#TGP ______ "Nanay Lucinda pasensya na po kung umalis agad ako ng walang paalam sa inyo." Ayaw ko sana ibalik ang nakaraan ngunit nag aalala ako na baka magalit sila sa ginawa ko. "Alam mo ba Hija simula ng umalis ka dito, Labis ang pagluluksa ng anak ko sayo." Napayuko ako. Nahihiya ako dahil sa ginawa ko. "Naiintindihan kita Hija, Ilang buwan lang kayo hindi nagkita at nalaman ko nalang na pinagbabawal ka ng Mommy mo makipagkita sa anak ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nanay Lucinda. P-Paano nila nalaman? Umalis ako ng walang sinasabi! "Alam kong ginagawa mo ito para sa kaligtasan namin." Mahinang sambit ni Nanay. Parang tinusok ng karayom ang puso ko sa sinabi niya. Totoo ang sinasabi niya dahil kilala dito si Mommy bilang sakim at masama. "Ilang araw ka dito Hija?" Pag i

