was still overseas. Now I'm back here in Manila and the work continues... "Here's the report for the monthly sales, Sir. You also have a meeting with Mr. Yukimoto at two this afternoon." He's face was facing the papers, studying the business proposal. "Nothing else?" tanong nito habang nakayuko pa rin. "That's all Sir." I closed the notebook that contains all of his appointments. Subsob ito dahil sa mga nakatambak na trabaho mula pa 'nong nakaraang taon. When we got back from the Holiday break, tambak-tambak na mga papeles sa opisina ni Arturo ang bumungad dito. Napabuntong hininga ito at inilapag ang panulat sa lamesa. Sumandal ito sa upuan at itiningala ang ulo. Working in a well and airconditioned office, facing papers, attending meetings, finding a potential investors is not an easy job. Hindi ito pa petiks-petiks lang. Karamihan ay gustong mag-trabaho sa opisina dahil daw "nakaupo lang at nakaharap sa computer". But just like other works it's also tiring and it requires perseverance and hardwork para tumagal sa trabahong ito. There's no such thing as an easy job. Pati pagnanakaw ay mahirap, It's risky! Kidding aside. But seriously, lahat ng trabaho ay pinaghihirapan, pero mas worth it ang hirap kung wala kang tinatapakang tao at legal ang trabaho mo. Pero minsan dahil sa mga mahal natin sa buhay kinakalimutan na natin ang tama at mali kung kapakanan nila ang nakataya. "Lunch na tayo, dai!" Sumulpot bigla ang bakla sa kusina. "May ibibigay muna ako kay Sir, maupo ka na diyan." Tumayo ako kinuha ang lunch box na inihanda ni manang kaninang umaga para kay Arturo. Tumulong 'din naman ako... sa paglalagay ng kanin sa lagayan. I knocked at his door and waited for the signal before going in. "Come in," his voice was faint but enough for me to hear. Nang makapasok ay itinaas ko ang hawak kong lunch box. "Lunch?" He groaned at isinubsob and ulo sa lamesa pero agad din namang iniangat. "Food at last!" Napahalakhak ako sa reaksyon nito nang makita ang hawak kong pagkain. Naglakad ako papalapit dito at maingat na inilapag ang lunch box sa lamesa nito. Sinigurado kong walang masasaging papeles. "Here. Niluto ni manang 'yan kanina. Hindi niya naibigay sa'yo dahil maaga kang umalis." Hindi kami nagkasabay kaninang pumasok dahil may importante daw itong lalakarin. "Thanks. Sabayan mo na ako." "Sa pantry nalang ako. Naghihintay sa akin si Elena doon." I bowed a little at nagpaalam nang aalis, pero ganun nalang ang gulat ko nang agad itong tumayo at kinuha ang lunch box. Nilagpasan ako nito ngunit natigil sa pagbukas ng pinto nang mapansing natuod ako sa kinatatayuan ko. "What are you still doing there?" "Huh?" He tsked and motioned me to follow him. Nawi-weird-uhan ko nalang ito sinundan. "Sasama akong kakain sa inyo sa pantry." Napatanga ako sa tinuran nito. Sasama siyang kakain sa amin? Eh akala ko nga kanina tatanggihan nito ang inalok kong pagkain dahil sa restaurant ito kakain dahil doon ito laging nagtatanghalian. Pero ang makisabay sa amin magtanghalian sa pantry? Wow! That's new. Nakakapanibago. Nakangangang napatango nalang ako at tahimik na naglakad papuntang pantry. "Hay salamat! at nandiyan na ang babaita gutom na gutom na aketch, da-" Hindi nito natapos ang sasabihin at nabulunan pa sa sariling laway. Nang mahimasmasan ay tumayo ito at ngumisi ng malaki sa harap ni Arturo. I've already expected that reaction from him. "Ay! Sir boss pogi! Hallu hallu! Ano