Katatapos lang namin mananghalian at dito agad ako inihatid ni Arturo sa magiging kwarto ko sa bahay na ito.
It's beautiful. The walls are painted with lavender and there are some purple clover prints. Beside the large cabinet is a vanity mirror with some cosmetics and stuff.
I walked towards the cabinet and opened it. Bumungad sa akin ang mga bestida at office wears na nakahayhay dito. I brought my clothes with me, magagamit ko din ang mga office attires na nandito since I didn't buy any of it.
Sinunod kong tingnan ang banyo. Sakto lang ang laki nito, may tub din sa dulo ng C.R. There are also some things that I need for my hygiene.
When I'm done looking around the room I decided to take a bath before I'll have my oh-so-needed respite.
Lumublob ako sa tub ng ilang minuto at nagshower. The shampoos and body washes present in here are lavender and vanilla scented just as how I love it.
Nagbihis ako ng isang simpleng loose shirt at pajama. Lumapit ako sa kama at nahiga rito, ilang minuto rin ang dumaan bago ako dinalaw na ako ng antok.
Naalimpungatan lamang ako nang may marinig katok mula sa pintuan ng kuwarto.
Madilim na ang paligid nang magising ako kaya't agad kong tiningnan ang oras. It's seven in the evening, kaya pala.
Nang may kumatok ulit hindi ko na inayos pa ang hitsura ko, kahit magulo pa ang buhok ay mabilis pa sa alas kuwatro akong bumangon at binuksan ang pinto.
Nakita ko si Manang Tess na ngumiti nang pagbuksan ko.
"Pasensiya na, hija kung nagising kita mula sa pagpapahinga mo. Alas-syete na ng gabi at maghahapunan na. Halika na sa baba."
"Ah sige po, mag-aayos lang po muna ako."
"Oh siya, sumunod ka na ha?"
"Opo."
Ngumiti ito sa akin at tumalikod. Nang makita kong nakaalis na si manang ay sinarado ko na ang pinto at pumunta ng banyo para mag-ayos. Nag-tooth brush lang ako, naghilamos at sinuklay ang buhok at tinalian ito saka bumaba na.
Hindi na 'ko nag bihis pa dahil naligo naman ako bago matulog.
Naabutan ko si Arturo na nakaupo sa hapag at kausap si manang pagkababa.
Biglang napatigil si manang Tess at tumingin sa akin na siya ring dahilan ng paglingon ni Arturo sa aking direksiyon.
"O, halika ka na Deb at maupo. Nakahanda na ang mga pagkain."
Nasa kabilang bahagi ng lamesa ako nakaupo o mas madaling sabihin na nasa tapat ako ni Arturo naupo.
"Sabayan niyo na po kami, manang Tess." Wika ko at marami-rami naman ang nahanda, hindi namin mauubos ni Arturo ang mga ito.
"Ay, hindi na, hija salamat sa iyong paanyaya ngunit marami pa akong gagawin sa kusina."
"Mamaya na po yun maupo na po kayo."
"Ay wag n-"
Hindi na natuloy ni manang ang sasabihin nang biglang sumabat si Arturo sa aming usapan.
"Take a seat and join us, manang Tess, madami itong nahanda niyo hindi namin 'to mauubos ni Beatris."
Napangiti naman ako sa sinabi nito.
"Ay, o-oh sige."
"Dito ka po sa tabi ko, manang."
Nagdasal kami bago kumain na inunahan ni manang.
Tahimik kami hanggang sa matapos kumain. Si Arturo naman ay nagpaalam na pupunta sa kaniyang office dito sa bahay at marami pa daw gagawin, mga natambak na trabaho mula noong nagbakasyon siya sa Las Cosas.
Ako naman ay tumulong kay manang sa pagligpit ng kinainan.
Naghuhugas kami ni manang Tess ng plato na pinilit ko pa para patulungin ako.
Makaraan ng ilang sandali ay tinanong ko si manang para patayin ang katahimikan.
"Manang, ilang taon na po kayong naglalagi sa bahay ng mga Del Marcial?"
Saglit itong bumaling sa banda ko bago nagpatuloy sa pagsasabon ng pinggan.
"Matagal na, hija. Binata pa lang si Lucas ay naririto na ako. Ako din ang nag-alaga nitong si Thaddeus nung bata pa ito."
"Talaga po?"
Ngumiti at tumango bilang tugon.
Bahagya u***g humalakhak at tila may inaalala. "Naku! Napakatahimik nung batang iyon noon, eh. Naglalaro kami niyan pero napakatahimik, malimit din itong umiyak na mabibilang lang sa daliri at nung lumaki na ay mas lalong naging ilang sa mga tao."
I was taken a back for a moment because of what manang said. Pero madaldal si Arturo pag magkausap kami, ah.
Nang bigla kong maalala ang sinabi sa akin ni mayor nung nasa Las Cosas pa kami ay tinanong ko din ito kay manang.
Tumikhim ako. "Kumusta naman po si Arturo at ang nobya niya?"
It was out of topic, I know. But I felt so sinful kissing a man who is already committed.
"Arturo?"Nagtatakang tanong sa akin ni manang.
"Ah, si Thaddeus po."
Bigla itong natigil sa ginagawa. Matagal bago ito sumagot at tila nag-aalinlangan pa.
"Pakilagay nalang nitong mga plato roon sa lalagyan hija, pakiusap." Hindi nito sinagot ang tanong ko bagkus ay pinakiusapan ako nito.
"Sige po."
I know deep within me that I am curious about Thaddeus Arthur and I am now more curious because of how manang avoided my question. I can definitely ask again but I opted not to. Something inside me is stopping me to know him more which I can't fathom what.
Nang matapos sa gawain ay nagpunta muna ako ng sala at nanood ng cartoon na siyang palabas ngayon. Hindi pa naman ako inaantok dahil natulog ako kanina.
Tom and Jerry ang palabas ngayon na paborito ko, I used to watch this cartoon before with my parents. Yung nasa sala lang kami at tawang-tawa sa mga pinaggagagawa ni Tom kay Jerry na sa huli ay siya rin naman ang nasasaktan.
Those moments that I treasured the most. I miss hugging my mamá while papá is tickling me. Minsan ay naghahabulan lang kami sa sala at si papá ang taya, at pag nahuli niya kami ni mamá ay kinikiliti kami nito at hindi na kami matigil-tigil sa katatawa.
How I wish I can turn back the time and bring back those moments to life again, just for one last time. But I know it's impossible, too impossible.
Nang mag alas-diyes na ng gabi ay nagpunta akong kusina at nagtimpla ng gatas bago umakyat papunta sa kuwarto.
Nagbabasa ako ng libro nang may marinig na katok sa aking pintuan, inisang lagok ko muna ang natirang gatas sa baso at tumayo para pagbuksan.
"What brought you here, Arturo?"
Lumapit ito sa akin at tinitigan ang aking labi.
Napaatras ako dahil sa ginawa nito. "W-why?" Tanong ko.
Hindi ito sumagot at sa halip ay inilapit nito ang mukha, laking gulat ko nang inilagay nito ang hintuturo sa gilid nang aking labi... H-hahalikan na n-naman ba niya ako?
Nang bigla itong may pinunasan.
"May gatas ka sa labi."
Niyuko ko naman ang aking ulo sa kahihiyan. His actions are confusing me, big time! That's not how a committed man should act.
I should be the one to avoid if I don't want to sin more.
And tell me, why did I forgot to wipe my face after I gulp the last drop of my milk?
Ilang segundo muna nitong tinitigan ang aking labi bago inilipat ang tingin sa aking mga mata. He stood straight and placed his hands inside his pockets.
"You'll start working the day after tomorrow."
"Bakit hindi nalang bukas?" Mabuti nang magsimula ako ng maaga at matuto.
"Ipapasyal kita bukas." Iniwas nito ang tingin at tumikhim. Gumalaw ito na tila inaayos ang kaniyang postura.
"Talaga?!"
"Yes, so sleep early. Goodnight, Beatris."
Tumango ako. "Goodnight."
Nauna na itong tumalikod at pumasok sa kanyang kuwarto na nasa tapat lang ng akin.
I smiled then turned my back and closed the door.
I turned the lights off and walked towards the bed.
I suddenly felt giddy. Noong nasa Las Cosas pa ako wala sa isip ko ang mamasyal dito sa Manila. I thought I'll immediately do my assignment, to work and learn. Akala ko opisina lang at bahay ang masasaksihan ko dito, pero ipapasyal ako ni Arturo bukas. I'm so excited for tomorrow!
I closed my eyes and drift off to sleep.
--
Naramdaman ko ang mahihinang tapik kaya napamulat ako.
Ang mabining tinig ni Manang Tess na may guhit ng pag-aalala ang bumungad sa akin.
"Deborah, bakit dito ka sala natulog, hija?"
Kinusot ko muna ang mga mata ko at dahan-dahang bumangon sa sofa na siyang aking kinahihigaan ngayon.
"U-uhm patawad po, manang. Nagising po ako kaninang madaling-araw at uminom ng tubig hindi na ako nakabalik pa sa taas sa sobrang antok."
Napabuntong hininga naman ang matanda sa gilid ko.
"O, siya. Maligo ka na sa itaas at mag-almusal pagkababa mo."
"Sige po."
Nang pumunta na si manang sa kusina ay sinandal ko ang sarili sa sofa at hinilot ang sintido.
Naalala ko bigla ang nangyari kaninang madaling araw.
As usual I woke up at 4:00 a.m because of my nightmare that's haunting me Every.D*mn.Single.Day.
At dahil wala ako sa Las Cosas at walang Alas na maghahatid sa akin sa bangin, ay naisipan ko nalang pumunta ng sala at doon magpalipas ng oras.
Habang nakatitig sa kawalan ay 'di ko namalayang dinalaw pala ulit ako ng antok at dito na nakatulog sa sofa.
Tumayo ako sa aking inuupuan upang maligo at magbihis. Hindi ko alam kung anong oras kami aalis kaya nakapambahay lang ako ngayon.
Wala pa si Arturo pagkababa ko kaya tumulong na muna ako kay manang sa paghahanda. Sakto naman na pagdating nito sa kusina ay tapos na kami ni manang.
Nilagay ko ang mga nalutong agahan sa mesa nang magkomentaryo ito.
"Ba't ikaw ang gumagawa nito, Beatris?" Nakakunot-noo nitong tanong.
"I woke up early, so I decided to help manang Tess in preparing the table while waiting for you to come down." Kibit-balikat kong sagot dito.
"Sit down and let's have our breakfast."
Sinunod ko naman ito at kumain, maya-maya pa'y tinanong ko ito tungkol sa aming lakad.
"Arturo?"
"Hmm?" Aniya habang patuloy na kumakain.
"Anong oras tayo mamamasyal mamaya?"
"After this." Maiksi nitong sagot.
"Saan tayo pupunta?"
"Malalaman mo mamaya."
Hindi na ako nagtanong pa at nagpatuloy na ring kumain.
Isang polo shirt na tinuck-in sa isang faded jeans ang suot ko ngayon. Wala akong ideya kung saan ako dadalhin ni Arturo kaya hindi ko din alam kung anong susuotin, kaya naisipan kong ito nalang ang suotin.
Nang makababa ay nakita kong nandodoon si Arturo sa sala na nakatayo at nasa bulsa ang mga kamay nito.
He look so handsome on his button down shirt paired with black slacks.
Naamoy ko ito nang lumapit ako dito, and boy! His scent is so manly at napakabango nito. Hindi rin masakit sa ilong ang amoy nito.
Muntik ko nang sampalin ang sarili ko upang paalalahan sa limitasyon. I can't keep on daydreaming about a committed man. Goodness.
Nilingon ako nito nang maramdaman ang aking presensiya.
"Let's go?" Aya nito.
Tumango na lamang ako at sumunod. Nang makarating kami sa parking lot ay sumakay kami sa kotse nito at umalis.
Ilang sandali pa ay tumigil ito sa isang mall.
Nang makapasok ay agad namin itong nilibot, makaraan ang ilang sandali ay may biglang may tumunog na telepono. Tiningnan ko ang akin ngunit wala naman, nang tingnan ko ang kasama ko...
He showed of his index finger signaling me to wait. "Excuse me for a moment," aniya at lumayo ng kaunti.
Nilibot ko ang tingin ko nang mahagip ng aking paningin ang isang shop na may mga display na gamit ng mga lalaki.
Naalala ko si Arturo at nais ko sana siyang bigyan ng regalo para pasalamatan ito.
Kaya naman pumasok ako sa shop at nagtingin-tingin sa mga tinda nito nang may lumapit sa akin na sales lady. Maliit ito at hanggang leeg ko lang. She's petite and pretty.
"Good afternoon, ma'am."
"Good afternoon. Uhm, pwede ba kitang matanong?"
"Sure. What is it, ma'am?" Nakangiting sagot nito.
"Ano bang magandang ibigay sa lalaki?"
Ngumisi ito sa akin
"Para sa boyfriend mo, ma'am?"
"H-huh? Hindi! A-ano para sa...kaibigan ko."
"Aysus, si ma'am! denial pa."
"Relo, ma'am o pabango o kaya naman damit."
Mabango naman na si Arturo hindi na niya kailangan ng pabango. Relo nalang siguro?
"Saan ba yung mga relo niyo?"
Ngumiti sa akin ang sales lady at iginiya ako sa watch section nila
"This way, ma'am."
"Marami pong magandang kapipilian dito. Heto po, a black diamond watch. This is somewhat costly but it's worth it dahil gawa po ito sa real diamonds. Siguradong matutuwa ang pagbibigyan niyo nito."
Nang tingnan ko ito ay totoong napakaganda nito. I can easily buy this watch but I don't think he wears this kind of watch.
Tumingin muna ako sa ibang mga relo at nang may nahagip ang mata ko ay agad ko itong ipinakuha dun sa sales lady.
It's a simple black leather watch, maganda ito at simple ngunit may kamahalan din but I decided to buy it anyway.
"Thank you."
"Thank you din po, ma'am. Come again soon."
Nang makalabas ako ng shop ay nakita ko si Arturo na lumingon- lingon. Hindi pala ako nakapagpaalam.
Pinasok ko muna sa bag ang kahon ng relo upang hanapin ito ngunit agad ko rin naman itong nakita.
He half-jogged his way towards me. "Saan ka nanggaling, Beatris? I was worried!" Humahangos pa nitong saad.
"I'm sorry, I just looked around a bit. Nakalimutan kong magpaalam sa'yo."
He sighed and nodded.
"Sa susunod magpaalam ka muna. I thought you got lost."
Tumawa naman ako sa sinabi nito. "I'm not a child Arturo, I can handle myself pretty well."
"But you made me worried " May diin nitong sabi. His face turned dark then.
"Theo?"
Pareho kaming napalingon ni Arturo sa nagsalita nang bigla na lang itong tumakbo sa katabi ko at niyakap ito.
"Theo! I missed you!"
Si Arturo naman ay parang naestatwa sa kinatatayuan.