Chapter 16

2031 Words
Huminga ako at mabilis na pinunasan ang mga luha ko. Kanina pa siya walang imik at hinahaplos lang ang likod ko, habang patuloy ako sa pag-iyak sa mga bisig niya. "Pwede mo na akong ibaba," naiilang kong sabi dahil nanatili pa rin ang mahigpit niyang pagbuhat sa akin. Nanatili siyang nakatingin sa 'kin. Kaya pinitik ko ang noo niya. "Huh?" tanong niya. "Sabi ko, ibaba mo na ako," mahinahong ulit ko. "Ah, okay!" natatawang sabi niya habang napapailing pa saka ako tuluyang ibinaba. "Thank you, Ace," sabi ko habang pilit pinapakalma ang hindi normal na pagtibok ng puso ko. Halos hindi ko na nga masalubong ang pagtitig niya dahil sa kaba. Get your grip, Shan! Stop acting like a shy teenager in front of her crush! Saway ko sa sarili ko. "Okay, lang. Mabuti nga at nasalo kita kung 'di, baka kung anong nangyari na sa katawan ni Tulips," sabi niya. Bahagya akong nakaramdam ng lungkot. Sa katawan pala ni Tulips siya nag-aalala, at hindi sa akin. Napailing-iling ako. Hindi ko dapat 'yon iniisip. Dapat nga namang sa katawan ni Tulips siya, mag-aalala dahil kaluluwa lamang ako. "Tulips! Are you okay?" Napalingon ako at nagulat nang salubungin ako ng mahigpit na yakap ni Spade. Inikot-ikot niya pa ang katawan ko at pilit hinahanap kung may sugat ako. "Okay lang ako, hindi ako nahulog. Niligtas ako ni Ace," agarang sagot ko. Para tumigil na siya. "Mabuti naman, akala ko kung napano ka na. I'm so worried! I can't forgive myself if something bad happens to you," sabi niya at halata pa rin ang pag-aalala. "I'm okay, now! Don't worry!" masiglang sabi ko. Nalipat ang tingin ko sa nakakagat-labi at nakayukong si Lilith. "I'm sorry, Tulips! Hindi ko sinasadya." Paghingi niya ng tawad sa akin. Hindi ako plastik, katulad niya. Kaya ipinakita ko kaagad ang galit ko sa kanya. "Hindi sinasadya? Nagpapatawa ka ba?" mataray kong sabi. Napakuyom ako ng kamao para pigilan ang sarili kong sampalin siya. Mabuti sana kung pagmamay-ari ko ang katawang ito, eh. Kaso hindi! At muntik ng may mangyaring masama. "I'm sorry," ulit niya at nagsimulang umiyak na. f**k! I know the difference of real tears and the fake one! "Huwag mo nga akong dramahan! Malinaw na malinaw kong narinig ang sinabi mong dapat mahulog din ako katulad mo. Kaya, sinadya mo!" sigaw ko habang nanggigigil pa rin sa galit. "Tama na, Tulips," awat ni Spade pero hindi ko siya pinansin. Dapat lang na maturuan ng leksyon ang tupperware na ito. "And FYI lang! Sinigawan kita at sinabi kong may tubig pero dumiretso ka pa rin. Tapos ako ang sinisisi mo kung bakit nahulog ka? Iba ka rin, eh! Kunwari mabait." "Pwede ba, Tulips! Nag-sorry na nga si Lilith, eh! Ganyan ka pa, hindi ko akalaing, maldita ka!" Sigaw ni Mandy at niyakap na si Lilith. Birds with the same feather flock together. Napataas ako ng kilay at mapanuyang tumawa. "Ako, maldita? O, hindi lang kayo sanay na lumalaban ako? Puwes, tandaan niyo 'to. Hindi na ako ang dating Tulips, na kaya niyo lang i-bully," nakangising sabi ko at tinalikuran na sila. Wala na, nasira na ang kaygandang mood kong mamasyal. "I'm so proud of you, Tita Shan. Sobrang priceless ng mukha nila," manghang sabi ni Thirdy at sinabayan na ako sa paglalakad. Nilingon ko si Ace at kasalukuyang pinapaamo pa rin si Beauty. Wala akong masasakyan. Napahinto ako. Pero, bakit nga ba ako naglalakad? Eh, ang layo-layo nito! Nakasimangot kong nilingon si Thirdy na sinasabayan din ako habang hila-hila ang kabayo niya. Tanga rin, eh! "I-angkas mo na nga lang ako, riyan. Basta, hindi ako ihuhulog, ah," sabi ko. "Sige ba!" excited niyang sabi pero bago pa niya ako matulungang makasampa ay hinila na ako ni Spade. "Sa akin ka sasabay, Tulips," seryosong sabi niya. "Huh? Paano si Mandy?" nagtatakang tanong ko. "Let them walk, that's their punishment in ruining our supposedly peaceful jaunt," masungit niyang sabi. "Oo nga! Maganda 'yan, Spade. Magdusa rin sila." Sabay thumps up pa ni Thirdy. Pinanood ko lang si