Finally, I found you.

969 Words
04 Brylles' POV "Sir, nakita ko na po ang babaeng pinapahanap niyo at may kakaiba lang po sa lokasyon niya na nakalagay dito at sa kinaroroonan niya ngayon. Hindi po magkatugma", said Cartel na may halong pagtataka. "Ok. Send me all the details and don't tell others about it. You got me?" Pagkasabi yun ni Brylle ay agad na nagtungo sa kanyang sasakyan and turned on the device that contains information and connect other devices with it. He pointed his hand in the air and swiping everything in a screenless monitor. There he saw the picture of Claire and was shocked sa mga detalye na nabasa niya patungkol kay Claire Name: Claire del Valle Age: 25 Group: Strong Location as of this time : San Martin Homes Job Description: Office Works Pagkabasa kong iyon ay agad na bumagsak ang aking pakiramdam. "Hindi maaring mapabilang siya sa pangkat na iyon. Paano niya ako magugustuhan kung sa iba ako napabilang? Wala akong pakialam kung magkaiba man ang aming pinagmulan. Ipaglalaban ko ang nararamdaman kong ito. Pero paano ko ito gagawin kung pagkamuhi naman ang mararamdaman niya sa akin kung malaman niyang isa akong ELITE?" Bulalas ng aking bibig na may alinlangan. "Gagawa ako ng paraan para makilala siya." Agad akong pumunta sa St. Martin Homes kung saan ang lokasyon ni Claire. "Sara, turn on the map and give me the direction to St. Martin Homes." "Drive mode on," said Sara with a computer programmed tone. Habang nakaupo lamang sa sasakyan at naghihintay na makarating sa lokasyon ni Claire ay bigla akong kinabahan sa mga mangyayari. Nalaman ko na ang pangalan niya, ngunit kapag nakikita ko siya ay bumibilis ang kabog ng aking puso. Hindi ako mapakali sa aking iniisip at nararamdaman na para bang sabik na makitang muli ang kanyang mga matang nangugusap. "We've already arrived in the destination, the St. Martin Homes," said Sara. Pagkalabas ay nakita ko ang isang lugar na parang hindi organisado at maraming nakakalat na mga tao sa paligid. Maraming nagsisitakbuhan at nagsisigawan. Ang iba ay nagtitinda at animo'y mababakas sa mga mukha ang kalungkutan at galit. "Sir, bili na po kayo para po pangbili ng gamot sa Tatay ko", sabi nang isang batang nasa 15 anyos pa lamang na nagtitinda. "Magkano ba iyan? Bilhin ko na lang lahat. Balikan ko lang mamaya." Naawa na rin ako sa bata kaya't binili ko na ang mga paninda niyang mga components. Magagamit ko rin naman ito sa bagong proyekto na aking ginagawa. Tumingin-tingin ako sa paligid hanggang sa makita ko si Claire. Mabilis ang paglalakad nito at para bang may hinahanap. Hindi ko na hinintay pa ang bata at nagmamadaling iniabot ko ang bayad rito. Sinundan ko nang mga tingin si Claire hanggang sa tumakbo na ako para hindi ito mawala sa mga paningin ko. Pumasok siya sa isang sulok at may binuksan na isang pinto. Sumunod naman ako rito ngunit hindi ko magawang buksan. Kumatok ako nang ilang beses hanggang lumabas ang isang matandang babae na sa tanto ko ay nasa 60's na ito. "Sino ka, iho? At ano ang kailangan mo?" "May gusto lang po sana akong makausap. Claire po ang pangalan niya. Nakita ko pong pumasok siya rito kanena. May itatanong lang po sa kanya," sambit ko na hinihingal pa. "Si Claire pala ang sadya mo. Nandoon siya sa ikatlong palapag, Room 7. Ngunit hindi ka pwede basta-basta makakapasok. Teka lang at tatawagan ko lang siya." "Pakisabi Brylle po ang pangalan ko at kaibigan po niya ako." Natawa na lamang ako sa aking sarili dahil sa mga pinagsasabi ko. Alam kong hindi niya ako kilala at imposibleng makakapasok ako. "Wala raw siyang kaibigan na nagngangalang Brylle, iho," pagtatakang sabi nang matanda. "Hindi na siya siguro maalala sapagkat matagal na rin nang huli niya akong makita. Baka nainis lang po sa akin," pagsisinungaling kong sabi. "Baka may bakante pa po kayong room dahil bago lang din ako dito at naghahanap nang matutuluyan pansamantala. Susuyuin ko na rin ang kaibigan ko. Mukhang nagtatampo po, eh," pagsisinungaling ko ulit na sabi. "May bakante pa, iho. Sa ikatlong palapag din, Room 10. Mamaya mo na ibigay sa akin ang paunang bayad pagkatapos malinisan roon. Tawagan na lang kita mamaya." "Salamat po, Ma'am." "Aysus, huwag mo na akong tawaging Ma'am. 'Tiya' na lang itawag mo sa akin dahil iyon din ang tawag ni Claire sa akin. Alam mo bang napakabait na bata ni Claire at magalang. Simula nang mamatay ang kanyang ina ay malimit na siyang ngumiti," pagbabahagi ni Tiya. "Bakit ano po bang nangyari, Tiya," pagtatanong ko. "Tanungin mo na lang siya, iho. Mukhang may gusto ka rin ata sa kaibigan mo ngunit 'di mo lng masabi," nakangiting sabi ni Lola. "Ahh ehh, sige po Tiya," nahihiya kong sabi. "Sige, iho tawagan na lang kita mamaya ha. Sana magkaayos na kayo ni Claire. Mukhang bagay kayong dalawa. Magagandang bata at mukhang mabait ka rin, iho." "Sige po, Tiya," nakangiti kong sabi at nagpaalam na sa matanda. Pagkalabas ko ay nakaramdam ako nang guilt sa aking sarili dahil sa mga kasinungaliang sinabi ko kay Lola. Napakabait ni Lola at ang gaan nang aking pakiramdam habang nagsasalita siya. Patuloy lang ang aking paglalakad nang biglang lumabas si Claire at nakatingin sa direksyon ko. Muli na naman nagtama ang aming mga mata at mas tumagal pa ito nang ilang segundo. Hindi ako makagalaw sa posisyon kung saan ako nakatayo. Para bang nakadikit ang aking mga paa sa sahig at ayaw gumalaw nang kahit konting hakbang man lamang. Bumilis ang t***k ng aking puso nang makitang papunta siya sa paroroonan ko. At nakatitig lamang ito sa akin nang walang emosyon. Bigla niya akong sinapak, hinawakan ang aking mga kamay sa likod at sinipa ang aking mga binti. Napaluhod ako nang may bigla siyang sinabi. "Sino ka at ano ang kailangan mo sa akin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD