Naging mabilis ang pagdaan ng mga araw hindi ko na namalayang halos magdadalawang buwan na akong pumapasok na tila normal na studyante kasama ang tatlo, dito sa mundong ito.
Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin. Kung anong misyon ko?
Nang bumalik kasi kami sa kubo ni Tatang Kulas, ay wala na siya roon. Ang sabi ng ilang napagtanungan namin ay lumipat na raw ito ng lugar at walang nakakaalam kung nasaan na siya.
"Alis na ako! I-enjoy niyo ang paglilinis. Kaya niyo 'yan!" Nakangising paalam ni Thirdy. Nagmamadali, dahil may date na naman siguro sila ng jowa niya.
Tuesday cleaners kasi siya habang kami ni Ace ay parehong Thursday.
Inis kong nilingon si Ace na prenteng nakaupo pa rin sa upuan niya at gaya ng dati. Nakasuot na naman ng headset. Wala na siyang ginawa kung 'di ang makinig ng music. Minsan nga, tila hindi niya na rin napapansin ang paligid niya, dahil nakatuon lang ang atensyon niya sa pinakamamahal niyang walkman.
"Tulips, sa garden na lang kayo maglinis. Utos ni Ma'am kanina na dapat linisan 'yon kasi marami ng dahon. Kami na lang dito," sabi ni Jonah at kinuha na ang walis tambo na hawak ko.
"Sinong kasama ko?" tanong ko.
"Si Ace, 'di rin naman namin 'yan mapipilit na maglinis dito. Kaya, ayain mo roon baka samahan ka," sabi ni Shane na tila confident pang sasamahan ako ng kutong lupa.
"Tsk, eh, ang tamad-tamad kaya niyan. Ako na lang mag-isa," nakasimangot kong sabi at dumiretso na sa divan saka kumuha ng walis tingting at dust pan.
"Tulungan na lang kita, Tulips," nakangiting alok ni Vince. Kaklase ko rin.
"Okay, sige." Pagpayag ko. Mabait naman si Vince at lagi niya nga akong tinutulungan tuwing cleaners ako.
Nadaanan namin ang room nila Spade at kasalukuyan pa silang nagle-lesson.
Iba talaga kapag first section, mabuti rin pala at nailipat ako kahit na sakit sa ulo 'yong dalawa.
"Alam mo, Tulips mula nang naaksidente ka. Napansin kong ang laki ng pinagbago mo." Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Ano namang pinagbago? Mas naging pangit ba ugali ko? Maldita?" tanong ko. Dahil 'yon ang karaniwang naririnig ko na tsismis nina Mandy at Lilith sa mga ka-year level ko. Tuluyan na nga akong siniraan, eh! Nakakainis!
"Hindi, ah! Ang totoo, bumait ka nga sa mga kaklase mo. Lalo na sa mga lalaki. Dati kasi ni ayaw mo makipag-usap. 'Yong tatlong kababata mo lang ang laging kausap mo." Paliwanag niya.
"Paano mo napansin 'yon? Ikaw ah, crush mo ako 'no?" nakangising tukso ko.
Namula naman ang mukha niya at napakamot pa sa batok. "Hindi ba sabi ko, pareho tayong first section dati. Kaso, nailipat din ako. Saka, ang dami naman talagang may gusto sa 'yo, eh."
Ang dami talagang nagkakagusto kay Tulips pero hindi ko maiwasang maalala ang lalaking humabol sa kanya sa abandonadong gusali. Hanggang ngayon wala pang lead ang mga pulis kung sino nga 'yon.
Nitong mga nakaraaang araw, nagsisimula ko na ring mapansin na tila laging may matang nakamasid sa akin.
Pero sa dami ng estudyante rito, hindi ko mahanap kung sino. O, wala naman talaga at napa-praning lang ako.
"May tanong ako Vince, noong bago ako magka-amnesia paano mo ilalarawan ang isang Tulips?" tanong ko.
"Ikaw? Ahm, tahimik, laging nagsusulat, laging nakatanaw sa bintana, mahiyain, hindi nakikipag-usap. At, hindi lumalaban kapag na-bu-bully." Iba talaga ang ugali ni Tulips sa akin. She is like the water, and I'm the fire.
"Ano pa?" tanong ko.
