“KUMUSTA na si Nanay Elsa?” tanong ni Luisa kay Tere habang naroon sila sa ospital at nagbabantay. Pauwi na ito at siya naman ang papalit. “Ayun, isip ng isip sa’yo. Nag-aalala.” “Wala ka bang sinasabi?” Marahan itong umiling. “Mahigpit na bilin ni Sir Ian na ilihim ang kinaroroonan mo. Lalo ngayon at magkasama na kayo ni Kuya Levi,” sagot nito. Huminga ng malalim si Luisa. “Nagi-guilty ako, Tere. Pakiramdam ko nagsisinungaling ako sa kanya. Pagkatapos akong alagaan ni Nanay Elsa noong may amnesia pa ako.” “Sino ba? Lalo na ako. Imagine, mahigit isang taon na ang alam n’ya eh ibang tao ang inaalagaan ko. Pero wala eh, ganoon talaga. Naiintindihan ko ang sitwasyon. Mas konti ang nakakaalam, mas safe. Lalo na at ang boss ni Nanay ngayon ay si Madam.” Bahagyang kumunot ang noo ni L

