Capitulo Ocho

2606 Words
I badly need to sleep dahil maaga pa kami bukas papuntang Maynila, but my body won't cooperate. Gising na gising pa din ang diwa ko kahit alas-onse na ng gabi. Kasalanan 'to ni Arturo, eh. Kung... k-kung hindi niya lang ako h-hinalikan edi san- Ugh! Bakit ba parang apektadong-apektado ako? 'Tsaka ba't ko ba iniisip pa yun? 'Natural, dai first kiss mo yun.' Imbes na magmukmok naisipan ko nalang pumunta sa kusina at uminom ng gatas, maybe it will help me calm down. I opened the fridge and took out the carton of fresh milk then poured some on my glass. Napahawak ako bigla sa labi ko nang maalala ang pangyayari. His lips taste sweet and he smells mint and musk. Iniling-iling ko ang ulo ko. I shouldn't dwell too much about what happened. That kiss was a mistake! Napikon lang siya sa akin kaya niya nagawa yun at saka may girlfriend na siya— Sh*t! Why did I effing forget about that! May nobya na 'yong tao! Maling-mali na ginawa niya 'yun at mas lalong mali na pumatol ako. Ugh! Bakit ko ba nakalimutan! 'God, forgive me.' Napabuntong hininga nalang ako at inubos ang gatas ko. Hinugasan ko ang pinaggamitang baso sa sink bago inilagay ulit sa lalagyan nito. Nang makaramdam ng antok ay bumalik na ako sa kwarto. I am laying on my bed and my thoughts flew on the things that might happen when I got in Manila. New environment, new people, and an opportunity to prove myself to papá na hindi siya nagkamali sa tiwalang ibinigay niya. I will do my best for papá. I smiled before I closed my eyes and let myself be pulled by the darkness... "Deborah... Listen to me. We will escape, okay? and whatever may happen don't stop running. Understand?" Nanginginig ang aking katawan sa takot at kahit walang masyadong naiintindihan sa mga kasalukuyang nangyayari, ay sinunod ko ang sinabi ng aking ina. "M-mamá, we w-will escape together r-right?" She nodded her head and smiled at me, kahit puro galos na ang mukha nito na natamo mula sa bugbog ng mga lalaki kanina ay nakayanan pa rin ako nitong gawaran ng isang ngiti ng seguridad. "Yes dear, we will..." She reach for my cheeks and caressed it, she kissed my forehead and leaned her forehead on mine. "Live, my dear Beatris. Mamá loves you very much..." Nag-unahang tumulo ang mga luha sa aking mata nang sinabi ni mamá ang mga katagang 'yon. Hindi na naging malinaw ang sumunod na mga nangyari at ang huli kong naaalala ay nang pilit akong pinapatakbo ni mamá. "Don't stop running, Beatris!" Hinahabol kami nung mga lalaking nakaitim, nasa isang abandunadong bahay kami at wala akong ideya kung saang bahagi ito ng Las Cosas. Habang tumatakbo ay biglang umalingawngaw ang isang putok ng baril na hindi ko alam kung saan nanggaling. Napahinto ako sa pagtakbo nang makita si mamá na nadapa sa semento at hawak ang tiyan nito na... dumudugo! I was taken aback before I realized that she was shot! I was crying in fear while helping her to stand up. "C-come on mamá..." Hinila nito ang aking kamay at mahigpit itong hinawakan. "Remember what I told you, Beatris?" "Sí, m-madre." Nahihirapan kong usal habang pinipilit alalayan si mamá. "W-what is it a-again?" She was having a hard time speaking. Her face contorted and pressed the side of her waist. Halata na nahihirapan na itong magsalita ngunit pinipilit pa rin nito. "T-to never s-stop running whatever might happen." I heard some footsteps coming and the fear inside me grew much bigger. "M-mamá let's go, the bad guys are here!" May diin kong bulong. Binitawan ni mamá ang kamay ko at hinalikan ako sa noo. She caressed my hair down to my face and stared at me lovingly. "Run, Beatris. I l-love you and your father, remember t-that... Now run!" "Hoy!" Rinig kong sigaw nung isang lalaki na papalapit na sa amin. Nilingon ito ni mamá at agad ibinalik sa akin ang tingin na nanlalaki ang mga mata. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Tila akong maiihi sa kaba at takot ngunit parang dinudurog din ang puso ko sa sakit at lungkot dulot ng sinabi ni mamá. "Run, Beatris and don't ever stop! Now go!" "B-but, mamá I can't leave you he-" "I said run!" I crawled at the floor at nagkukumahog tumayo. Nang makakuha ng balanse ay agad akong tumakbo ngunit bigla akong nadapa. Lumingon ako kay mamá at papalapit na sa kanya ang lalaki kanina. "Deborah, takbo! Takbo anak! Takbo!" "Mamá!" Nang binuksan ko ang aking mga mata ay ang kisame ang unang bumungad sa akin. Naramdaman kong basa ang aking mukha kaya madali ko itong kinapa. I cried on my sleep again. Dahan-dahan kong iniangat ang aking sarili at umupo sa kama, I looked at the clock and it's still... 4:00 a.m. Ibinaba ko ang mga paa ko sa kama at kinapa ang aking tsinelas bago lumabas ng bahay. Hindi na ako nag-abala pang kumuha ng jacket dahil gusto kong maramdaman ang lamig ng hangin na nanunuot sa aking balat. -- I pulled Alas' rope at bumaba na dito. I'm here at the cliff once again... Like I always do everytime that nightmare haunts me. "Mamá... I'm going somewhere far from home and I don't know when will I be back," bulong ko sa hangin habang nakatanaw sa malakaw na kapatagan. The peace it brought me is like no other. I felt the the early morning breeze seeping through my skin when the wind blew. Napakalamig nito dahil madaling araw pa lamang at lalo na dahil malapit na ang pasko. Christmas is nearly coming, so is mamá's death anniversary. I take a look at the place for one more time. 'I don't know when will I ever see this again but I'll be back, and that's for sure.' Hindi na ako magtatagal at maghahanda pa ako para sa aking pag-alis mamaya, hindi ko na rin mahihintay ang pagsikat ng araw. "I'll be back," ani ko bago tumalikod sa tanawing aking kinagisnan. Sumakay na ako kay Alas na kasalukayan ng tumatakbo papalayo sa lugar na aking pinakamamahal. Nang makarating sa kabalyerisa ay nagtagal muna ako doon ng ilang minuto upang magpaalam kay Alas. Ilang buwan din siguro kaming hindi magkikita o higit pa. "I'll be gone for a while, Alastor and I will surely miss you so much, buddy. If only I can take you with me gagawin ko, but I know you'll be better staying here than go with me in the city." Sumalingsing ito at inihampas sa lupa ang kanyang biyas. "Shh... Calm down, boy, calm down... I'll be back, Alas I promise you that." Lumapit ako dito at niyakap ito sabay haplos ng kanyang buhok. "Take care, buddy" -- I'm here at my room checking my things at baka may makalimutan ako, mas mabuti ng handa. I'll be bringing 2 baggages hindi naman ganoon karami ang aking mga damit tsaka para less hassle. I wore a simple polo tucked in a high waisted jeans paired with a gray sneakers. I just let my hair down dahil pinapatuyo ko muna ito. It's still 6:00 am and I'm done eating my breakfast inaantay ko na lang si Arturo dahil sabi ni papá dadaanan daw ako noon dito. Nakita kong bumaba si papá mula sa hagdanan at nilapitan ako. "Take care, Deborah." "I will, papá." Maikli lamang ang aming pag-uusap dahil may biglang bumusina sa labas. "Thaddeus is here, come on." Sumunod naman ako dito. Nang makalabas ay nakita ko ang nakaparada na Mercedes Benz sa harap ng mansiyon. Bumukas ang pintuan sa may drivers seat at iniluwa nito si Arturo. He plastered his infamous smile nang makita ako at tinanggal ang Rayban nito. The soft rays of sunlight hit him just like a spot light and it drew the attention of the people. His eyes glowed as sunlight reflect on it. "Buenos diaz, Don