Pagkagising ko ay agad akong naligo at bumaba na. I found Arturo sitting on the edge of the dining table. Nagtama ang mga paningin namin pero nauna akong umiwas. May kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko pero binalewala ko nalang. Pumuwesto ako sa gilid niya. When a couple just fought, on normal circumstances ay hindi ito magkasabay kumain o kaya ay malayo sila sa isa't-isa. Ayokong ipakita sa kaniya na nasasaktan ako o nagtatampo. I want him to see that I don't falter on coming near him just because we fought. That's a sign of weakness. Nakahanda na pala roon ang mga pagkain. Mala-fiesta ang handaan ngayon at napakadami. Hindi kami nag-imikan at hindi din ito kumikilos kaya nauna na akong kumuha ng pagkain at kumain. Hinihintay niya ba ako kanina kaya hindi pa siya kumakai

