Imbes na ayusin namin ang gusot ay mas pinili ni Arturo na bigyan muna namin ng espasyo ang isa't-isa. But maybe he's right. We need some time to think. Hindi pwedeng papasok kami sa isang kasalan na panghabang-buhay kung may pagdududa kami sa isa't-isa at sa mga sarili namin. Pinahid ko ang luha. He's downstairs. Pagkatapos ng pagtatalo at komprontasyon kanina ay lumabas agad ito matapos sabihin ang mga katagang bumasag sa puso ko. Maraming mga posibilidad at katananungan ang bumabagabag sa akin. But I don't want to entertain any of it. He just wanted space, pero ayokong isipin ang pinakamasakit na pwedeng maisagot sa tanong ko na "bakit?". At hindi ako handang marinig ang sasabihin niya na maaring pumatay ulit sa puso ko na kakapatay lang niya. No, not yet. I just want to believe th