Severino, Beatris." "Good morning, Thaddeus. Join us for breakfast bago kayo umalis." "Tapos na po ako sa bahay, maraming salamat." Papá just nodded his head. "Take care of my daughter alright?" "Yes, Sir." "Good." Inilagay na nang mga katulong ang mga bagahe ko sa likod ng sasakyan. Lumapit ako sa aking ama para magpaalam at niyakap ito. "Bye, papá." Tinapik lang nito ang aking balikat. "Take care," tipod nitong sagot. Inilayo ko ang sarili ko at nginitian ito. Nakita ko naman sa may pintuan sina Nana Esther Linda, Manang Letty, Ate Terry, Mang Felipe at Nestor. Umiiyak si Linda habang sumisinghot-singhot naman si Ate Terry. Natawa ako sa mga itsura nito at nilapitan. "Pupunta lang ako ng Manila hindi sa abroad." "Ehhh kasi naman, eh! Mami-miss kita!" si Linda. "Mami-miss ka namin, Deb." Sisinghot-singhot na wika ni Ate Terry Nang tingnan ko si Nana ay bigla naman ako nitong niyakap. "Mag-iingat ka doon, anak ha?" Agad namasa ng magkabilang gilid ng aking mga mata. Tumango ako at niyakap din ito pabalik ng mahigpit. Lumapit sa akin sina Linda, Manang Letty at Ate Terry at nakiyakap na din. Napangiti ako at naalalang hindi lang pala si Alas ang natitirang pamilya ko, andidito pa pala sila... Ang mga taong kasalukuyan akong niyayakap. "O, tama na at baka mahuli pa 'tong si Deborah sa biyahe niya," ani Nana. "Yieee si Nana, o, Emo." Biro pa Linda na umani ng tawa mula sa amin. "Magtigil ka nga riyan, Lindarisma," pigil pa ni Nana na ngayon ay naluluha na rin. Bumaling si Nana sa akin at kinampay ang kamay na parang tinataboy na ako. "Humayo ka na, hija, sige na." Nakangiti pa itong tumatango-tango sa akin. Nang nilingon ko si Arturo nakahawak ito sa bukas na pintuan ng passengers seat. "Thank you," usal ko bago pumasok sa sasakyan. Tumango lang ito at sinarado ang pintuan. Pumasok na din ito at sumakay sa drivers seat at agad ng pinaandar ang sasakyan. Tiningnan kong muli sina Nana at kumaway dito, kumaway sila pabalik at nakita ko pang pinunasan ni Linda ang sipon nito. 'Mami-miss ko sila.' Nang makalayo sa mansiyon ay isinarado ko na ang bintana ng sasakyan, sinandal ko ang aking ulo sa bintana at ipinikit ang aking mga mata. It's awkward lalo na nang maalala ko ang nangyari kahapon... The kiss. The car was filled with silence. Nang subukan kong ibinuka ang isa kong mata ay nakita ko si Arturo na seryosong nagmamaneho, normal lang naman ito at parang hindi naiilang sa nangyari sa amin kahapon. Maybe I'm the only who's affected by that damn kiss. Mabilis kong ipinikit ulit ang aking mga mata dahil bigla itong lumingon sa akin. I heard a low chuckle so I decided to open my eyes and look at him na siyang ikinasisi ko dahil nakatingin na pala ito sa akin. "What's the problem, Beatris? Hmm?" His tone is flowing with sarcasm. Damn this man! He's now grinning from ear to ear. I faked a smile and replied, "Nothing Arturo... Nothing. And please, focus your eyes on the road at huwag sa'kin at baka mabangga tayo." He just laughed at me mockingly. "Kiss muna." ... I was stunned before I got back to my senses. Goodness! The nerve of this man! "Stop flirting with me, Arturo may nobya ka na." His forehead creased but didn't say anything. Ibinalik nito ang tingin sa kalsada. Now we're back to being silent. Malayo-layo pa kami sa siyudad papuntang airport kaya naisipan ko munang matulog. Naalimpungatan ako ng marinig ang mahinang boses na ginigising ako. Nang iminulat ko ang aking mata ay agad akong umayos ng upo at kinapa ang mukha. "We're here." Mula sa bintana ng sasakyan ay nakita ko ang airport sa hindi kalayuan. Bumukas ang pinto sa akind gilid at naroon si Arturo sa labas hawak-hawak ang pintuan ng sasakyan. Lumabas na ako ng kotse at nagpunta sa likod nito upang kunin ang aking mga bagahe but Arturo stopped me. "Ako na, just bring your shoulder bag and I'll take care of the rest." "Salamat, pero kaya ko namang buhatin ang mga bagahe ko." Akmang kukunin ko na sana ang isang maleta nang pigilan ako nito. I saw him clenched his jaw and intently stared at me. Tumango na lamang ako. "Fine." Hinintay ko ito sa may entrance na dala ang dalawa kong maleta. "Asan ang bagahe mo?" "I have a lot of clothes back in Manila," aniya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. "Let's go," patuloy niya. Nasa likod lang ako nito, tahimik siyang sinusundan. Dumiretso kami sa sakayan ng eroplano dahil mag-a-alas otso na at in-announce na rin ang oras ng aming departure. Nang makasakay na kami sa eroplano ay nasa tabi ng bintana ang puwesto ni Arturo, gusto ko sana doon para makita ko ang tanawin ngunit tahimik nalang akong umupo sa katabing upuan nito na malapit sa aisle. Lumingon ako sa bintana at kita ang naglalakad na mga tauhan ng airport. "Do you want to switch places?" Ani Arturo na nakatingin na pala sa akin. Biglang umayos ako ng upo at tumikhim. Nahihiya akong makipagpalit dito but the urge inside me to see the view of Las Cosas made me decide. "O-okay lang ba?" The side of his lips rose a bit. He nodded. Tumayo ito at inalalayan ako papunta sa may puwesto niya. "Salamat," usal ko nang komportable ng nakaupo. "De nada." (You're welcome) The view up here is so beautiful, the plains and mountains of Las Cosas are exquisite! But it didn't take much time when it all dissapeared and was replaced by the tall buildings. That's when I knew we're nearing Manila. The flight to Manila almost took an hour. Bumaba na kami ng eroplano at inalalayan naman ako ni Arturo. How gentleman of him. May naghihintay na sa amin na sasakyan sa labas ng airport. "Are you okay, Beatris?" Tanong sa akin ni Arturo. It was my first time riding a plane and so far it was good. Wala naman akong ibang nararamdaman. "Yes, I'm good." I smiled at him to show my gratitude. He was caring while we were on the plane talagang pinanindigan nito ang pangako sa aking ama. "Are we near?" Gusto ko nang magpahinga, hindi kasi masyadong nakatulog sa biyahe papuntang airport. Ilang sandali pa'y pumasok kami sa isang ekslusibong Village at tumigil ang sasakyan sa harap ng isang modernong bahay. It's beautiful. Binubuo ang bahay ng mga salamin, it looks really modern. Pumasok kami dito at sinalubong ng isang matanda. Nagliwanag ang mukha nito nang makita si Arturo at isang malawak na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. "Oh, hijo. Magandang tanghali sa inyo. Nakarating na pala kayo." "Manang Tess." Lumapit ito sa matanda at nagmano. Agad akong lumapit ako dito at nagmano din. "Magandang tanghali po." "Magandang tanghali din, hija. Pagpalain ka nawa." Isang mabining ngiti ang ibinahagi nito sa akin. "Manang, this is Deborah Beatris. She'll be living with us for the duration of her stay here in Manila." Dumako sa akin ang tingin ni Manang Tess. "Kay gandang bata," puri nito. Nahihiya kong iniyuko ang aking ulo. "S-salamat po." "Beatris, this is Manang Tess." Kinuha ni manang ang aking kamay at marahang hinawakan. "Ako si Tess, hija ang mayordoma ng bahay ng mga Del Marcial dito sa Manila." "Ikinagagalak ko po kayong makilala." Marahan akong ngumiti sa kanya. She feels so warm and caring. Ngumiti din ito sa akin. "O, pasok na kayo naghanda ako ng pananghalian. Pasok, pasok." I took a look at the house and sighed. This is where I'll stay for I don't know how long... with Arturo. I hope everything goes well. Ilang sandali pa'y pumasok na ako at sumunod kina Manang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD