"Sino 'yon?" tanong ni Thirdy. Katatapos ko lang kasing kausapin ang mga pulis. Tinawagan nila ako tungkol pa rin sa pag-iimbestiga nila. "Mga pulis," simpleng sagot ko at umupo sa gitna nila ni Spade. Manonood kasi kami ng performance ni Ace sa singing contest. "Kumusta? May lead na ba sila sa obsess stalker mo?" excited na tanong niya. Napailing ako. "Tinanong lang nila ako kung may sumusunod na naman ba sa akin at kung may nagpapadala na naman ng mensahe. Sinagot ko lang na wala." "Sabagay siguradong nag-iingat na 'yon kasi may mga pulis na nagmamanman sa 'yo." Napatango ako. Napalingon ako kay Spade na nakasandal sa upuan sa harapan niya at mukhang nakatulog na. Halatang sobrang puyat, officer kasi. Halos sila nag-aasikaso kapag may mga ganitong events tapos sumali pa siya ng