pong maipaglilingkod namin ng babaita kong frenny? You want coffee Sir? Tea or... Me?" Napairap nalang ako sa sinabi ng bakla. "Kakain siya kasama natin," sabat ko. Elena's already big eyes widen upon my statement. He covered his mouth with both his hands. And yeah... he's over reacting. Tss. "Tologoooo?" Nirolyo ko ulit ang mga mata ko. Tuluyan na atang mapupunta sa likod ang pupil ng mata ko kakairap. I can't blame him. We almost had the same reaction. Kinimkim ko nga lang 'yong akin. "Maupo na kayo at maghahain ako." Chinika ng bonggang bongga ni Elena si Arturo kaya hindi talaga mabo-bore 'yun. Maiirita lang siguro Hahaha. Elena and his charms, what else can I say? We prayed and blessed the food. Ngunit bago pa man kami makakain ay pumasok si Henry at nakisabay sa aming kumain. "Uh... Hi. Pwede ba ako makisabay?" nahihiyang sabi niya. "Sure! Sure, manager. Dito ka. Dito." Si Elena na ang sumagot dito. Naiilang ako sa tension na bumabalot sa amin. Naiibsan lang 'yun dahil sa boses ni Elena na parang kambing na kinakatay. Kinikwento kasi nito yung mga karanasan niya at heartbreaks sa past boyfriends niya. Si Arturo nama'y tiim bagang kung kumain ewan kung nginunguya niya pa yang pagkain sa bibig niya dahil maya't-maya ito kung magbigay ng matatalim na tingin kay Henry na siyang katabi ko. Kibit-balikat lang naman si Henry at 'di na pinapansin ang death glares ni Arturo sa kanya. 'Di ko alam kung saan hinuhugot ni Arturo ang pagkadisgusto niya kay Henry, eh ang bait nung tao. Baka... gusto niya si Henry? Nabulunan ako dahil sa naisip. Tinapik-tapik ko ang dibdib ko at umubo, nang biglang may dalawang baso ng tubig nasa harap ko. I looked at Arturo and Henry who are looking at each other sabay baling ng tingin sa mga baso. Luckily, Elena saved me from that awkward situation. "Ah... Hehe. Mga pogi akin na lang yung isa inuubo din ako eh," he interrupted and faked a cough. Kinuha niya ang baso na inilahad ni Arturo sa akin kaya wala akong nagawa kundi kunin ang inabot na tubig ni Henry. I thanked him and reached for the glass. "You're welcome," aniya. "Salamat ng marami, Sir Boss Pogi hihi." "Welcome." He cleared his throat. Napatingin kaming nasa mesa nang tumayo ito at inayos ang coat. "Busog na ako. Mauuna na ako, excuse me," ani Arturo. Agad itong tumalikod at pumasok sa kanyang opisina... ng padabog. Seriously? What's happening with you, Thaddeus Arthur? "Babaita!" Napalingon ako kay Elena at tinakpan ang tenga nang marinig ang pagsigaw ng pangalan ko. "Ba't ka sumisigaw?" "Eh, kasi naman dai kanina ka pa tinatanong ni fafa Henry tapos 'di mo pinapansin." He rolled his eyes and flipped his imaginary hair. I looked at Henry and gave him an apologetic smile. "Sorry. What is it?" He smiled and said... "How are you?" Nagpatuloy ako sa pagkain. "Ayos naman 'eto, tambak sa trabaho. Ikaw?" He sheepishly smiled. "I'm good too. Anyways, thank you nga pala at p-pinaunlakan mo ang paanyaya ko." "Ay! May ganern na ganapan?! Anong paanyaya 'yan babaita?" sabat pa ni Elena sa aming usapan. Gusto kong mapahilot sa ulo ko. Noong umalis si Arturo akala ko tapos nawala na ang awkward atmosphere. Ngayon bumalik. Thanks to you, Baldo. "Alam mo bakla bubusalan ko na talaga 'yang bibig mo Baldo! Ang hilig mong makisawsaw sa usapan ng iba." Gigil na bulong ko dito. "Ano ba 'yan, dai! Elena nga! Ang sagwa ng Baldo!" Maarte nitong iwinasiwas sa ere ang kamay. Gusto lang talaga niyang ipagmayabang ang bago niyang kuko na pinapinturahan ng pink, eh. "Uhm... N-niyaya ko kasi si Deborah na m-makipag date sa 'kin." Yumuko ito ngunit hindi nakalagpas sa paningin ko ang pamumula ng mga pisngi nito. Sabay kaming nag-angat ng tingin ng may tumikhim. "I'll just... get some coffee." Nakapoker face nitong wika. Tatayo na sana ako para ipagtimpla ito pero pinigilan ako nito. "Ako na, kumain ka nalang diyan." Nakasimangot ito na naglakad. Nakatalikod sa amin si Arturo habang nagtitimpla. "Hoy, patuloy sa chika dai!" bulong nito sa amin. "Ano na? Ano 'yung date ba't wala kang kinuwento sa akin babaita ka? Ganiyan ka na pala ngayon. Nagsisekreto ka na sa kaibigan mong walang ibang ginawa kundi ang magmalasakit sakit sa'yo. Ajujuju." Nag-iinarte nitong pinapahid kuno ang luha kahit wala. Sumisinghot-singhot pa ang gaga. Arturo, who's busy on the back cleared his throat. Nang nilingon ko'y naglalagay ito nang kape sa baso. "Uh, that was just a friendly date, Elena," pagklaro ko kay Elena. I don't want him to make such speculations on his mind about me and Henry. "But it meant a lot to me, Deb. So, thank you," hirit pa ni Henry. "Acckkk!" Nakahawak si Elena sa kaniyang leeg na tila nasusuka. "Naku, naku! Baka langgamin pati ang kape na tinitimpla ni Sir Boss Pogi dahil sa kasweetan mo fafa Henry. Sana lahat may ganiyang boyfie. Fafable na ,sweet pa. Oh, momma!" Kinurot ko sa tagiliran si Elena dahil sa walang prenong bibig nito. Mapapahamak pa ata ako dahil sa baklang shema na'to. "Ouchir. Mesheket, dai!" "Busalan mo kasi 'yang bibig mo," nanggigil kong turan dito. Binaling ko ang tingin kay Henry at ngumiti. "I also enjoyed it Henry. Kaya salamat din." "Ay, enjoy daw oh! Anong enjoy kaya 'yun?" mahinang bulong ni Elena sa sarili. Pero dahil may sa pagka-mega phone ang bunganga nito rinig ko pa rin ang sinabi ng baklang hukluban. Someone cleared his throat. "Beatris, go to my office when you're done. Sasama ka sa meeting namin ni Mr.Yukimoto." Biglang sabi ni Arturo sabay alis. -- Nandito kami ngayon sa Café 1830 para kitain ang isa sa mga potential investor para sa new project ng Del Marcial. Habang naglalakad papunta sa gawi ng hapon hindi napigilan ng ibang kababaihan na mapalingon kay Arturo. He's wearing a formal suit. His hair is brushed up with some loose strands on his forehead. This man and his magnetic force on girls. "Good morning, Mr. Yukimoto." Arturo extended his arm to shake hands with the Japanese investor. "Good morning, Mr.Del Marcial and Miss...?" "Deborah Turizo, Sir," pagpapakilala ko. "Good morning to you too, young lady." The Japanese man gave us a wide smile. He's smaller than me and he has this light aura with him. I think this negotiation will be easy." He motioned us to sit and we did. "Let's order first?" yaya ni Mr. Yukimoto. Itinaas nito ang kamay upang palapitin ang waiter. "I want a mint tea. How about you two?" "Black coffee, less sugar please." sagot ko para kay Arturo. He likes his coffee that way. Tubig naman ang in-order ko para sa'kin. Habang naghihintay sa mga order namin ay ibinigay ko kay Mr. Yukimoto ang folder na naglalaman ng business proposal. We gave him some time para mabasa ang laman ng folder. Maya-maya lang ay dumating na ang nga inorder namin. Arturo cleared his throat and took a sip on his coffee before he started to talk. "As what our proposal says Mr.Yukimoto, th-" Hindi na nito pinatapos ang katabi ko as the Japanese signalled his hand to halt arturo from talking. "I've read enough." Nakaplastar sa mukha ni Arturo ang pagtutol at nais pa sanang mag-ekspleka. "But, Sir I can explain it further f-" Mr. Yukimoto's laugh echoed inside the shop. He slouched on his chair at pinagsiklop ang mga kamay sa ibabaw ng kaniyang tiyan. "You know, my boy... I've been in this business for almost forty-five years. You see... an old businessman like me already knows where this will go." His already chinky eyes became more chinky when he smiled making some wrinkles appear on his face. "You can now breathe properly, Mr. Del Marcial, because I trust your company." And with that, Arturo did exhale loudly na sinabayan ko. He's tensed, so am I. Kailangan naming makuha 'to because Mr.Yukimoto is a big help in the company once he invests. "I had you background checked and I'm impressed on how you managed your grandfathers company well. I'll give you credits for that." "Thank you, Sir." The man just nodded. He reached for his tea cup and took a sip. "I'm going to sign this proposal...in one condition." My excitement when I heard him say that he's going to approve our proposal suddenly went down, because there's a condition. Of course, this business after all. "What is it, Sir?" tanong ni Arturo dito. I held my breath unconsciously while nervously waiting for his answer. "You'll come with me. We're going to Cebu." Napatanga ako ng ilang sandali sa sinabi nito. The old man in front of us laughed heartily by looking at our reaction. Nakanganga lang naman kaming pareho ni Arturo. "My wife and I are celebrating our Golden anniversary. We're on our 50th year!" He proudly said. Man! I swear his eyes are shining like those of diamonds. His wife is surely lucky to have him. "Happy Anniversary to you and your wife, Sir!" nakangiting bati ko sa kanya. "Congrats to you and your wife, Sir." Arturo smiled at Mr. Yukimoto. "We are grateful to be invited in such important event," he added. Ang hapon naman sa harap namin ay humalakhak muli, at sa itsura nito'y tila tuwang-tuwa ito kung pagmasdan kami ni Arturo. Halatang masiyahing tao si Mr. Yukimoto. He laughs a lot. "Actually, I remembered something when I saw the two of you, the reason why I invited you even though this is our first meeting. And besides, I don't have children, might as well take you both with me and my wife on our special occasion. I hope you'll grant the wish of this old man." Inilapag nito ang tea cup sa lamesa at inilagay ang isang kamay sa tapat ng kaniyang dibdib at mahina itong tinapik. My heart warmed upon his request. It's a harmless condition anyway. And I think it would be nice to travel. Parang timang si Arturo sa tabi ko habang nakatutok ang paningin sa lamesa na tila nag-iisip. Ang matanda nama'y sumisipsip sa kaniyang tsaa, habang iniintay ang aming sagot. Nagkibit-balikat na lamang ako. "I would go for it! It's such a pleasure to be in your anniversary, Sir," I ecstatically replied. Tumingin ako kay Arturo. "We'll go with you, Sir," ani Arturo. Napaayos ng upo si Mr.Yukimoto at malaki ang ngisi na tumingin sa amin. "Great. Then it's a deal." He motioned his hand. Arturo took it and firmly shaked hands with Mr. Yukimoto. Habang nag-uusap sila ay may nahagip ang paningin ko. My happiness a while ago suddenly got burst when I saw someone I loathed to the core.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD