#TGP _____ Napapikit ako ng mariin ng hahawakan niya ako sa mukha, Nanginginig akong pinakiramdam ang kanyang palad sa aking mukha ngunit nagtaka akong wala akong maramdaman. Inimulat ko ang aking mata at sumalubong sa akin ang kanyang gulat na ekspresyon. Paunti unti akong umaantras ngunit napansin niya 'yun. "Bumalik na tayo---" Agad ako napaiwas ng hahawakan niya sana ako sa kamay. "F-Fil.." Napangiti siya ngunit agad ito nawala at napalitan ng malungkot na ngiti. "N-Natatakot ka ba? Natatakot ka ba sa mukha ko ngayon?" Tumulo ang kanyang luha. Umawang ang labi ko sa labis na hinanakit na nararamdaman ko ngayon. "Masamang tao ka F-Fil... Sabihin mo nga sa akin, Bakit ako sasama sa masamang tao tulad mo?" Nilakasan ko ang loob ko at tumayo kahit nanghihina na ako. Gumuhit sa ka