Spade na sumampa sa kanyang kabayo at inilahad na ang kamay para matulungan din akong makasampa. Naiilang akong kumapit sa kanya. Mabait siya pero hindi talaga ako kumportable sa kanya. Not like, when I'm with Ace. Napapikit ako sa inis. Ace again! Kung hindi lang ako nakakapit nang mahigpit kay Spade baka ginulo ko na ang buhok ko sa inis. Matiwasay nga akong nakauwi bago pa mag-alas tres. Wala pa si Nanay Daisy nang dumating ako. Baka nasa flower plantation pa. Kaya, naglinis na muna ako sa buong bahay. Inuna ko ang kusina saka sinunod ang sala. Nang matapos ako ay lampas alas kuwatro na kaya nagluto na rin ako ng panghapunan namin. Napasimangot akong napaupo nang matapos ko na lahat ng gawain. Wala na akong magawa. Kinuha ko ang cellphone ni Tulips para tingnan kung may magandang game pero tanging ahas na hindi dapat bumangga sa pader ang nandoon. Sinubukan ko namang laruin ng ilang minuto pero kalaunan, nagsawa rin ako. Masyadong madaling laruin. Walang thrill. "Aish, ang boring naman!" naiiritang sigaw ko habang nakahiga sa sofa. Tiningnan ko ulit ang oras at malapit ng mag-alas sais pero wala pa rin si Nanay Daisy. Nalipat ang tingin ko sa telebisyon na de antenna pa. Kinuha ko ang remote control nito at binuksan. Baka, may maganda akong mapanood. Sana, para hindi na ako masyadong ma-boring at may mapaglibangan muna. "Ito ang tandaan mo, ano mang pagpapaganda ang gawin mo hindi ka pa rin babagay kahit kanino pa sa F4. Ang damong ligaw na tulad mo, ay hindi nababagay sa aming mundo! Masisira ang image namin dahil sa 'yo. Sige na! Umalis ka na rito!" "Dao Ming Si!" "Sinong nagsabing pwede niyo siyang dalhin dito? Ang sabi ko, siya ay para sa akin. Subukan niyo siyang saktan! Bukas na bukas, may red card kayo." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Totoo ba ito? It's the Meteor Garden Taiwanese Version! I didn't know it was aired in 2005. Kinuha ko ang unan ko at kumportable nang nanood. I'm really a big fan of this drama. I've watch all its adaption. Taiwanese, Japanese, Korean, and lastly the Chinese version. And they are all superb! I can't get enough, the F4 fever! Nang saktong patapos na ay bumukas na ang pinto. Agad akong tumayo para salubungin at nagmano kay Nanay Daisy. Kinuha ko na rin ang dala-dala niyang bayong. "Ginabi po kayo, ah," sabi habang idineretso na sa kusina ang mga dala niya. "May nadaanan kasi kaming nagtitinda ng gulay. Kaya, ayun, nagsibili na muna kami," sagot niya. "Nga po pala, may maganda po akong napanood na drama. Meteor Garden ang title," sabi ko habang tinatanggal ang takip ng mga niluto kong ulam. Malamig na, kaya iinitin ko muna. Habang nasa sala pa rin si Nanay Daisy at abala sa pagpalit yata. Nagkakarinigan lang naman kami dahil magkalapit lang ang kusina at sala. "Inulit pala nila? 2003, kasi 'yan ipinalabas at sobrang sumikat. Hanggang ngayon nga, sikat na sikat pa rin." Pumunta na muna ako sa sala para mas malinaw kong marinig ang sinasabi niya. "Wow, grabe! Totoo pa lang sikat ang F4," manghang sabi ko. Mas namulat kasi ako sa kasikatan ng boys over flowers. "Oo, walang makakatalo sa kasikatan nila. May collection nga ako ng pinggan at baso diyan. Itinago ko lang. Sobrang paborito mo nga silang panuorin noong unang labas, niyan. Ang aga mo laging umuuwi para lang mapanood." "Talaga po?" gulat kong tanong. Sa wakas! May pagkakapareho na rin kami ni Tulips. "Oo, mabuti nga binuksan mo ang TV. Nalaman mong naulit pala," nakangiting sabi niya. "Oo nga po, nga pala nay. Tara, kain na po tayo," yaya ko. "Oh, nagluto ka pala?" gulat niyang sabi nang makita ang mga niluto ko. "Opo, kanina pa, maaga po kasi akong dumating." Paliwanag ko. "Kain na po, tayo!" anyaya ko. Umupo naman siya sa lamesa at halata pa rin ang gulat habang tinitingnan ang mga niluto kong pagkain. "Hindi ko alam, kung anong dapat kong reaksyon. Kasi, hindi pa kita kailanman nakitang nagluto, anak," sabi niya. Halla! Mali bang nagluto ako? Patay! "Tikman mo na lang po, nay. Hindi rin po ako sigurado kung masarap ba, sinunod ko lang naman 'yong mga nabasa ko sa may recipe book." Palusot ko. Pero sa totoo lang wala naman akong nabasang recipe book dahil marunong talaga akong magluto. Kinakabahan kong pinagmamasdan siya habang tinitikman ang mga niluto. "Ano pong lasa? Matabang po ba o maalat?" tanong ko. Dahil hindi ko talaga tinikman, hindi kasi ako sanay na ako ang tumitikim sa luto ko. Nawawalan kasi ako ng gana kapag ganoon. Kaya nga, si Grant ang laging tumitikim noon ng luto ko. "Masarap, anak! Ang galing mong magluto," nakangiting sabi niya. Kaya nakahinga na rin ako. Akala ko, mapapahiya na ako. Tahimik na lamang kaming kumain. Napapansin ko ang madalas niyang pagsulyap-sulyap sa akin. Kaya sinusuklian ko na lang siya ng alanganing ngiti. Nagsisimula na akong kabahan. Naiisip na kaya niya, na baka hindi nga ako ang anak niya? Shit! Ang sakit sa ulo! Nakaupo ulit ako sa tapat ng bintana at pinagmamasdan lang ang kalangitan. Hindi ko mapigilang maalala ang nangyari kanina. The way Ace held me tightly like a knight in shining armour. Because of too many emotions, I fully memorizes his looked awhile ago. The looked of his worried eyes, thick eye lashes, lips in grim line, and his soothing voice to make me calm and stop crying. Questionably, I felt the same security with him? That only, Grant made me feel all these years. But the thing, that makes me really uneasy is why, my heartbeat, thundered erratically in that moment. Is it because of my fear? Or it's because of something else? The more I think of it, the more different ideas bombarded my minds. And I hated it, that I always ended up of the conclusion that—I'm starting to like, Ace. Or, maybe it's just because I'm seeing Grant on him? Shan! Remember, you are a 30 year old woman. How could you think about liking a teenager? f**k you pedophile! "Sobrang nakakahiya ako kay Grant, dahil sa naiisip ko," napapailing-iling kong sabi. "Anak, gising ka pa ba?" Agad akong napaayos sa pagkakaupo nang marinig ang boses ni Nanay Daisy. "Opo!" sagot ko at tumayo na para buksan ang pinto. "Bakit po, nay? May problema po ba?" tanong ko. Nalipat ang tingin ko sa makapal na notebook na hawak niya. "Nakita ko sa lumang aparador mo sa storage room. Pumunta kasi ako kanina doon para kumuha ang ilang dokumento. Tapos, nakita ko ito. Mukhang diary mo, naisip kong baka makatulong ito sa mabilis na pagbalik ng alaala mo," Paliwanag niya. "Ah, okay po! Salamat," ngumiti ako at kinuha na ito. "Matulog ka na, ah. Bukas mo na lang basahin, gabi na." Paalala niya. "Opo, nay!" sagot ko at isinara na ang pinto. Dahil sa kuryosidad, hindi ko rin napigilan ang sarili ko at tuluyan nang binuksan ang notebook. Binasa ko ang ilan sa nakasulat pero wala namang importante dahil kinukwento niya lang ang nangyari sa bawat araw niya. Mga lugar na pinuntahan nilang apat, mga lesson na ayaw niya at mga nakakatawang kalokohan nila. Palipat-lipat ako ng pahina. Napakasipag pala talagang magsulat ng diary si Tulips. Halos wala siyang absent sa bawat araw. Ibabalik ko na sana ito sa table ko dahil matutulog na ako. Nang makita ko ang isang litratong nakasiksik sa likod na bahagi ng notebook. Sa may plastic cover na nakabalot. Kinuha ko ito at itinapat sa lampshade para mas malinaw kong makita. Batang picture nilang tatlo ito. Pinagitnaan nina Spade at Ace si Tulips dito. Pero, ang talagang kumuha sa atensyon ko ay ang nakaguhit na puso sa litrato nina Ace at Tulips. Napakunot-noo ako. Gusto niya ba si Ace? Tiningnan ko ang likod ng litrato. At doon ko na tuluyang nakumpirma ang hinala ko. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat habang binabasa ang nakasulat. "Even if you tear me to pieces or even if you reduce me to ashes, I would still go back and give you my heart. I will do everything to have you." -Tulips Tulips likes Ace, and not Spade!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD