#TGP _____ "Saan tayo pupunta?" "Basta" Hinayaan ko nalang magpahila kay Fil. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito. Keaga aga pumunta agad sa bahay. Natanaw ko agad ang horse cage namin. Dito niya ako dadalhin? "Ano naman gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya ng makarating kami. Napakamot siya. "Marunong ka ba mangabayo?" "Hindi. Bakit?" Napangiti siya at tumungo sa puting kabayo. Ano naman gagawin nito? "Sigurado ka'ng hindi ka marunong?" Napaisip ako. Wala akong maalala na nangabayo ako dati. "Hindi nga ako marunong! Ang kulit nito." Napasimangot ako. "Sige! Tuturuan kita." Natigilan ako. Napakapamilyar ang sinabi niya. Agad na parang biniyak ang ulo ko sa naisip. Ito nanaman sumasakit nanaman ulo ko. "Ayos ka lang Sheraal?" Tumango ako habang napapahawak sa ulo.

