“KELAN pa kayo umalis doon sa dating bahay n’yo?” tanong ng kaklase ni Luisa na si Joan. “Matagal na, siguro mag-aanim na buwan na.” “Kaya pala pinuntahan kita noong isang gabi sabi ng kapitbahay n’yo wala na daw kayo doon. Hindi mo man lang sinabi,” tila nagtatampo na sabi pa nito. Ngumisi siya at malambing na niyakap ang matalik na kaibigan. “Sorry na, akala ko kasi nasabi ko sa’yo.” “Eh saan na kayo nakatira ngayon?” Naupo sila sa isang sementado at mahabang upuan na nasa ilalim ng malaking puno doon sa school ground. “Sa bahay nila Don Ernesto Serrano,” kaswal na sagot niya. Namilog ang mata ni Joan. “Don Ernesto Serrano na may-ari nitong school?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Oo,” mabilis na sagot niya na hindi nakatingin dahil abala siya sa paglagay ng straw sa

