"Ms. Lee, magpahinga ka na. Hayaan mo na lang 'yong ibang water girl. Mula practice ikaw na lagi ko nakikita na active sa pagtulong." "Okay lang po, coach. Natapos ko naman na," sagot ko pagkatapos kong ayusin ang mga mineral water at itapon ang mga ibang nagkalat sa gilid ng basketball court. "Hayaan mo kakausapin ko P.E teacher mo para bigyan ka rin ng plus points." Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga po? Salamat po!" Ang lawak ng ngiti ko. Malapit na rin matapos ang game nina Ace at Spade. Gusto ko kasi sanang manood ng baseball baka sakaling meron na si Thirdy. Magka-team sina Ace at Spade since iisang team lang ang fourth year at per year level lang ang labanan. Nang malapit na ang oras at ang laki pa rin nang lamang ng team ni Ace. Umalis na ako papunta sa field para mapanood an

