"Oh my god, Shan! Mabuti gising ka na! Sino gumawa niyan sa iyo?" umiiyak niyang sabi. Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Hanggang sa maramdaman ko ang pagkirot ng likod ko. Nanlaki ang mga mata kong napahawak sa likod ko kung saan ako nasaksak sa 2005. Parehong-pareho. Huwag mong sabihing nangyayari na rin sa akin ang nangyayari kay Tulips sa 2005? "Myles, saan mo ako nakita?" "Sa apartment mo. Ilang araw ka na nga naming hinahanap. Bigla ka na lang nawala na parang bula tapos kanina bumalik ulit ako sa apartment mo tapos nakita na lang kitang nakahandusay sa kwarto mo at duguan. Akala ko nga patay ka na, eh," sabi niya habang nagpupunas ng luha. "Ilang araw na akong nawawala?" "Limang araw na, nauubusan na nga ako ng iirason sa Tita mo. Mabuti at hindi sila pumunta rito. Mg

