#TGP ______ Sheraal's POV Pagkatapos ko mag ayos ng sarili ko ay bumaba na ako at agad ko natanaw si Ked ngunit napakunot noo ako na hindi siya nag iisa. Agad ko nakuha ang atensyon ng dalawa ng bumaba ako. "Ano ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa matanda na sinusuri akong tignan. Ngumiti sa akin ang matanda. "Narinig ko kay Norman na may pupuntahan kayo ni Ked." Aniya. Mas lalo ako napaseryoso sa sinabi niya. Bakit kailangan pa siya sumama? "Tama ang iniisip mo Hija, Sasama ako." Nakangiting aniya. Hindi ko pinansin ang matanda at napatingin kay Ked na kanina pa ako tinitignan. Kahit kailan ang laki din ng bibig ng lalakeng 'to. Nauna akong lumabas sa mansion na hindi na sinagot pa ang dalawa. Naramdaman kong sumunod ang dalawa sa likod ko papuntang garahe. Walang emosyon akong bin

