"Bakit ganyan mukha mo? Parang nakakita ka ng multo riyan," tanong ni Ace. Natutulalang napailing na lamang ako at ibinigay ulit sa kanya ang litato. I lost words. I'm just too shocked to process it. I couldn't think of a reason for that to happen. Bakit ako ang nasa litrato na ipinadala sa akin at hindi si Tulips? Paano nangyari iyon? Paano? Hanggang sa natapos na ang lahat ng games at nagkaroon na kami ng ending ceremony para sa Foundation Day ay lumilipad pa rin ang utak ko. "Hindi ka talaga okay. Kanina ka pa tulala," nag-aalang sabi ni Ace habang naglalakad kami papunta sa parking para kunin ang mga bisikleta namin. Nauna nang umuwi si Thirdy dahil may pupuntahan daw siya habang si Spade ay nagpaiwan. Hindi ko nga alam kung nasaan na si Clover. Dahil sa pagkatulala ko kan

