He's back.

1033 Words
04 Claires' POV "Helow po Tiya, bakit po kayo napatawag," sagot ko sa pagtawag ni Tiya. Wala akong maalala na may kaibigan akong Brylle ang pangalan. Nagtaka ako sa sinabi ni Tiya kaya nagpaalam ako kaagad at sinabing wala akong kaibigan na nagngangalang Brylle. Sino ba kasi yung loko na iyon. Bigla akong humiga sa kama dahil sa pagod na aking naramdaman galing sa pakikidigma kasama si Papa at ang iba pa naming kasamahan. Napaisip ako sa mga maaring nangyari kung hindi ako natulungan ni Papa. Maaaring sugatan ang buo kong katawan at wala nang malay. Mabuti na lamang at naharangan ni Papa kaagad nang may biglang umatake patungo sa direksyon ko. Habang nakapikit ang mga mata ay bigla akong napaiyak at naalala ko na naman si Mama. Ayokong may mangyari kay Papa at iwan ako gaya nang pagkawala ni Mama. Sinisigurado kong magiging ligtas kaming dalawa ni Papa, pero sa nangyari kanina ay natakot ako na baka mangyari ulit ang ganoong pangyayari. Lumipas ang ilang minuto ay naisipan kong bumaba para bumili nang makakain dahil panay na ang tawag ng mga alaga ko sa tiyan. Pagkadating sa baba ay nadatnan ko si Tiya na may kinakausap na lalaki at mukhang patapos na ang kanilang pinag uusapan. Nang bigla akong makita ni Tiya habang papalabas, bigla niya akong tinawag at sinabing, "Oh Claire, iha may kaibigan ka palang dumalaw. Gusto ka nga sana niyang makita at makausap. Nagtampo ka daw ata, kaya ayun umalis na." "Tiya, hindi ko nga po kilala yung lalaki na yun." "Ah, eh basta mag-usap na lang kayo. Mukhang mabait naman siya," saad ni Tiya at biglang umalis. "Sige, iha mauna na ako sayo iinom pa ako nang gamot." "Sige po, Tiya." Nagdali dali ako sa paglalakad para maabutan ang lalaking kaibigan ko raw na sinasabi ni Tiya. Pagbukas ko nang pinto ay saktong pagtingin niya sa aking direksiyon kaya ang ginawa ko ay pinandilatan siya at tiningnan nang may inis at galit. Mabuti naman at hindi siya tumakbo dahil kung hindi ay baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Nakatitig lamang ito at bakas sa mukha niya ang pagkamangha at paghihintay. Kung gayun ay aalamim ko kung anong pakay nito sa akin. Pagkalapit ko sa sa kanya ay sinapak ko ito at hinawakan ang mga kamay patalikod at sinipa ang mga binti sa likod. Nasa likod niya ako ngayon habang ang lalaki ay nakaluhod dahil sa pagsipa ko. Pinatayo ko ito at hinawakan ang kanyang leeg na may matulis na bagay akong idiniin habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa mga kamay niya para hindi makawala. "Sino ka at anong kailangan mo sa akin," tanong ko na may pagbabanta. "Gusto lang sana kita makausap, Miss. Bago lang ako dito at naghahanap nang matutuluyan. Nakita kita kaya pumasok na rin ako," nangangambang sambit ng lalaki. "Bakit mo ako kilala? May nag-utos ba sayo para sundan ako? Sino? Sabihin mo! Dahil kung hindi ay papatayin kita!" "Miss, uminahon ka. Walang nag-utos sa akin para sundan ka. May nakapagsabi lang sa akin ng iyong pangalan kaya't nalaman ko na ikaw si Claire." "Sino?! Sino nagsabi sayo ng pangalan ko? Sino!!!!" "Hindi ko rin siya kilala. Mukhang armado kang babae at parehas lang tayo nang pangkat na kinabibilangan." Pagdadahilan ng lalaki at hindi pa rin ako kumbinsido. "Ang tanong ko ang sagutin mo!!!" "Bitawan mo muna ang hawk mo para masagot ko nang maayos ang mga tanong mo. I promise, hindi ako masamang tao." Dahan-dahan kong binaba at tinago sa gilid ko ang isang matulis na bagay. "Huwag na huwag mo akong susundan ulit, dahil kapag nakita pa kitang muli ay hindi lang ganito ang aabutin mo." Sabay pagbitaw sa mga kamay niya at tumakbo na ako. Naiinis ako sa mga pinagsasabi ng lalaki. Ano nga ulit pangalan niya? Bry? Ah basta ewan ko sa lalaking iyon. Hindi pa rin ako naniniwala sa mga sinabi niya. Mukhang may tinatago ang Bry na iyon dahil sa postura pa lang niya ay iba siya sa mga taong naninirahan sa lugar ko. "Ale, pabili nga po niyan, dalawa po." Bumili na lang ako nang aking kakainin at mamaya ay aalis pa ako para samahan si Papa sa pagpupulong na gaganapin ng samahan. Si Papa ay may mataas na posisyon sa samahan kaya sa tuwing may mag pagpupulong ay dapat naroon siya. Sinasamahan ko parati si Papa kahit pa sinasabi niyang huwag na lang akong dumalo sa mga pagtitipon. "Ganito ang gagawin natin, hindi pwedeng basta-basta na lang tayong sumusugod. Huwag tayong magmadali sa ating mga plano." Tinig ni Papa ang una kong narinig Nang makarating sa isang opisina na ginagamit ng aming samahan. Ito'y opisina na ekslusibo lamang sa mga parte ng samahan. Hindi basta-basta ang lugar na ito sa higpit ng seguridad. Fingerprint at eye detector ang paraan para makapasok. Nakaprogram na ang mga functions nang bawat devices na kakailanganin para sa pagpasok at paggamit ng mga kagamitan sa loob. Ang perang ginamit para sa pagbuo at pagtayo nito ay galing sa mga ELITE na kontra sa gobyerno ay sumali sa samahan. Ito'y matatagpuan underground at sobrang napakalawak dahil sa dami na rin nang mga pasilidad na ipinapasok para gamitin sa paggawa ng mga armas na kakailanganin sa pakikipaglaban. May mga pagsasanay ring ginagawa sa mga baguhan at sa mga gustong maging bahagi ng samahan. Natapos na ang pagpupulong at nagsilabasan na ang mga kasamahan ni Papa. Napalingon ang ilan sa akin at bumati na rin nang biglang may sumigaw at tinawag ang pangalan ko. "CLAIRE!!!!!" Napalingon ako sa pinanggalingan nang sigaw, napangiti na lamang at agad na pumunta sa kinaroroonan ni Papa. "Mark, ikaw pala. Kumusta ka na? Tagal na nating di nagkita. Ang tangkad mo na." Niyakap ko lang sandali si Mark at bumaling amg atensyon ko kay Papa na katabi lang ni Mark. "Tara na Pa, may pupuntahan ka pa ba," tanong ko kay Papa. "Mauna ka na, anak may gagawin lang muna ako dito. Samahan mo na lang si Mark maglibot sa labas dahil kakarating lang niya kanina." "Sige, Pa. Ingat po." Lumabas na ako kasama si Mark at parang nakatitig pa rin siya sa akin. Bigla siyang nagsalita at yumakap. "Kumusta ka na, Claire. Namiss kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD