MABILIS na dumaan ang panahon. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang manirahan si Luisa at ama sa mansion ng mga Serrano. Sa lumipas din na mga taon na iyon ay mas naging malapit si Luisa at Levi sa isa’t isa. Maliban sa mga nakatira sa mansion na ang tingin sa kanila ay parang magkapatid o magpinsan na sobrang close at madalas nag-aaway. Sa mga kaibigan, maging sa ibang tao, madalas ay napagkakamalan sila na may relasyon. “Ano? Wala pa ba ‘yong sundo mo?” tanong sa kanya ni Joan. Uwian na nila sa mga oras na iyon at nangako si Levi sa kanya na susunduin siya nito. “Wala pa nga eh.” “Himala, na-late yata siya. Dati rati laging maaga ‘yon ah,” sabi pa nito. “Eh baka maraming ginawa sa University,” sagot niya. “Alam mo, hindi ka pa kasi umamin eh, may relasyon na kayo ni Levi,