"Saka, ang bait mo kay Ace. Kaya nga, ang daming nagtataka kung bakit ang sungit mo sa kanya, ngayon. Eh, halos hindi ka nga makabasag pinggan kung makipag-usap ka dati sa kanilang tatlo."
Because she likes him.
Hindi ko pa nga pala, naitatanong ang bagay na 'to kay Ace. Kung alam niyang may gusto si Tulips sa kanya.
Magulo lang, kasi ang nanliligaw at may gusto sa kanya ay si Spade tapos si Ace pala ang totoong gusto niya.
I wonder now, kung may gusto rin ni Ace kay Tulips.
Parang naaawa tuloy ako kay Spade nito kapag ganoon. Sa kambal pa niya mismo nagkagusto ang babaeng gusto niya.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo, ah." Matipid na lang akong ngimiti at umiling.
"May bigla lang akong naalala."
Hindi pa kami nakakarating sa garden ng section namin ay may umagaw na ng hawak kong dustpan.
Inis kong nilingon si Ace. Nakangisi lamang ito at binalingan ng tingin si Vince.
"Ako na ang tutulong sa kanya. Bumalik ka na lang sa room. Mas kailangan nila ng tulong," sabi niya rito.
Kita ko ang hindi pagsang-ayon sa mukha ni Vince pero nang samaan siya ng tingin ni Ace ay agad na itong nagpaalam.
"Bakit mo siya pinaalis? Gago ka ba? Mas, makakatulong siya sa akin kaysa sa 'yo!" inis at nakasimangot kong sabi.
"Tsk, ang init ng ulo!" tumatawang sabi niya at inunahan pa ako sa paglalakad.
Parang baliw talaga, lagi na lang tumatawa kahit wala namang nakakatawa.
"Himala naman at tutulong ka," pasaring ko nang magsimula siyang magwalis.
"Syempre gwapo ako, eh," nakangising sagot niya.
"Ano namang konek?" nakataas kilay kong tanong.
"Kapag gwapo, dapat masipag din," nakangiting sabi niya at kinindatan pa ako.
Napa-roll eyes ako at maarteng napaubo pa.
"Ikaw! Masipag? Eh, sa tinagal nating cleaners hindi pa kita nakitang naglinis. Ngayon pa lang 'no, yabang nito!" Sabay irap ko.
"Alam mo Tita Shannelle, ang galing mong sumira ng mood, eh. Tingnan mo ngang naglilinis na ako. Pasalamat ka na lang na tinulungan kita. Nakakasakit ka ng damdamin, eh," sabi niya sabay hawak pa sa dibdib niya at umaarteng nasasaktan.
"Teka lang, humingi ba ako ng tulong sa 'yo? Kasi, wala akong maalala, eh," mapanuyang sabi ko.
Napasimangot naman siya lalo at tinalikuran na lamang ako.
"Ayaw ko na ngang makipag-usap sa matanda." Nagpanting ang tenga ko sa narinig.
"Gago! Sinong matanda, huh?" sigaw ko sabay mabilis na sinipa ang hita niya.
"Aray! Ano ba? Totoo naman, eh!" sigaw niya habang tumatawa at mabilis na tumakbo palayo sa akin.
Napahalukipkip ako habang pinagmamasdan siyang humahalakhak.
I could hear, Grant precious laughed.
Napailing-iling ako at tinalikuran ko na lamang siya. Saka, tahimik na nagwalis.
Bale, sa magkabilang parte na kami ng garden nagwalis. Medyo malaki rin kasi ang garden ng section namin.
Makin' my way downtown
Walkin' fast, faces pass and I'm homebound
Starin' blankly ahead, just making my way
Makin' a way through the crowd
Napatigil ako sa pagwawalis at nilingon siya. That familiar song...
And I need you
And I miss you
And now I wonder
Hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan siya habang feel na feel niya ang pagkanta.
If I could fall into the sky
Do you think time would pass me by?
'Cause you know I'd walk a thousand miles
If I could just see you tonight
Lumabas ang magkabilang biloy niya at may papikit-pikit pa habang patuloy sa pagkanta. Napakuyom ako sa kamao at napaiwas ng tingin. Pati ba naman, lalim ng dimples nakuha niya!
It's always times like these when I think of you
And I wonder if you ever think of me
'Cause everything's so wrong and I don't belong
Living in your precious memory
"Grant..." mahinang tawag ko. Habang nagsisimulang bumigat ang mga nangingilid na luha sa aking mata.
