“ANG cute naman pala ng kuwento kung paano kayo nagkakilala ni Kuya Levi. Ang buong akala ko talaga doon na kayo sa mansion unang nagkita. Ang hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi ko nahalata na nakakagustuhan na pala kayo no’n.” Natawa si Luisa. “Medyo bata ka pa kasi no’n. Hindi ka pa aware sa mga ganoon bagay.” Huminga ng malalim si Tere. “Sabagay, focus kasi ako sa pag-aaral noon.” Lumingon si Luisa sa wala pa rin malay na si Levi. “Ang ganda ng relasyon namin noon bilang magkaibigan. Sabi nga ni Nanay Elsa, masyado daw kaming inseperable. Magkasama sa lahat ng bagay, sa saya, sa lungkot at lalo na sa kalokohan.” “Kailan mo nalaman sa sarili mo in-love ka na pala kay Kuya Levi?” tanong ulit ni Tere. Muling bumalik sa nakaraan ang isipan ni Luisa at pinagpatuloy ang k