'Cause I'll need you
And I'll miss you
And now I wonder
I can clearly remember this song, Grant always sung it when we were in college.
And I, I don't wanna let you know
I, I drown in your memory
I, I don't wanna let this go
I, I don't
Bakit pati sa galing sa pagkanta parehong-pareho sila? Bakit ako pinapahirapan ng ganito? Gusto kong sumigaw para tumigil siya! Pero, nanghihina ako.
If I could fall into the sky
Do you think time would pass me by?
'Cause you know I'd walk a thousand miles
If I could just see you
If I could just hold you
Lagi na lang niyang pinapaalala sa akin si Grant. Bakit, Ace?
"Hoy! Alam ko, magaling akong kumanta pero kailangan bang umiyak ka?" Nalipat ang tingin ko sa kanya habang masuyo niyang pinupunasan ang mga luha ko.
Oh, I hate you even more, Ace Shield Zarriaga! Why you keep torturing me like this?
"Anong title niyang kinakanta mo?" tanong ko kay Grant. Ibinababa ko na ang hawak kong mga review materials dahil pagod na ako mag-review ng subjects ko. Malapit na kasi midterms exam namin.
"A Thousand Miles by Boys Avenue," nakangiting sagot niya.
"Matagal na yatang kanta 'yan. Hindi na sikat," sabi ko. Tinanggal niya ang isang pares ng headset sa tenga niya at inilagay sa tenga ko.
"Yeah, 2011 ang release nito sa Boys Avenue. Pero, may original version ito noong 2002 by Vanessa Carlton," paliwanag niya at sumabay ulit sa pagkanta.
Pinakinggan ko at maganda nga ang song. Napaka-relaxing din ng boses ng kumakanta. Napaka-manly at ang ganda din ng beat.
Nang matapos ang kanta ay tinanggal ko ang headset at hinarap siya.
"Napaka-old soul mo talaga, 'no?" nakangising tukso ko.
"Yeah, and there's nothing wrong being an old soul. You could also try Westlife, Cueshe and Rivermaya songs. I guarantee you, they have the best song! Talong-talo 'yong mga sikat na kanta ngayon ng mga OPM's," proud pa niyang sabi.
Napailing-iling ako at ngumisi. "Ayaw mo lang talaga, makisabay sa trends ngayon, eh."
"I don't like the kind of songs now. Minsan, ang mga kabataan kasi ngayon. Basta sikat na lang 'yong kumanta or trending 'yong kanta kasi nakakatawa. Papakinggan na nila o paborito na, eventhough wala namang kakwenta-kwenta ang lyrics."
"Woo! Ang deep, ah!" Kantyaw ko. Ginulo niya naman ang buhok ko.
"I love music kaya ganoon, love. Huwag mo na ako kantyawan, hindi ka talaga makaka-relate sa akin. Dahil wala ka namang hilig sa music," nakangising tukso niya.
"Ang ganoon, bumabawi!" sabi ko sabay kiliti sa kanya. Tumatawang umiiwas lang naman siya sa akin.
Nang mapagod ay sumandal na lamang ako sa dibdib niya.
"Alam mo kung bakit wala akong hilig sa music?" tanong ko.
"Bakit?" Iniangat ko ang ulo ko at pinisil ang magkabilang pisngi niya.
"Kasi po, ikaw ang hilig ko, yiee!" banat ko. Natawa naman siya habang ramdam kong kinilig na siya. "Kinilig ka 'no?" nakangising tanong ko.
"I love your craziness," anas niya at mabilis na pinatakan ako ng halik sa noo.
"Nakakainis! Bakit parehong-pareho kayo ni Grant? Lahat na lang! Pati sa boses at sa paboritong kanta," nakatulalang sabi ko at inagaw na sa kanya ang panyo niya.
Agad akong umupo sa nakita kong kahoy. Tila nawalan ako ng lakas, kahit gaano ako kasigla kapag naalala ko si Grant. Bigla na lang babagsak ang enerhiya ko.
This world keeps confusing me. Meron ba talagang nag-e-exist na magkaibang tao pero parehong-pareho?
"Grant? Sino 'yon?" kuryosong tanong niya at tumabi sa akin.
Napabuntong-hininga ako. "He is my fiance," sagot ko.
"Fiance? Akalain mo 'yon, may pumatol pala sa 'yo, Tita Shannelle!" tukso niya. Inirapan ko siya kaya tumahimik din.
"Syempre, may papatol sa akin. Maganda ako, eh. Saka, patay na patay 'yon sa akin. Sobrang, mahal na mahal ako," natatawang sabi ko.
Because, it is true. Grant, love me so much.
Minsan naiisip ko, kung siguro nagloko siya at hindi niya pinaramdam sa akin ang sobrang pagmamahal niya. Baka mabilis pa akong naka-move on. Kaso, hindi, eh.
"Kaya ka ba umiyak, dahil nami-miss mo na siya? At nandito ka sa mundo namin?" kuryosong tanong niya.
"Oo, kaso kahit bumalik ako sa mundo namin. Hindi ko pa rin siya makakasama," malungkot kong sabi.
"Bakit naman? Nasaan siya?" Humarap ako sa kanya at napabuntong-hininga.
"Because...he is dead," maikling sagot ko.
Tumahimik siya. Ilang sandali pa kaming ganoon, hanggang sa magsalita ulit siya.
"Talaga bang kamukha ko siya? Magsusuot na ba ako ng maskara? Para hindi mo lang siya maalala? Pero teka, pati rin si Spade kasi kambal kami." Sunod-sunod na tanong niya.
Napailing ako at natawa. "Sira! Alam ko namang magkaiba kayong tatlo dahil siya—kahit makulit. Almost perfect boyfriend," sagot ko kahit hindi na ako sigurado kung may pagkakaiba pa ba silang dalawa.
"Paano mo naman nasabing almost perfect siya?" tanong niya.
"Because he has all the ideal qualities
of my ideal boyfriend," maikling sagot ko.
"Ano bang ideal boyfriend mo?" tanong niya ulit. Nakangusong nilingon ko siya.
"Nakakahalata na ako, ah! Ang dami mong tanong," nakasimangot kong sabi.
"Ikaw, nagsimula nito. Sagutin mo na lang kasi! Baka may kilala akong pwedeng ireto sa 'yo," nakangising kulit niya.
Napailing-iling ako. "Kahit sino pa sigurong ireto mo, walang makakatalo sa ugali niya."
"Basta, sabihin mo na lang kasi!" Napairap ako.
"Ideal boyfriend ko siya kasi—mabait, makadiyos, matalino, hardworking, man with principles, nirerespeto ako, gentleman, matulungin, magalang, lagi akong pinapatawa, sweet, loving, faithful sa akin, magaling sa math, magaling kumanta, painter, magaling magluto at sobrang maalaga." Nilingon ko siya ng matapos ako. Napakunot-noo ako nang makitang nakataas ang mga daliri niya na tila binibilang.
"Ilan?" natatawang tanong ko.
Napanguso siya at kalaunan malalim na napabuntong-hininga. "18 qualities in one person. Bihira nga 'yan. Ang swerte mo po!" Namamanghang nag-thumps up pa siya.
Napangiti ako. "Paano ba 'yan? Wala ka nang mahahanap na mairereto sa akin." Tukso ko.
"Siguro, pero pwede ring meron. Basta, pagtiyagaan niya ang mga ideal qualities mo," seryosong sabi niya.
Natawa ako at napailing. "Mahal lang ako, sapat na," sabi ko.
Kaso, alam kong mahirap 'yon mangyari. Dahil hanggang ngayon, okupado pa rin ni Grant ang puso ko.
Kung sakali man siguro na magmamahal ulit ako. Baka hindi pa rin kayang tapatan ang binigay kong pagmamahal kay Grant.
"Nandito lang pala kayo, tara na!" yaya ni Spade. Tumayo na ako, laking gulat ko lang nang bigla akong hapitin palapit sa kanya at inakbayan.
"Ah, sige. Mauna na lang kayo, tapusin ko lang ito," sabi naman ni Ace.
"O, sige. Ang sipag mo ngayon, ah!" Kantyaw ni Spade at inaya na ako.
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang lingunin siya. Tila malalim ang iniisip niya habang itinatapon sa basurahan ang mga nawalisan naming kalat.
Nagkatinginan kami kaya agad akong umiwas ng tingin. Hindi ko alam pero bakit nakararamdam ako ng kirot habang pinagmamasdan siyang mag-isang ganoon.
Shan! Stop confusing yourself! He is just nothing but a teenage guy, who keeps reminding you about Grant! Nothing else!